bc

Siya Na Nga Ba Talaga?

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
scary
small town
like
intro-logo
Blurb

Sa pusong nagmula sa isang kabiguan, hungkag, at puno ng kalungkutan, magiging handa ba itong tumanggap ulit ng isa pang pag-ibig? Kapag muli itong makakita at makatagpo ng isang taong muli nitong mamahalin, makakaya ba nitong muling tumaya at sumugal sa pag-ibig? Ang nakaraan, kaya bang lunasan at hilumin ng kasalukuyan? Ating tunghayan ang buhay-pag ibig Ng isang taong nasaktan, at umaasang makatagpo muli ng mamahalin. Masasagot ba Ang agam-agam na "Siya na nga ba talaga?"

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nakapangalumbabang nakatanaw sa maasul na kalangitan. Napakaganda Ng panahon kung titingnan. Walang bakas na makikita kung may parating na tag ulan. Dinig ang huni ng mga ibong nagkukumpulan sa Isang Puno Ng kahoy sa may bakuran, na makikita din sa bintanang iyon. Dinig din Ang mga yapak na paparating sa noo'y nakasaradong pinto, kapagkuwa' y Ang pagkatok ng tao sa kabila niyon. Humugot Muna Ng malalim na paghinga bago nagsalita. "Bukas Po iyan.", sabi ko. Bumukas Ang pinto at iniluwa niyon Ang Mama Niya, si Aling Patring, nasa singkwenta na Ang edad nito, at mapapansin na Ang iilang puting hibla Ng buhok nito sa ulo. Bagamat mahaba ay nakatirintas Naman Ng maayos. "Nagmumukmok ka na Naman diyan.", may pag-aalalang Sabi nito. "Okay lang naman Po ako, Ma.", sagot ko. Naramdaman ko Ang paglapit Ng Ina sa akin. Tumabi Siya Saka nagbuntong-hininga. Tinapik Ang balikat ko Bago nagsalita. "Anak, mas Lalo ka lang malulungkot kung magkukulong ka dito. Bakit Hindi mo subukang magliwaliw Muna? Magbakasyon ka doon sa mga pinsan mo at nang maaliw ka Naman kahit papano.", Saad nito. "Ma, okay lang Po. Siguro, darating din Ang panahon na mawawala itong nararamdaman ko. Sa ngayon Po, mas gusto ko Muna Dito sa Bahay.", sagot ko sa kanya. Tila ba, tutulo na Naman Ang mga luha ko. Pinipigilan ko lang. Ang sakit sa dibdib na pilit Kong kinakalma Ang aking sarili sa harap ng Mama ko, upang maitago Ang mga luha na kahit Anong Oras ay magbabagsakan na Naman. Umihip Ang mabining hangin sa paligid. Nakisabay Dito Ang ilang hibla Ng aking buhok na noo'y nakalugay lang. Dumaan Ang mahabang sandali, tahimik, at Wala ni Isa sa Amin Ang nagsasalita. Nang maramdaman ni Mama Ang pananahimik ko, nagdesisyon siyang tumayo. Bumuntong-hininga Siya, at tinapik-tapik muli Ang aking balikat Bago naglakad palabas Ng kwarto. Pero Bago ito tuluyang makalabas, ay narinig ko pa Ang Boses Niyo. "Kung nagugutom ka na, pumunta ka lang sa kusina. May nakahanda Ng pagkaon doon. Paborito mong tuyo Ang ulam natin at nilagang dahon Ng kamote. ", bilin Nito. Tumango lang ako bilang sagot sa bilin Nito. Ito na Ang nagsara Ng pinto sa kwarto. Bumalik Ang tingin ko sa himpapawid. May dalawang ibon na malayang lumilipad. Tila ba Kay saya nila. Walang problema, walang lungkot, walang agam-agam, at puro kasayahan lang Ang alam. Kay ganda nilang panoorin. Naglalaro lang sa himpapawid. Dumako Naman Ang tingin ko sa naroong mga manok sa ilalim Ng Puno. Sa may lilim nito, nag-umpukan Ang mga ito. Ang daming sisiw, nagtatakbuhan sa paligid, na para bang naglalaro Ng habulan. Saka ko inilibot Ang aking paningin sa mga bagay na makikita Ng aking mga mata Mula sa bintana na iyon. Kay ganda pagmasdan Ng paligid, maaliwalas. Maganda Ang panahon. Katamtamang init Ang hatid Ng Hanging Araw. Sabay sa mabining daloy nga hangin. Masasabi mong Kay presko. Nakakakalma. At naisip ko, sana, Ganito Rin Ang puso ko, kalma, walang lungkot, at puro saya lang sana Ang nadarama. Pero, Mali ako, dahil halo-halong emosyon Ang nasa loob nito. Sa kaibuturan Ng aking puso, nandoon Ang sakit na Hanggang ngayon ay di pa Rin mawala-wala. Ipinikit ko Ang aking mga mata. At hinayaang hatakin ako pabalik sa aking nakaraan kung saan nagmula Ang sugat sa aking puso. "Oy, Glenda!!" Narinig Kong may tumawag sa akin. Nilingon ko kung sino Ang tumawag. Agad itong tumakbo palapit sa akin. "Oy, Matet, Ikaw pala.", nakangiting bati ko sa kanya. "Kamusta?" Naki high five ako sa kanya at tinugon Naman nito. Sabay na kaming humakbang patungo sa paaralan. Habang naglalakad ay nagkukwentuhan kami. "Okay Naman ako. Ikaw?", nakangiting Saad nito. "Okay na okay lang ako." " Ay, oo nga pala. Muntik ko na makalimutan." " Ano iyon?" "Sa nalalapit na Intrams natin. Ano sasalihan mong laro?" "Gymnastic. Ikaw?" "Basketball." "Ay, wow ha, hilig mo talaga Ang larong iyan, ano?" "Oo Naman. Sabi nga ni Tatay, kapag nakapasok ako sa grupo, siya mismo magtuturo sa akin Ng mga galaw." "Naku, maganda iyan ah." "Ikaw nga diyan eh, gusto mong maging gymnast. Di ba, masakit sa katawan Yun? Mababali mga buto mo niyan eh." "Oy, Hindi ah. Kapag sanay ka na, Hindi na mahirap gawin iyon. At along Hindi mababali Ang mga buto mo kapag marunong ka na sa mga gagawin mo." "Ganun?" "Oo Naman." "O, sige." "O, Siya, andito na ako sa classroom namin. Kita na lang tayo sa canteen mamayang recess." "Sige." Iyon lang Ang tanging sagot nito at matapos tumango ay agad itong naglakad patungo sa kabilang room. Magkatabi lang Ang silid-aralan naming dalawa. Si Matet ay Ang aking matalik na kaibigan. Magkaibigan din Ang aming mga magulang, kaya sabay kaming lumaki. Magkaklase kami Mula kindergarten Hanggang elementary. Ngayong nasa sekondarya lang kami nagkahiwalay Ng room. Sabay man kaming nag-enroll, Akala ko nga iisang room pa Rin kami pero Hindi pala. Ito Ang unang Araw Ng pasukan. Nasa unang baitang pa lang kami sa sekondarya. Freshmen, kumbaga. Sa pintuan Ng silid-aralan pa lang ay ramdam ko na Ang kaba. Parang ilang kabayo Ang nag-uunahan sa pagtakbo sa loob nito. Siyempre, bagong taon Ng eskwela, bagong paligid. Bagong mukha Ang makakasalamuha ko kaya kinakabahan ako. Iniisip ko kung mababait ba Sila kagaya Ng mga dati Kong kaklase, o di kaya'y may iba't Ibang ugali Ang makikita ko. Pumasok na ako. Nakita Kong marami na Ang estudyante sa loob. Merong nag-uumpukan at nagchichikahan sa kabila, merong nakaupo na sa kani-kanilang upuan. May iba ding tahimik lang sa gilid na animo'y may sariling mundo. Inilibot ko pa Ang paningin sa loob Ng kwarto. Nakahanap na din ako Ng mapupwestuhan. May Nakita akong bakanteng upuan katabi Ng Isang tahimik lang na nakaupong estudyante. Lumapit ako sa kanya at binati Siya. "Hi. May nakaupo ba Dito?", bating-tanong ko sa kanya. Nilingon Niya ako't tiningnan. Ngumiti ako sa kanya. Nag-smile din Siya sabay iling Ng ulo. "Wala Naman.", malumanay na sagot nito. Naupo na Rin ako sa naroong bakanteng upuan. Habang nilalagay Ang dala Kong bag, naisipan Kong kausapin Siya. "Ako nga pala si Glenda.", pakilala ko sa kanya. At inilahad ko Ang aking kamay upang makipagkamay. "Ako Naman si Teri. Short for Terisita.", sagot nito sabay abot sa aking kamay na tumatawa. "Bakit ka tumawa?", tanong ko Dito. "Natawa lang ako. Nababantutan lang ako sa pangalan ko.", sagot nito sabay tawa. Nakitawa na Rin ako. At doon nagsimula Ang aming magandang kwentuhan at samahan. Siya na Ang lagi naming kasama ni Matet sa eskwelahan. Naging matalik na naming kaibigan. Akala ko, may sariling mundo ito dahil tahimik lang. Napaka kwela Naman pala at kalog. Tatlo na kami lagi Ang magkasama kapag pupunta sa galaan. Kami Rin Ang magka partner kapag may mga activities sa room, projects, o di kaya'y homeworks. Hanggang sa palapit na Ang Intramurals Ng eskwelahan. Lahat Ng mga estudyante Ay naging abala na sa kani-kanyang laro na sasalihan. Ako sa gymnastic, si Matet sa Basketball, at si Teri naman ay sa swimming. Sa pag-eensayo, nagkanya-kanya Muna kaming tatlo. Magkaiba kami ng lugar na pinag-eensayuhan. Dumating na ang Araw Ng Intramurals. Sobrang abala na ang mga guro at mga estudyante sa paligid. Bago ang kompetisyon, pumunta Muna ako sa silid-aralan. Nadatnan ko doon si Teri, nag-aayos Ng kanyang mga gamit. Nilapitan ko Siya. "Teri." Tiningnan Niya ako Mula sa pagkakayuko. Nakangiti ito kaya ngumiti na din ako. "Glenda, ikaw pala." Naupo ako sa tabi niya. "Goodluck nga pala sa iyo mamaya ha. Manonood kami ni Matet. Hinihintay ko lang siya. Mamayang hapon pa kasi Ang kompetisyon namin." "Naku, salamat ha. Kaibigan ko talaga kayo." "Siyempre naman. What's friends are for?" Nasasayahang niyakap ako ni Teri. Nagyakapan muna kami. Pagkatapos nun ay tinawag na siya ng Isa sa mga kasamahan Niya. Bago bumitaw sa pagkakayakap ay muli ko siyang sinabihan Ng "goodluck". Ngumiti siya. At nagmadali na sa paghakbang papunta sa pinto. Bago tuluyang umalis ay lumingon Siya sa akin at kumaway. Kumaway din ako. "Sige na, susunod kami ni Matet."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.4K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook