Agad Kong tinawagan Ang mga magulang ni Eugene para ipaalam na nagising na ito Mula sa Coma. Nagsidatingan Naman Ang pamilya Niya. Tuwang-tuwang nagyakapan Ang lahat.
Kanya-kanya na Sila Ng kwentuhan. Noon dumating Ang hepe Ng pulisya, ipinaalam sa mga magulang ni Eugene at sa pamilya Niya na nadakip na Ang bumangga sa kanya. Agad tumalima Ang mga ito para pumunta sa presento. Bago umalis ay inihabilin sa akin Ng mama ni Eugene na bantayan ulit Siya dahil may aasikasuhin Sila. Tango lang Ang naging sagot ko.
Naiwan doon si Michelle, Ang nag-iisang kapatid ni Eugene. Masaya itong nagkukwento sa kapatid. Umupo ako sa kabilang gilid Ng hospital bed. Hinawakan Ang Isang kamay niyang may suwero. Hinimas-himas ko iyon. Nangingiti na Rin sa mga kuwento ni Michelle, ganun din Ang kapatid nito, na bagamat may benda sa ulo at may Tubo Ang bunganga, pinipilit nitong ngumiti at makapagsalita kahit pautal-utal.
Sabay kaming nagtanghalian doon. Masaya Ang lahat. Nagbibiruan, naghahalakhakan. Matapos mananghalian ay nagpaalam si Michelle na uuwi lang saglit upang kumuha Ng ilang gamit. Kapagkuwan, nagpaalam din Ang mga magulang nito para makapagpahinga na Rin. At bilin Ng mama Niya, mabigyan kami ng pagkakataon na makapag - usap na dalawa.
Biglang natahimik Ang paligid pagkaalis Ng mga ito. Naupo na lang ulit ako sa gilid Ng kama Niya. Inayos Ang damit na suot nito. Habang Siya Naman ay nakatitig lang sa akin. Hinawakan ko Ang benda sa ulo niya. Pumikit Siya.
"Masakit ba?", tanong ko sa kanya. Umiling lang ito, at iminulat Ang mga mata.
"a-a-ka-la ko di-di Ka -na u-u-wi.", pautal- utal na Sabi nito.
Hinawakan ko Ang mga kamay Niya at nilagay sa pisngi ko.
"Bakit Naman Hindi? " sagot ko sa kanya.
"Hindi ko kayang pabayaan ka lang. Alam mo ba, sobrang sakit Dito.", sabi ko sabay turo sa dibdib ko. "Na Makita Kang ganyan. Pagkarinig ko sa nangyari sa'yo, di ko alam kung Anong gagawin ko. Parang gusto Kong liparin na lang Mula Cebu papunta Dito para makauwi lang ako agad. Sobrang bigat, mahal."
Tumulo Ang luha ko. Kita Ang lungkot sa mga mata nito. Parang gusto nitong pahiran Ang luha ko pero di nito magawa.
"wag- wag -ka u-u-mi-yak."
Tumango lang ako. Pinahiran ko na lang mga luha ko. At saka suminghot-singhot.
"Okay, di na ako iiyak."
Nakita Kong sumilay Ang ngiti sa labi Nito.
"Gu-gus-to Kong ya-ya-ka-pin ka."
Ngumiti ako at humiga sa dibdib Niya. Dinig ko Ang pagtibok niyon.
"Ta-ta-bi ta-yong ma-ma-tu-log.", yaya Niya sa akin.
Tiningnan ko Siya.
"Gusto mo na magpahinga Muna?"
Tumango lang Siya.
"O, sige, matulog ka Muna. Wag ka mag-alala, tatabihan kita."
Inayos ko Muna Ang Isang unan sa gilid nito para higaan. Tumabi ako sa kanya at niyakap ko Siya.
"Mahal na mahal na mahal kita, Eugene. Alam at ramdam mo Yan. Magpagaling ka ha. Para makalabas ka na Dito. Di ba, pupunta pa tayong Boracay."
Tumango lang ito.
"Ma-hal na ma-hal din ki-ki-ta, Glen-da."
Iyon Ang mga huling salita na narinig ko Mula Kay Eugene. At iyon na din pala Ang huling pag-uusap namin. Dahil paggising ko Ng hapong iyon katabi Niya, Hindi na Siya humihinga. Nakayakap Siya sa akin. Siguro pinilit niyang gumalaw para mayakap Niya lang ako. Iyon din Ang huling yakap Niya sa akin.
Napatulala ako. Nandoon na din Ang pamilya Niya, kanina pa siguro Sila nakabalik pero Hindi lang ako ginising. Alam na siguro Ng mga ito na Wala na si Eugene kaya nag-iiyakan na Ang mga ito. Hindi lang pinakialaman dahil natutulog akong nakayakap Siya sa akin. Hanggang sa huli, ay nirespeto Ng mga ito Ang pagmamahalan namin.
Gusto ko Mang magwala, Wala na akong magagawa. Hindi na maibabalik pa Ang Buhay ni Eugene. Para akong naestatwa sa gilid Ng bangkay nito. Para akong binuhusan Ng malamig na tubig. Nanginginig. Nakatitig lang sa mukha nito na naglalandasan Ang mga luha.
Yakap ni Michelle Ang nagpaiba Ng aking posisyon. Pagkatapos ay hinila Niya ako palayo sa katawan Ng kuya Niya. Nag-iiyakan na Ang nasa paligid. Ang pamilya nila, mga kaibigan, at Ang doktor na umestima sa kanya, na siyang tiyuhin Niya Rin. Pinaupo ako ni Michelle sa naroong upuan. Humahagulgol na yakap yakap ako. Di pa Rin ako makapaniwala sa nangyari. Kanina lang ay kausap ko pa. Natulog lang kami, iyon pala iniwan na ako. Sobrang sakit, halo-halong emosyon Ang nararamdaman ko.
Ilang Araw din pinaglamayan si Eugene Bago inihatid sa huling hantungan nito. Dama at kita sa mga mata Ng bawat naroon Ang sakit, pighati, at bigat Ng nararamdaman sa biglaang pagkawala Ng mahal nila sa Buhay. Lalo na ako. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa Ang huling mga sinabi nito. Ramdam ko pa Ang huling yakap nito. At habang hawak Ang nakakuwadrong larawan, nakaupo, at nakamasid sa mga taong unti-unting pinapababa Ang kabaong nito sa lupa. Doble-dobleng sakit Ang nagpapabigat sa puso ko. May sigaw sa puso ko na gusto Ng magpakawala ngunit pinili Kong tahimik na manangis.
Sunod-sunod na pagtapik sa mga balikat ko Ang naramdaman ko. Magkasunod na yakap ng mga magulang nito Mula sa likod ko. At Ang yakap ng kapatid nito sa akin.
"Ate, sa sasakyan na Lang kami naghihintay."
Tumango lang ako. Sa tagal Kong nakaupo doon, bakit ba hindi pa Rin naubos-ubos Ang mga luha. Nag-uunahan pa Rin sa pagbaba Ang mga ito Mula sa mga mata Kong namamaga na sa pag-iyak. Kumulog at kumidlat. Umihip Ang malakas na hangin. Nagbabadya Ang pagbuhos Ng ulan. Nang Hindi pa Rin ako natinag, pinuntahan ako Ng kapatid Niya.
"Ate, halika na. Uuwi na tayo. Tila ulan na."
"Hindi ko kayang Iwan Ang kuya mo, Michelle.", naluluha pa ring sambit ko.
"Pero ate, hayaan mo Ng magpahinga si kuya."
"Bakit Kasi Siya pa?"
"Hindi ko din alam, ate. Tara na, umaambon na,"
Noon lang ako tumayo nang maramdaman ko Ang pagpatak Ng ulan. Hanggang sa nakauwi kami sa Bahay Ng mga ito. Parang Wala ako sa isip ko. Hungkag. Parang walang laman Ang puso ko. Parang naiwan at nasama na doon sa libingan. At di ko namalayan na mag-isa na Lang ako sa kwarto. Katahimikan. Sobrang katahimikan, na animo'y nabibingi ka na walang naririnig kahit ni huni Ng mga munting ibon sa paligid.
Isang tapik sa likod Ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Noon ko lang naramdaman na basa na pala Ng aking mga luha Ang aking pisngi.
"Umiiyak ka na Naman.", puna Ng aking Ina.
Di ko namalayan na nakapasok pala Siya ulit sa kwarto ko at Nakita akong umiiyak na Naman.
"Hanggang kailan ka ba maging ganyan, Glenda? Matagal Ng Wala si Eugene."
"Hindi ko pa Rin Siya nakakalimutan, Ma." may lungkot na naisatinig ko. Narinig ko Ang buntong-hininga Ng nanay ko.
"Anak, ganun talaga Ang Buhay. Hindi natin hawak iyan. Lahat Naman tayo mawawala. Sadyang nauna lang Siya."
"Masakit pa Rin Po Kasi."
"Talagang masasaktan ka dahil mahal mo Siya. Nalungkot din kami nung nawala Siya. Pero, Glenda, matagal na siyang Wala. Mag move-on ka na."
"Hindi ko pa Rin kaya, Ma."
"Sa ngayon, masasabi mo iyan. Pero Malay mo, may darating na para talaga sa iyo."
"Natatakot na akong magmahal ulit."
"Wag mong Sabihin iyan, Glenda. Si Eugene lang Ang nawala. Hindi iyang puso mo. Subukan mong buksan muli."
"Paano kung wala na akong Makita na katulad Niya, Ma?"
"Anak, marami diyan. Subukan mo lang. Siguro, makakatagpo ka Rin. At lagi mong isipin, Masaya na si Eugene saan man Siya naroroon ngayon. Kaya maging Masaya ka na Rin."
"Susubukan ko Po."
"wag mong subukan lang. Gawin mo."
Tumango lang ako.
"At saka, lagi mo tandaan, Glenda, walang makakapagpigil sa Tadhana. Kung kayo Ang itinadhana, magiging kayo. Pero kung Hindi, gagawa iyon Ng paraan upang mapaghiwalay kayo. Ibig kung sabihin, maagang kinuha si Eugene, kaya hindi kayo para sa isa't Isa. May nakalaan para sa iyo, buksan mo lang puso at isipan mo. Si Eugene ay bahagi Ng nakaraan mo. Pero huwag mo Naman pahintulutang lunurin ka pa Rin Ng nakaraan sa kasalukuyan. Naiintindihan mo ba ako?"
Hindi na ako umimik. Alam ni Mama Ang kahulugan Ng pananahimik ko. Kaya tinapik Niya lang ulit Ang balikat ko Saka tumayo at tinungo Ang labasan.
Tama nga Naman si Mama, matagal Ng Wala si Eugene, matagal na siyang nanahimik. Pero heto ako't di pa Rin nakabawi sa mga nangyari. Sinubukan Kong aliwin Ang sarili ko, gala Dito, gala doon, upang makalimot lang. Pumunta akong Manila upang magtrabaho para makalimot lang din pero Hindi ko pa Rin nagawa. Pagbalik ko ay ganoon pa din. Naaalala ko pa Rin Ang lahat.
Kinuha ko Ang aking pitaka. Pagbukas, Nakita ko Ang larawan Niya, andoon pa Rin. Taglay Ang kagwapuhan nito at matamis na ngiti sa mga labi. Sa larawang naroon, parang kuha lang iyon kahapon. Pero kung tutuusin, anim na taong namahinga na si Eugene. Ganoon na Rin katagal akong nalungkot.
Hawak Ang litrato. Kinausap ko.
"Panahon na siguro para pakawalan kita. Alam mo kung gaano kita kamahal, Eugene. Alam mo kung gaano ako nasaktan at nalungkot. Sana bantayan mo lang ako. I guide mo ako sa tamang tao na mamahalin ko sakali Mang iibig muli itong puso ko. Alam Kong Masaya ka na diyan. Sana pagbigyan mo ako. Maraming salamat sa lahat Ng magagandang memories na nabuo kasama ka. Sa pagmamahal mo sa akin. At naging tapat ka Hanggang sa huli mong hininga. Di kita makakalimutan. Panahon na Rin siguro para bigyan Ng kalayaan Ang puso ko. Maging Malaya sa nakakapitan nito Mula sa nakaraan. Panahon na para bumitaw, mahal."