bc

Against All Odds

book_age16+
18
FOLLOW
1K
READ
others
CEO
drama
twisted
sweet
bxg
mystery
office/work place
others
office lady
like
intro-logo
Blurb

Discover how Sofia's life became complex as she met Andre - the very rich young man who introduced to her to a world she never known before. Unravel the secrets of their lives and how they connect their past. And when she met Cloud, gasp how Sofia's world, became Against All Odds.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 THERE SHE GOES
Tila tumigil ang mundo ng aking marinig ang mga katagang "Last day mo na ngayon Ms. Sofia." Para  akong binuhusan ng malamig na yelo at halos hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko. Paano na? Ang pag-aaral ng mga kapatid ko?   "Ms. Sofia?" paulit ulit na banggit ng boss ko. Hindi ko man lang napansin ang kanyang pagtawag sa akin.   "I'm sorry. Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang kompanya, kaya kailangang magretrench. Kung sakaling kakailanganin namin ng bagong empleyado, ikaw naman ang uunahin namin"   Mag iisang taon palang ako sa kompanya, kaya nga lang humina ang sales dahil sa rival company nito. Masakit mang iwan ang trabaho, pero yung mas masakit yung mawalan ng suporta ang mga kapatid ko.   Maghapon kong binalot ang lahat ng mga gamit ko. Halos magdilim na ng lisanin ko ang gusali.   Sa labas binati ako ng guard. "Salamat Ma'am" Tumango lang ako sa kanya at tuluyan ng umalis dala dala ang isang box ng gamit. Naglakad ako habang naghihintay ng jeep o kung ano pamang masasakyan basta makauwi ako sa bahay.   Habang naglalakad, may biglang humintong kotse sa tabi ko. Binaba ng bahagya ang bintana nito. "Ms? Do you know a hotel somewhere around here?" I think it's called Skyway Hotel?"   Hindi ko nakita ng bahagya ang tao sa loob ng kotse. Nagdadalawang isip akong sagutin siya. Pero syempre bahala na. Yung Hotel na yun ay malapit lang sa bahay.   " malayo pa po, mga 10 minutes bago ka makarating dun"   Binaba niya pa lalo ang bintana. Bahayagyang nawala ang pagod ko ng makita ko ang mukha niya. Tao ba tong kausap ko? Ba't ang gwapo naman. Saka yung mata niya.   "is that place familiar here? Like if I ask that hotel, someone would say " okay, I know that place"   Sir. Bandang ron po bahay ko. Kaya malamang alam ko ang lugar na yun." Pasungit kong sagot. Kasi ba naman ka ka english. Kala mo naman, kahit gwapo ka pa. Sa iba ka nalang mang disturbo masyado akong badtrip ngayon.   "Mataray ka ata Ms? Hindi mo man lang sinagot tanong ko. Do you even know me? HUH?"   Aba? Siya pa ang nagtatanong, siya pa galit? Wag mo akong mataray tarayan. Tsk "Malay ko ba kung sino ka? Wala akong pakialam kung sino ka. Sa iba ka nalang mandistorbo, okay? Wala akong panahon sa iyo, sa iba ka nalang magtanong!"   Pagkatapos ko sabihin yun. Dali dali na akong naglakad papalayo. Bat ba kasi walang dumadaang jeep dito. Nakita kong nakasunod padin siya sa likod.   " Ms? How dare you!"..pasigaw niya habang nakasunod sa akin.   Huminto ako at sinagot ko siya.   " Sir? Bakit ba? Ano ba problema mo? Diba nagtatanong ka? Edi. Sinagot na kita. Hindi kita boss, hindi mo ako pag aari. Kaya wala kang karapatang obligahin ako"   "ganyan ka ba dapat sumagot sa ibang tao? I'm just only asking a f*****g question"   Bumaba siya ng sasakyan. Naka tshirt siya ng puti, maamo na masungit ang aura niya. Halatang mayamang spoiled brat. Very fresh tingnan pero lanta naman ang ugali. Pero walang duda. Ang gwapo niya.   "Ano bang problema mo? Ang daming taong pedeng mapagtanungan pero bakit parang ako pa ang may kasalanan kung di kita sagutin ng maayos? Lahat tayo may pinagdadaanan sa buhay. Matuto ka namang imintindi. Unawain mo ang bawat taong makakausap mo. Tsaka, hindi kita tinatarayan. Sinagot naman kita diba?"   " Yes! That's the point. Unawain mo. But you chose to answer me in that way. Now? Who's more understanding than us? and also, I'm Mr. Andre, I'm sure you know who am I?"   Tumawa ako.  Tumawa ako ng paunti unti hanggang sa nilakasan ko pa.   " masyadong malakas tupak mo?, okay kalang ba?" . . banggit ko sa kanya habang nakatawa na parang nang-iinis   " Naiinis ako sa iyo, naiinis ako sa iyo kanina pa. At ngayon mas lalo akong nainis sa tawa mo. Para kang isang mangkukulam. Ampangit"   Bilang umulan ng malakas. Malakas na iilang segundo palang ay basang basa na ang mga damit ko. Di ko na namalayang nakapasok na pala siya sa kotse niya. Takot naman pala to sa ulan eh’ Masyadong ilusyunado tung lalaking ito. Nasayang ang oras ko sa kanya. Talagang minamalas nga naman oh. Inabutan pa ng ulan.   Beep. Beep. Beep.   Habang naglalakad ako sa gitna ng ulan, nasa likod siya nakasunod at nakabusina. Please. Makakauwi pa ba ako sa bahay o magiging isang hostage o kidnap for ransom na ako. Well, wala namang makukuha sa akin. Baka isa tong.. Ra... Pi..   Tumakbo ako at pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kanya.  Hanggang sa may humablot sa akin at pilit ako hinihila..   Napapikit ako habang nakayakap sa sarili ko ng mahigpit.   "please saklolo.. Maawa po kayo"   Nagsisigaw sigaw ako. Habang unti unti kong binubuksan ang mga mata ko. Nakikita ko siya. At nasa loob ako ng kotse niya.   "okey, stop. I'm not intending to do something on you. You're no way can catch up my level. You look so lola to me. And I didn't let you enter my car to save you from the rain. Pero narealize ko. Pwede kitang maging key, your personality is way too strong para macontrol ako"   Utang na loob. Hindi ko na alam anong pinagsasabi nitong taong to. Akala ko mas may malala pa sa pagkaka alis ko sa kumpanya. Yun pala teaser lang pala yun.   "Work for me, as my secretary!"   Tama ba yung narinig ko? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Hindi ko naman hiniling ito pero parang nagiging mala pelikula ang buhay ko.   "Gusto ko lang gawin tong klaro ha?. Hindi mo ako kilala. At mas lalong hindi kita kilala. Tapos agad agad gagawin mo akong secretary? Are you lost boy?"   Habang kinakausap ko siya. Nakatitig siya sa uniform ko. At dun, nakalagay ang pangalan ko. Sofia Martinez. Sales Department.   " So? Ms. Sofia, from TYL company, how's your company now?" Habang nakangiting banggit niya sa akin.   So? Kilala niya ang kumpanya sa uniform ko palang? At tinanong niya kung kumusta ang kumpanya.   "So far, its going great.. Tumaas lalo ang sales ng TYL"   "really?.. Biglang siyang napangusmod ng marinig niya ang sinabi ko. At bigla niyang kinuha ang cellphone niya tsaka may tinawagan.   " Tell me how much is the loss of TYL company, percentage of?". .. they had loss for about 70%.. thats too much for a company.   Napa smirk siya sa akin habang binababa ang cellphone niya.   "you're not a liar, halata sa mukha mo. Lola"   Napayuko ako at biglang nalungkot ng marealize ko na wala na pala akong trabaho at papalubog na ang kumpanya na.   "Owh. I think the rain just stop. Pede kanang bumaba. May mga kotse namang dumadaan dito.                                                               Napatitig pa ako sa kanya. At napahinto kasi pilit ko pang inaabsorb lahat ng nangyayari   "Stop daydreaming about me. Bumaba kana. Ilang minuto ko ring tiniis ang basang ambiance sa loob ng kotse" inis na sabi niya habang nakahawak ang kamay sa steering wheel.   Habang palabas na ako ng kotse niya. May inabot siya sa akin.   "Here's my calling card. Call me when your home. I'm expecting your call in a couple of minutes. Accept my offer. Or else"   Or else ano? Tsk. Bago pa ako makapagsalita humarorot na bigla ang kotse niya.   Umuwi na ako agad agad. Dahil sa walang jeep napilitan akong magtaxi. Sayang pa ang perang pang uulam pa sana para bukas. Gabi na nang dumating ako ng bahay. Tulog na ang dalawa kong kapatid. Kadalasan pag umuwi akong gabi, inihahanda ko na ang hapunan nila. Dahil sa katapat lang naman ang bahay namin sa karinderya. Inihahabilin ko nalang sila kay Manang Elsie.   Walong taon na nang iwan kami nina mommy at daddy. Namatay sila sa isang car accident habang papauwi. Nang mga panahong iyon, lagi ng nagtatalo sila mommy at daddy. Palubog na kumpanya, 3rd party ni Mommy at mga alak ni daddy. Masyadong magulo nung panahong iyon. Kaya nang mawala sila. Ako na ang naging mga magulang sa kapatid ko. Sinikap kong makatapos ng college. Habang nagtatrabaho sa isang fast food chain. Kaya nung makapagtapos., lumipat ako ng kumpanya. Minalas nga lang..Parang magsasara pa.   Magpalahinga at matutulog na sana ako ng makita ko ang ko ang calling card sa sahig. Nahulog ata habang nagliligpit ako kanina. Inabot ko ito at tiningnan ang nakasulat.   CYVIER COMPANY HUMAN RESOURCE Ms. Ayuko Sotti   Ano? Bakit ibang calling card to. At bakit sa cyvier? Talaga bang pinagloloko ako nung taong yun. Anong akala niya  sa akin? Di niya ako maloloko. Sira ulo pag nakita ko yun gugulpihin ko yun.   Bukas na bukas siguro maghahanap na ako ng bagong mapapasukang trabaho. Ayokong malaman nilang wala na akong trabaho. Nakatulog na ako kahit basa pa buhok ko sa magkahalong pagod at lungkot.   Kinabukasan, inihanda ko na ang mga kakailanganin ng mga kapatid ko sa pagpasok sa school. Ganun parin, parang walang nangyari sa routine namin tuwing umaga. Papasok pa din ako. At papasok pa din sila.   "Ate, bat di po kayo naka uniform?" tanong ni Nika. Ang bunso namin.   "Nika, free day namin today kaya walang uniform. Ayaw mo ba ng suot ni ate? Palusot ko sa kanya. Sa tingin ko masyado pang maaga para malaman nilang wala na akong trabaho.   " Di naman ate, naninibago lang"   Umalis na sila matapos mag agahan. Ako rin naman. Papaalis na rin. Inihanda ko lang ang mga resume ko para sa prospect company na papasukan ko.   Tanghali na nang matapos ako sa job hunting ko. Umuwi ako ng tanghali sa bahay. Nadatnan ko si Niko., kapatid kong lalaki at kakambal ni Nika.   "Oh, niko? Bat ka napauwi? May problema ba?"   "Ate, hindi kita macontact eh. May babayaran kami sa school. Biglaan para sa project namin sa Science" Pag aalalang sagot ni niko.     "eh magkano ba?" "100 pesos lang ate, kinulang kasi ang naipon ko. Pinambili ko na nang libro eh, sorry talaga ate"   "sus, yun lang ba Niko. Maliit naman. Heto ang pera oh"   Inabot ko kay niko ang pera, at hinatid ko na siya papalabas.   Parang nanlumo ako. Medyo nasaktan at natatakot. Paubos na ang naipon ko at wala na akong mapagkukunan. Kung hihintayin ko pa ang tawag  ng mga kumpanyang pinagpasahan ko, baka matatagalan pa. Paano nalang ang mga kapatid ko?   Bigla kong naisip ang calling card. Bahala na.   3 minuto bago pa ako makapagdesisyong tawagan ang mga numero sa calling card.   "hello? Uhmm is this..   Bago palang ako makapagpatuloy magsalita..   " Yes! Ms. Sofia Martinez. You're hired as secretary of Sir Andre Xyvier. You can now go to his office immediately today after 2 minutes.   Binaba ko ang cellphone dahil di ko alam anong isasagot ko.   Halos di ako makagalaw ng marinig ko ang sinabi sa akin. Joke ba to? O ako ang joke? Pero baka ito na talaga ang sinasabi nilang new opportunity. Teka lang. So pupunta ako ng Xyvier. End of Chapter 1 ..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.9K
bc

My Son's Father

read
583.1K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

That Night

read
1.1M
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
760.3K
bc

Fight for my son's right

read
146.8K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook