CHAPTER 2 CONTRACT

846 Words
Siya ba?"... dinig kong bulong bulungan ng mga empleyado habang ako’y naglalakad papasok sa opisina ni Sir Andre habang tinuturo sa akin ni Ms. Ayuko ang daan.   "Now, Gudluck!" ..sambit ni Ms. Ayuko   Tumango ako, at sabay sabing "Salamat Ma'am"   Binuksan niya ang pinto at nakapasok na nga ako.   "There you are!".... banggit ng isang lalaking nakasuit habang naka upo sa kanyang rotating chair.   Siya. Siya yun. Ang lalaking napaka arrogante. Kung di ko lang to kailangan tong trabahong to.   "Why did you took so long? Masyado ka palang pabebeng lola ka"   "Sir, mawalang galang na po. Pumunta ako dito para magtrabaho. Hindi para makipagsagutan at insultuhin ang pagkatao ko"   Nanginginig kong sagot sa kanya. Oo, nanginginig sa galit.   Tumayo siya habang hawak hawak ang ballpen at sumandal ng bahagya sa kanyang mesa.   "Why? This is a test of character. We are in a corporate world. You should know by now how to camouflage. Wait? Are you new to this environment? Kala ko ba galing ka sa..."       Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Napaupo ako.. at napasabing..   " So? Where should I start?"   "Palaban? Very typical."  nakangiti niyang banggit habang iniikot ikot ang ballpen niyang hawak.   Ano bang gusto ng taong to? Talaga bang gusto niya ako galitin? Oo. Isa siyang pangarap para sa iba pero ugali niyang isang napakabasura. Patience Sofia. Malalampasan mo to.   "Anyways, tonight we will be having a dinner with my client, it's not a simple dinner. It's a business meeting. meet you at 6, pede kanang lumabas"   Teka lang? Bakit parang biglaan naman? Tsaka yung mga kapatid ko. Di ko pa naman sila nahabilin kila Manang.   "ahhhh, sir..   "I said, go out?... sambit niya habang tinuturo ang pinto gamit ang kanyang ballpen.   Sa totoo. Hindi ko na alam ang mga gagawin ko. Lumapit si Ms. Ayuko sa akin. At pinapirma ako ng kontrata. Msyadong promising ang mga benefits. Mahirap tumanggi lalo nang kailangan ko ito para sa mga kapatid ko. Pinirmahan ko ang kontrata. 1 taon. Titiisin ko to..Para sa mga kapatid ko.   "Are you ready?.. Kaya mo to" .. seryosong sabi sa akin ni Ms. Ayuko.   Ngayon pa ba na hindi ko kakayanin?   Dinala ako ni Ms. Ayuko sa labas. Sabi niya may pupuntahan daw kami. Kailangan ko muna daw mag ayos para mamaya.   Inayos ang buhok ko., pinakulayan. Pati kilay ko inahit. Nagkaroon ako ng total make over. Kailangan ba talagang ganito sa dinner?   Sunod naming pinuntahan ang isang hotel. "teka, parang papunta ata tayo sa bahay?"   "no dear, papunta tayo sa Skyway Hotel"   Nagtaka ako ngunit di ko na tinanong. Baka ganito lang yung proseso nila lalo na pag secretary. Pero bakit parang ambilis ng pangyayari.   Nakarating kami bandang 4pm na sa Skyway Hotel.   "Ang Cyvier na ang may ari ng hotel nato" sambit ni Ms. Ayuko sa akin.   Halong gulat at inis ang nadarama ko. Kaya pala nakapaarrogante niya ng araw na iyon dahil siya na pala ang may ari ng hotel nato.   Nang makapasok kami sa isang room ng hotel. Inabot sa akin ni Ms. Ayuko ang isang box.   "Yan ang isusuot mo para mamaya ha. Buksan mo na and fit it"   Binuksan ko ang box at nagulat ako sa puting lacy dress. Ganito ba talaga ka importante ang dinner nato. Napakagara naman ng damit para sa isang dinner lang.   "uhmm Ms. Ayuko, medyo naiilang ako sa damit nato. May mga damit naman ako, at malapit lang ang bahay ko rito kaya pede kong kunin iyon" banggit ko sa kanya habang nakahawak sa damit.   "Dear, yan ang tamang damit para sa event. Kaya suotin mo na. Maya maya ay aalis na tayo"   Wala akong magawa sa pakiusap ni Ms. Ayuko kaya sinuot ko nalang ang damit.   "Perfect!"... sambit niya habang nakatingin sa akin.   Medyo naiilang ako pero wala akong magawa. Siguro isa ring CEO ang haharapin namin kaya ganito.   Nang lumabas kami sa hotel tila magagabi na. Naalala ko mga kapatid ko. Parang ang haba ng araw ko para makalimutan ko sila. Habang nasa sasasakyan tinawagan ko si Manang. "Manang, baka naman po pedeng pautang ulit. Panghapunan lang ng mga bata. Dadaanan ko lang mamaya ang bayad o ibibigay ko nalang kay Danica"   Habang kinakausap ko si Manang, ngumiti si Ms. Ayuko sa akin. Sinagot ko naman siya ng ngiti. Siguro naiintindihan din niya ako.   Dumating kami sa lugar eksaktong alas 6. Habang papasok nakangiti sa akin ang dalawang guard. At habang naglalakad nakikita kong parang hindi naman restaurant ang pupuntahan namin. Maraming tao. Naka damit.   "Ms. Ayuko, parang hindi naman tayo dito?, may event ata? Parang may mali"   Medyo hindi narinig ni Ms. Ayuko ang sinasabi ko. Narinig kong may kausap siya sa cellphone. "I think she's ready" mahinang banggit niya sa  kausap niya.   Ms. Ayuko? Sambit kong muli sa kanya.   "Sofia, pumasok ka sa malaking pintong yan.   Nag aalangan akong pumasok pero baka naman siguro dito na talaga. Habang akmang bubuksan ko palang ang pinto.. may bumukas na para sa akin.   At bumungad sa akin ang maraming tao. Lahat nakatingin sa akin.   " Everyone, meet my fiance., Sofia" End of Chapter 2.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD