Natapos Ang lahat Ng kompetisyon. Bawat mag-aaral na kalahok sa mga paligsahan ay kinilala. Binigyan Ng parangal Ang mga nanalo. Kabilang kaming tatlong magkakaibigan sa mga nanalo, at nag stand-out sa kani-kanyang pinili na sports. Kami ay kabilang na sa mga atletang magiging representante Ng aming paaralan sa darating na Municipal Meet.
Araw-araw Ng naging abala kaming lahat sa pag-eensayo. Halos di na kami nagkikita na magkakaibigan, dahil iba-iba Ang Lugar na aming pinag-eensayuhan. Hanggang sa unang Araw Ng paligsahan. Sa parada Ng mga atleta Mula sa iba't Ibang paaralan, doon lang kami nagkita-kitang magkakaibigan. Papunta pa lang ako sa linya nang mahagip Ng aking mga mata Ang dalawa, sina Teri at Matet. Agad ko Silang nilapitan.
"Hi!", paunang bati ko sa kanila.
Napansin din nila agad ako. Sabay Silang kumaway sa akin.
"Wow. Ang sexy ah.", pagpansin ni Teri sa akin. "Bagay sa iyo Ang outfit mo."
"Anong outfit? Ikaw talaga. Isusuot ko pa Ang uniform natin oy."
Pagkasabi ay tiningnan ko Ang aking suot. Nakapang-gymnast attire lang ako at naka short. Nagmamadali na Kasi ako kanina kaya naisipan ko na lang ilagay sa bag Ang uniform namin para sa parada at doon na Lang sa linya magsuot, total Naman ay madali lang suotin.
Kinuha ko na sa loob Ng bag na dala ko Ang aking uniform at isinuot. Noon ay narinig namin na pumito na Ang naroong guro na nagsisilbing pinuno Ng parada. Nagsipaglinya na kaming lahat at humanda na sa parada.
Natapos Ng matiwasay Ang parada. Pagod man ay di alintana iyon Ng mga masisiglang atleta, excited na sa paligsahan. Matapos Ang maikling program ay nagsipuntahan na Ang mga kalahok kasama Ng mga guro sa kani-kanilang Lugar na pagdadarausan Ng kompetisyon. Ang sa Aming laro ay gaganapin sa may plaza, nandoon na Ang mga kagamitang gagamitin Ng bawat manlalaro, Ang mahabang beam na bagamat di man kataasan ay napakakitid Naman. Ang hugis parisukat na linya ay nailatag na Rin.
Kabilang ako sa WAG, kaya sa floor and beam ako. Inilibot ko Ang paningin sa lahat Ng kalahok na magiging kalaban ko. Hindi basta-basta. Base sa tindig at porma, lahat ay may ibubuga. Nakaramdam ako Ng kaba. Humugot Muna ako Ng Isang malalim na paghinga, kinalma Ang sarili, at ipinikit Ang mga mata. Nag-usal ako Ng isang panalangin para sa laro Ko sa Araw na iyon.
Pagkatapos niyon ay naghanda na ako. Hinubad ko na Ang t-shirt ko. Mamaya ko na aalisin Ang pants ko kapag tinawag na ako. Nag-umpisa akong gumalaw-galaw, exercise panandali. Saka lang ako natigil nung nilapitan ako Ng Trainor ko.
"Glen.", tawag Niya sa akin.
"Po?"
"Galingan mo ha. Alam Kong kaya mo Yan."
"Salamat po, Ma'am. Pero, magagaling Ang mga makakalaban ko."
"Huwag mo nga isipin Yan, Glenda. Ang mahalaga, ibigay mo Ang best mo sa larong ito."
"Opo, Ma'am."
"Tatlo Ang kukuning manalo. Kung sino Yung makukuha, ay siyang dadalhin sa Provincial Meet."
"Sige Po, Ma'am. Salamat Po ulit."
"Galingan mo. Kaya mo Yan. Goodluck."
Tango lang Ang naisagot ko dahil tinawag na Ang pangalan ko para sa susunod na sasalang sa floor. Bago tuluyang pumasok sa floor area, nilingon ko Muna si Ma'am Alberto, Ang Trainor ko. Nakangiti ito at naka-thumbs up Ang daliri. Nginitian ko Rin Siya at tumango.
Pagtugtog Ng musika ay nagsimula na Rin akong gumalaw. Ginawa Ang lahat Ng makakaya upang maipakita sa lahat Ang routine ko. Natapos Ang tugtog, natapos ko Rin Ang routine ko. Nagpalakpakan Ang lahat Ng manonood, kabilang si Ma'am Alberto.
Nag-bow na ako. Saka humakbang papalabas Ng floor area. Pagkalapit sa Trainor ko ay agad Niya akong niyakap.
"Ang galing mo.!", tuwang-tuwa na komento.
"Salamat Po, Ma'am.", tanging nasagot ko. Medyo hinihingal pa ako. Bumitaw na ito sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Nakalarawan sa mukha nito Ang kaligayahan, na para bang alam na nito na mananalo ako.
"Walang duda. Mananalo ka."
"Talaga Po?"
"Oo Naman. Ang galing Ng kombinasyon na ginawa mo kanina. Doon pa lang, tiyak na Malaki Ang iskor mo."
"Sana nga Po."
"Magtiwala ka lang, masusungkit mo Ang panalo."
At natapos na din na magperform Ang lahat Ng kalahok. Nagsibalikan na Ang lahat sa mga upuan. Ang ibang kalahok at mga kasama nito ay nagsipagdala na Ng kani-kanilang mga gamit.
Nandoon lang kami nakaupo sa mga upuan sa gilid, habang nag-aantay Ng resulta. Ang mga hurado ay abala pa sa pagkakalkula sa iskor Ng bawat kalahok. Hanggang sa nagsitayuan na Ang mga ito at Ang punong hurado ay tinungo na Ang naroong greenboard sa gilid. Nagsulat ito Ng mga pangalan Ng mga nanalo. Lahat ay kabado, kabilang na ako, sa magiging resulta Ng laro. Mula rank 3 Ang isinulat nito. Sunod ay Ang rank 2. Nadismaya ako dahil Wala doon Ang pangalan ko. Sabi ko Naman kanina sa dasal ko, kahit rank 3 lang ako Basta manalo ako, okay lang. Muli Kong tinitigan Ang greenboard. At sa kapani-paniwala, pangalan ko Ang isinusulat Ng punong hurado bilang Rank 1 sa paligsahan na iyon. Nabalot Ng saya Ang mukha ko. Ganun din si Ma'am Alberto, sobrang saya nito at nagtatalon-talon pa. Muli Niya akong niyakap. Group hug Mula sa team. Lahat din Sila ay natutuwa sa aking pagkapanalo. Nagtatalon-talon Ang mga ito at naghihiyawan.
"Congratulation!"
"Salamat Po, Ma'am."
"Ang galing mo talaga. See, sabi ko na nga ba, Ikaw Ang mananalo."
"Oo nga po. Kinakabahan nga ako kanina. Buti na lang, nagawa ko Ng maayos Ang aking routine."
Nagsilapitan na sa Amin Ang iba pang kalahok upang bumati. Pati na Ang mga hurado. Bawat Isa ay nag-iiwan Ng magagandang komento tungkol sa ginawa Kong routine. Floor and beam. Napakahirap Ang beam, pero marami Ang nagsabi na smooth at graceful daw Ang aking galaw. Kahit mahirap ay nagawa ko Ng maayos at hindi nalaglag sa beam. Kapag nangyari iyon, ay napakalaking iskor Ang mababawas sa total tally. Pero sa awa Ng Diyos, Hindi Naman ako nalaglag.
Nagligpit na ako Ng mga gamit ko, pati na Ang boung team. Balik na kami sa Aming headquarter. Doon sa Isang silid-aralan na nagsilbing pahingahan at tulugan naming mga atleta.
Pagdating ay agad akong naupo sa folding bed na gamit ko. Nakakapagod. Ibinaba ko lang Ang bag na dala ko sa gilid Ng bed. Magpapahinga Muna ako. Ngunit nilapitan ako Ng Isa sa mga kasamahan ko, niyayaya akong pumunta Ng kantina upang bumili Ng makakain.
"Sama ka ba?", Tanong nito.
Umiling lang ako.
"Napagod ako. Gusto ko lang Muna magpahinga."
"Ganun ba?"
"Oo."
"O, sige. Bibilhan na Lang kita. Ano ba gusto mo?"
"Pwede?"
"Oo Naman."
"Sige. Gusto ko Ng biskwit, iyong walang palaman. Saka, tubig, Hindi malamig ha."
"Hmm, okay ah."
"Maraming salamat ha."
"No probs."
At nagtungo na ito sa kantina. Ako Naman ay humiga na. Magpapahinga talaga ako, tutal tapos na Rin Ang aming kompetisyon. Makakapagrelax na kami. Bagamat Wala na kaming laban ay di kami pinayagang makauwi. Hihintayin pa daw matapos Ang mga programa at mga laro.
Ipinikit ko Ang mga mata. Nakakaantok na Rin. Nang maramdaman ko Ang paghawak sa aking kamay ay bumalikwas ako. Pagmulat ko ay Nakita ko Ang aking kasamahan na nakatayo sa gilid Ng folding bed. Hawak nito Ang pinabili ko. Agad ko itong kinuha.
"Maraming salamat ha."
"Walang anuman iyon. Sige, balik na ko doon sa bed ko."
Tumango lang ako. Agad Kong binuksan Ang biskwit. Ito na lang Muna Ang papapakin ko, dahil bawal pa kami Kumain Ng marami. Katatapos ko lang magmerienda nang dumating Ang dalawa Kong kaibigan, Sina Teri at Matet. May dala Ang mga ito Ng mga pagkain. May Isang nakabaunan. Pagkalapit ay agad nila akong niyakap, nagtatalon at tuwang -tuwa sa nangyari. Puro "Congratulations" Ang namumutawi sa kanilang bibig.
Pagkabitaw Mula sa pagyayakapan, ay agad na binigay Ng mga ito Ang kani-kanilang dala.
"Ay, Glen, ito nga pala ay Padala Ng nanay Rosario mo.", sabi ni Matet.
Tinanggap ko Ang baunan at tiningnan Ang laman. Adobong native manok.Napangiti ako. Sadyang mabait at maalalahanin Ang mga magulang. Di talaga nila ako pinapabayaan.