Chapter 3

1378 Words
Naging abala na ako sa pag-eensayo para sa darating na laro. Sa lahat Ng ka team ko, ako lang Ang nakabilang sa top 3. Kaya ako lang din Ang patuloy na mag-eensayo sa gym. Nagliligpit na ako Ng aking gamit Ng hapong iyon, nang dumating Ang mga kaibigan ko. Nagtatatakbo Silang lumapit sa akin. Mukhang excited at iwinagayway ni Matet Ang hawak nitong papel sa harapan ko. "Hulaan mo kung ano ito.", sabi nito sa akin. Kumunot Ang aking noo. Wala akong ideya kung para sa ano Ang papel na iyon. Umiling-iling Muna ako Bago sumagot. "Di ko alam kung ano iyan eh.", sagot ko. Si Teri naman ay mukhang kinikilig sa tinatayuan nito. "Sus, kunwari ka pa. Sabihin mo na Kasi.", giit ni Teri. "Hindi ko nga alam Yan eh. Bakit, ano ba iyan?", tanong ko sa dalawa. Sinundot-sundot ni Teri Ang tagiliran ko. Sinusubukang kilitiin ako. Natawa na Lang ako. "Ay naku, sabihin Niyo na lang Kasi kung ano iyan." "Love letter!.", sabay na sagot Ng dalawa. "Para kanino?" "Para sa iyo.", agad na sagot ni Matet. "Para sa akin?", tanong ko sabay turo sa sarili ko. Di pa Rin ako makapaniwala. "Oo Naman.", sabat ni Teri. Bigla nitong kinuha Ang papel sa kamay ni Matet at iniligay sa kamay ko. "Basahin mo, dali." Tila bang Sila pa Ang kinikilig.Tiningnan ko Ang papel. Nakatupi ito. "Sino ba nagbigay nito sa Inyo?", tanong ko ulit sa kanila. "Si Manong guard.", sagot ni Matet. "Sigurado?", paniniyak ko. Tumango lang Sila. "May edad na si Manong Guard, may pamilya na din Siya. Sa palagay Niyo ba, paano ako magugustuhan niyon?", tanong ko sa kanila. "Eh, Sabi Niya sa Amin, may nagpapabigay daw para sa iyo.", sagot ni Teri. "Ganun ba?", tanging sagot ko na lang. Ang lahat ay nagsimula sa Isang liham. Iyon ay nagmula sa isa ding atleta na galing sa ibang paaralan. Ayon sa liham, gusto Niya akong makilala. Gusto Niya daw akong lapitan kaya lang eh nahihiya daw Siya. Mula noong unang Araw Ng paligsahan ay nanonood Siya sa akin, pero di ko Siya napapansin. Love at first sight. Iyon Ang nakasaad pa doon. Babalik Siya bukas para makausap ako. At sa pinakababa Ng liham, andun Ang pangalan Niya, Eugene. Itinago ko na lang Ang liham na Yun. Parang di pa Rin makapaniwala na may Isang taong magkakagusto sa akin. Sa pangit Kong ito, sa itsura Kong ito? Nagkaharap kami, nagkausap. Nagpakilala sa isa't Isa. Isa siyang manlalaro Ng taekwondo. Sikat at Kilala sa kanilang eskwelahan. Bukod sa galing nito sa larangan Ng taekwondo, ay taglay din nito Ang kagwapuhan na inaasam asam Ng maraming kababaihan. Inaamin ko sa sarili ko, humanga din ako sa kanya. Nagtuloy-tuloy Ang pagkikita naming dalawa, kahit tapos na Ang palaro. Hanggang sa nanligaw Siya sa akin. Sinagot ko Naman Siya. Dahil bukod sa gusto ko Siya, ay mahal ko na Rin Siya at mahal Niya Rin ako. Si Eugene ay Isa ring Rider. Sumasali Siya sa mga motocross at race track. Nakahiligan Niya Ang larong iyon. Kaya nga Minsang may laro Siya, sumama ako. Para Naman Makita ko Siya at nang masuportahan na Rin. Naging maayos Ang aming pagsasama, Masaya kami sa isa't Isa. Nakilala na Rin Siya Ng pamilya ko, at ako, okay din sa pamilya Niya. Alam Ng pamilya Niya na mahirap lang ako. Pero walang problema iyon sa kanila. Tinanggap nila ako at itinuring na parang anak na din nila. Nakapagtapos ako Ng pag-aaral. Siya ay ganun din. Dahil sa hirap Ng Buhay, ay kinailangan Kong lumayo para magtrabaho. Pumunta ako Ng Cebu, dahil doon ako inassign sa pinag applyan ko. Okay pa Ang lahat. Hanggang sa isang Araw ay nakatanggap ako Ng tawag. Isang Balita na siyang nagpabigla sa akin. "Ate?", tinig iyon ni Mich, ang kapatid ni Eugene. Garalgal Ang boses nito. "Mich, ano iyon?", tanong ko sa kanya. Bigla akong kinabahan na Hindi ko alam kung bakit. "Ate, si kuya." umiyak na ito sa kabilang linya. "Mich, Sabihin mo sa akin. May nangyari ba sa kuya mo? Anong nangyari?", natataranta na ako. Grabe Ang lakas Ng t***k Ng puso ko. "Ate, uwi ka na lang.", iyon na lang Ang nasabi nito. "Ano ba talaga Ang nangyari? Sabihin mo sa akin.", bumigay na Rin ako. Umiyak na ako dahil Hindi ko alam kung ano Ang gagawin ko. Wala akong ideya kung ano Ang nangyari Kay Eugene, bakit ganun na lang Ang Sabi sa akin Ng kapatid Niya. Agad akong nagpaalam sa amo ko para makauwi sa Amin. Nang nalaman Ng pamilya ni Eugene na uuwi ako ay agad nila akong pinadalhan Ng Pera pambili Ng ticket sa barko. Sila din Ang sumundo sa akin sa pantalan. At bumiyahe kami papuntang ospital. Habang-daan ay tahimik lang Sila. Walang imik. Gusto ko Silang kausapin ngunit nag-aalangan ako. Kita sa mga mata Nila Ang lungkot. Kaya lalong di ako mapakali. Habang papalapit sa ospital na pinagdalhan Kay Eugene ay palakas Ng palakas din Ang kaba sa dibdib ko, na animo'y ilang kabayo Ang nagtatatakbo sa loob niyon. Huminto na kami sa carpark Ng ospital. Doon lang nagsalita Ang mama Niya. "Glenda, iha, ihanda mo Ang iyong sarili.", tanging nasambit nito habang akap-akap ako. Hindi ko na talaga alam kung bakit. Kung ano Ang gagawin ko, nalilito ako. Hindi ko alam Ang lahat Ng nangyari. Kaya maraming Tanong sa utak ko na Hindi pa nasasagot. "Nasa ICU Siya." Bumitaw ako sa pagkakayakap sa mama Niya. Pinipigilan ko Ang pagtulo Ng luha ko sa harapan nila. Naglakad na kami papasok sa ospital. Habang papalapit sa ICU, kung saan Siya nakahiga, ay pabigat Ng pabigat din Ang aking nararamdaman. Pagtuntong ko sa mismong pintuan Ng ICU, Nakita ko Siya, hayun, nakahiga sa Isang kama, nakabenda Ang ulo, at maraming apparatus na nakapalibot sa kanya. Di ko na napigilan Ang paglandas Ng mga luha ko sa aking pisngi. Nag-uunahan Ang mga ito sa pagpatak. Naramdaman ko Ang kamay Ng papa ni Eugene sa balikat ko, at paghawak Ng kamay Ng mama Niya sa kamay ko. Doon na ako humagulgol Ng paluhod. Sobrang sakit at sobrang bigat na sa ganoong sitwasyon ko Siya makikita ulit. Niyakap ako Ng kapatid Niya. Habang hinahaplos-haplos Ng mama nila Ang likod ko. "Hindi ko alam kung bakit ba nangyari ito sa kanya.", dinig Kong Sabi Ng papa nito. "Hinding hindi ko mapapatawad Ang gumawa nito sa kanya.". Nagtagis Ang mga bagang nito. Makikita sa mata nito Ang Galit. Nakakuyom Ang mga palad na animo'y kahit Anong Oras ay handang manglapa Ng kalaban. Inalalayan nila ako sa naroong upuan. Habang nakaupo doon sa silyang inilaan para sa mga bisita, ikinuwento nila lahat Ang nangyari. Shock ako sa mga nalaman ko. Hindi ko alam kung bakit may mga taong ganoon, na handang pumatay Ng tao dahil lang sa inggit. Iyon Nga lang ay hindi na on-the-spot si Eugene. Nadala pa Siya sa ospital pero kritikal. Binangga Siya habang nagmamaneho Ng motorsiklo nito, tumilapon at tumama Ang ulo sa semento. Tinakasan pa Ng bumangga. Kaya under investigation pa. Umaasa ngayon Ang pamilya sa mga awtoridad sa agarang pagdakip sa salarin, at nang mabigyan Ng hustisya Ang nangyaring ito Kay Eugene. Ilang Araw din Ang inilagi ni Eugene sa ICU. Na-coma ito. Lahat kami ay naghihintay sa muling paggising Niya. Lalo na ako. Ako na Ang nagbantay at nag-alaga sa kanya simula pagdating ko. Marami akong gustong sabihin sa kanya. Marami akong ikukwento paggising Niya. Lahat Ng mga masasayang Araw namin na magkasama, mga long rides namin, gala, bonding. Inaasam ko Ring muling Makita Ang mga ngiti sa labi Niya sa tuwing makikita ako. Kaya nga, kinakausap ko Siya habang andoon ako sa tabi niya. Dahil Sabi Ng iba, kahit naka-coma Ang Isang tao, nakakarinig din Sila. Kausapin lang Ng kausapin kahit di sumasagot. Hanggang sa ika apat na Araw na nandoon ako. Dumilat Ang mga mata Niya. Ang saya-saya ko. Agad ko siyang niyakap. Nasilayan ko muli Ang mga ngiti Niya sa labi. Kaya binigyan ko Siya Ng halik. Smack lang sa labi. Pakiramdam ko gusto din Niya akong yakapin pero di Niya maigalaw Ang mga kamay. Nakita Kong tumulo Ang luha niya kaya pinahiran ko. Ako nga din, napapangiti na naluluha. "Glen-da, ma-hal ko," nauutal na Sabi Niya. Sobrang tuwa ko. Pangalan ko Ang una niyang sinambit pagkagising Niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD