CHAPTER 3 PARTY

1288 Words
Sa pagkakataong ito. Parang mainit na tubig ang binuhos sa buo kong katawan. Na sa sobrang init, napakalamig na.  Habang nakatayo ako sa may pintuan, naririnig ko ang usap usapan at tila nangingilatis nilang mga tingin.   Tinapik ako sa balikat ni Ms. Ayuko. Halos di ko maramdaman na nasa likuran ko na pala siya.   Biglang lumapit sa akin si Andre. Pilit niyang inaabot ang kamay niya na parang matagal na kaming magkakilala. Para bang sobrang malapit namin sa isat isa.   "Wag ka muna magsalita,".. mahinang sambit niya habang hinihila ang mga kamay ko.   Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko. At para bang panaginip lang lahat ng ito. Gusto kong sigawan si sir Andre pero parang di ko magawa. Gusto kong lumikha ng eksena pero parang ako ata ang eksena.   Habang nakahawak siya sa akin, tumingin siya mga mata ko. Pilit niyang sinasabing wag kang mag alala.   Lumapit kami sa bandang kanan ng area. At sa bandang roon, may isang matandang lalaki.   "Dad, this is sofia", pambungad ni Sir Andre   Tumango lang ang Dad niya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Ni imik wala akong narinig sa kanyang Daddy.  Walang sinabi kahit ano ang kanyang daddy at ilang sandali lang hinila na ako ni Andre palabas.   Dinala ako ni Andre sa isang madilim na sulok sa labas. Walang tao. Walang ingay.   Tumingin siya sa akin. At binitiwan ang pagkakahawak sa mga kamay ko.   "Ano bang problema mo? Bakit mo ginagawa to sa akin? Anong tingin mo sa akin? Kaya mo akong bilhin at papaikutin na para bang ikaw ang nagmamay ari ng buhay ko? Hindi to kasali sa kontratang pinirmahan ko. Ang alam ko secretary mo lang ako" .. ang inis na inis kong sabi sa kanya.   "Dinala kita dito, hindi para sermonan ako. Dinala kita dito para kausapin ka ng maayos at maintindihan mo ang lahat ng ito"   Halos magngingit na paningin ko sa kanya.   "Kailangan ko bang maintindihan to? Ano bang tingin mo sa akin? Isang araw stranger tapos ngayon Fiance na? Ano to?"   Humakbang siya ng bahagya sa akin. At inilapit ang mukha niya.  Bigla akong kinabahan at napakabilis ang t***k ng puso ko. Nakatingin ako sa mga mata niya. At tinitigan niya ako na para bang hindi na ako dapat kumawala pa.   "Hindi mo ba alam na kasama to sa kontratang pinirmahan mo? Magbasa ka sa susunod. At wag kang umastang parang walang alam"   Nagulat ako sa mga sinabi niya. Binasa ko naman ang mga pinirmahan ko. Paano nangyari yun? Tapos ako pa ang may kasalanan? Di ko mapigilan ang sarili ko. Kaya nasampal ko siya ng bahagya.   Hinawakan niya ang kamay ko. At inilagay niya ito sa kanyang pisngi. Nagpilit akong pumiglas pero pinigil niya ito. Diniin niya ako sa pader na halos di na ako makagalaw. At lalo niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Bigla akong napahinto. Napatitig. Napakagwapo niya pala. Ang kanyang mga mata. Nakakapanghina.   Pinikit ko ang mga mata ko. At napabuntong hininga nalang.   Ilang segundo … binitiwan niya ang kamay ko at umatras ng bahagya.. Sabay alis.   "Sumunod ka sa akin sa loob at kumain ka muna" … sambit niya habang paalis.   Nakaalis na siya nang muli kong binuksan ang mga mata ko. Napaupo nalang ako at para bang ayaw ko nang gumalaw. Biglang tumunog ang cellphone ko.   Beep beep. …Ms. Ayuko.. calling   "My dear Sofia, nasaan ka?   "Uuwi na ako Ms. Ayuko. At wag mo muna akong kausapin please. Alam kong mabait ka sa akin at wala kang kasalanan sa mga nangyayari, pero hayaan mo muna akong makauwi ngayon"   "I'm afraid na makakauwi ka ngayon, Ms. Sofia. Medyo malayo ang lugar na ito sa inyo. At lumalalim na ang gabi” banggit ni Ms. Ayuko.   Bakit ba parang umaayon sa taong yun ang lahat? Pero kahit anong mangyari. Uuwi ako. Binaba ko ang cellphone at di nalang sinagot si Ms. Ayuko. Naghanap ako ng daan papalayo sa lugar. Naglakad ng bahagya habang hirap na hirap sa outfit ko. Di ako sanay magsuot ng high heels. Makaraan ang ilang minuto  habang naglalakad,   may biglang humintong kotse sa tabi ko.   "Owh gosh. What are you up to?"   Sino ba tong lalaking to? Another Andre? Utang na loob wag ngayon. Masyado pang fresh ang mga pangyayari. Kung sino kaman wag ngayon.   Lumabas siya sa kotse. Nakatuxedo ito. At nakapa pormal tingnan. Medyo maputi at maamo ang mukha.   " Andre's fiancé. You should not be here"   Yumuko ako. At gusto ko siyang iwasan. Wala akong masabi. Ayaw kong magsalita.   "I'm Cloud. Andre's cousin, hop in? Ihahatid kita pauwi"  Tumingin lang ako sa kanya.  Sasama ba ako rito? … kaduda duda.   "Don't worry, I won't do anything. I'm not a kidnapper. Here's my ID"   Biglang gumaan ang loob ko ng pinakita niya sa akin ang ID niya. Doctor pala siya!   Pinagbuksan niya ako ng pinto at parang napakagaan ng loob ko sa kanya. Hindi ko naramdaman sa kanya ang ugaling ewan. Di kagaya ng pinsan niyang parang ulol.   "So? How did you too first met?... pabulong niyang tanong sa akin.   Bigla akong napahinto sa pag iisip sa tanong niya sa akin.   Hindi ko alam ano ang isasagot ko dahil talaga namang parang isang bangungot lang ang lahat.   " I think my question is a little bit private, tsaka parang malungkot ka, nag away ba kayo. Come on tell me"   Napatingin ako sa kanya. Deritso lang ang tingin niya sa daan at habang nagmamaneho, di ko maiwasang pagmasdan siya. Napakabait niya. Siguro nga kasi doctor siya. Iba't ibang sitwasyon ng buhay ang nararanasan niya, nakakasalamuha.   "Oh, bakit parang wala naman akong kausap. Wag mo akong titigan. Malulusaw ako".. Nakangiting sabi niya.   Habang nakangiti siya..usbong ang isang maliit na dimples sa mukha niya. Mas lalo siyang naging kapansin- pansin.   "Sa dami dami ng nasa utak ko, di ko na mailabas at di na ako makapagsalita..." sagot  ko sa kanya.  "Talaga lang ha?" patanong niyang sabi sa akin.   Habang nagmamaneho, biglang tumunog ang radio ng kotse niya..   (insert It might be you song Time, I've been passing time watching trains go by All of my life Lying on the sand watching seabirds fly Wishing there would be someone waiting home for me Something's telling me it might be you It's telling me it might be you All of my life)   Ngumiti siya ng bahagya habang ako nama’y umiwas ng tingin sa kanya at ibinaling ang tingin sa labas ng sasakyan. Ilang minuto ang lumipas, nakarating narin ako sa bahay. “Sa susunod ikwento mo sa akin ha?” pabiro niyang sabi…  Ngumiti lang ako sa kanya. Tumango at itinaas ang kaliwa kong kamay para kumaway at magpaalam.  Hindi ko na nagawa pang magsalita at magpasalamat dahil umalis na siya agad agad.   Habang papasok ng bahay, dinukot ko sa cellphone sa maliit kong bag.     Text message from Andre Xyvier… "Goodnight. See you tomorrow. Lagot ka sa akin!"   May gana pa siyang magsabing goodnight? Naka 50 calls lang naman siya sa akin.  Halos itapon ko na ang cellphone ko nang mabasa ko ang message niya. Ayaw ko munang isipin ang mga nangyari. Ilang minuto pa ay pumaroon ako sa kwarto ng mga kapatid ko. Ramdam ko ang himbing ng kanilang pagtulog. Ilang araw na rin akong umuuwi ng gabi. Halos di ko na sila nakakasama.  Gusto ko silang yakapin, pero ayaw kong magising sila at makitang ganito itsura ko.   Beep beep beep ... Andre xyvier... Calling.. Calling Talaga tong taong to. Di man lang marunong mahiya. Sa halip na ma end call ko eh nasagot ko pa ang tawag niya. Anak ng tipaklon nga naman. “Be ready tomorrow, you’ll gonna meet my brother and uncle”   Toottt toot… end of call.    End of Chapter 3... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD