ISang malakas na tinig Ang nagpagising sa natutulog ko pang diwa. Init-inot akong bumangon upang mapagsino Ang tumawag. Si Matet lang pala. Andoon sa tarangkahan at patuloy na kinakalansing Ang lata na may pako sa loob.
Nakapikit pa Ang Isang mata ko dahil nasisilaw sa Araw. Kinusot-kusot ko Muna Ang aking mata Bago tuluyang lumabas Ng kwarto. Tinungo ko na Ang tarangkahan at pinagbuksan si Matet. Ang laki Ng ngiti nito. Kita Ang napakasayang mukha nito na animo'y walang problema.
"Ang saya-saya mo ah.", puna ko sa kanya. Lumabi lang ito.
"Ganyan agad sasabihin mo sa akin? Hindi mo ba ako yayakapin? Hindi mo ba ako nami-miss?", sunod-sunod na tanong nito. Pero ikinabigla nito nang bigla ko na lang yakapin Ng mahigpit. Yumakap din ito.
"Siyempre naman, nami-miss ko Ang best friend ko!", tuwang-tuwa na niyayakap ko Siya. "Matagal tayong Hindi nagkita."
"Oo nga eh."
Nagbitiw na ako sa pagkakayakap at inaya ko Siya papasok Ng bahay.
"Ikaw ha, di ka man lang nagpasabi na uuwi ka. Kung di lang Kay Aling Patring, Hindi ko alam na andito ka na."
"Nagkita kayo ni Mama?"
"Oo. Sa palengke kahapon."
Inaya ko siyang maupo sa upuan.
"Ganun ba?"
"Mabuti na lang, inutusan ako ni Nanay na bumili Ng Karne. Hayun, nagkita kami Ng Mama mo. Nagkausap kami at Yun nga, nasabi Niya na dumating ka na noon pang Isang linggo."
"Oo. Umuwi na Lang ako Dito Kasi alam mo Naman na nagkasakit si Papa. At walang katuwang si Mama sa pagbabantay sa kanya."
"Eh, pero bakit hindi mo sinabi sa akin na uuwi ka?"
"Para surprise!"
"May pa surprise ka pang nalalaman diyan. Oy, wag ako, Glenda, ha."
" Bakit?"
"Anong bakit? Kung di pa sinabi sa akin ni Aling Patring Ang lahat, di ko pa malalaman."
"Si Mama talaga. Ano na Naman sinabi Niya sa'yo?"
"Ang talagang dahilan Ng pag-uwi mo."
Bumuntong-hininga Siya. Ganoon din Ang kaibigan.
"Glen, Hindi mo pa Rin ba Siya nakakalimutan?"
Umiling ako.
"Glen, matagal na Yun nangyari. Matagal na siyang Wala. Alam ko at saksi ako sa pagmamahalan niyong dalawa. Kahit ako, nalungkot nung nawala Siya. Pero, Glenda, nasa iyo pa Rin Ang puso mo. Huwag mong ikulong sa nakaraan yang puso mo. Magmove-on ka na."
"Parehas talaga kayo Ng sinabi."
"Totoo Naman talaga, di ba?"
"Oo."
"Kaya, mag-umpisa ka Ng maghanap Ng jojowain mo."
"Jowa agad?"
Napahagalpak Ng tawa Ang kaibigan. Kahit anong bigat Ng problema kapag may kaibigana Kang kwela, gumagaan talaga.
"Nasa iyo Yan kung totohanin mo."
"Oy, hindi ah. Hindi pa ko ready."
"Dahan-dahanin mo lang eh."
"Ikaw talaga, kahit kailan. Di pa Rin nagbabago."
"Abay siyempre naman."
Nagpakawala ito Ng kwelang moves nito. Kaya tawang-tawa talaga ako.
"Oh, Ayan, okay ka na."
"Anong okay? Bakit?"
"Napatawa na kita."
"Ikaw talaga."
At nagpatuloy Ang aming kwentuhan. Hanggang dumating si Mama galing palengke. May bitbit itong mga gulay na lulutuin para sa pananghalian.
"Nandito ka pala, Matet."
"Opo. Dinalaw ko itong kaibigan ko."
"Abay mabuti Naman. At nang Hindi na magkukulong lang diyan sa kwarto Niya."
"Siya nga ba talaga, Ante?"
Tumango lang ito.
"Oh Siya, iwanan ko Muna kayo diyan at magluluto lang ako sa kusina."
"Opo. Salamat Po."
"Siya nga pala, Bago ko makalimutan eh, nagkita kami ni Rosario."
"Si nanay Po?"
"Oo. Alam niyang papunta ka Dito sa Amin. kaya ipinagbilin na lang Niya na sabihan kayo."
"Tungkol Po sa ano?"
"Si Teri, Ang kaibigan Niyo. Hayun sa ospital, at manganganak na."
"Po? Talaga, Ma?"
"Oo. Si Rosario at Ang Nanay ni Teri, eh, nagkita. Pinapasabihan kayo na puntahan Siya sa ospital."
"Ganun ba? Saang ospital Po Siya dinala?"
Pagkasabi Ng Ina sa pangalan Ng ospital na pinagdalhan sa kaibigan ay agad Silang tumalima upang pumunta doon. Nadatnan nilang naglalakad-lakad ito sa pasilyo, hawak Ang balakang at hinihimas-himas.
"Teri!", tawag Niya sa kaibigan.
Agad itong ngumiti pagkakita sa kanilang dalawa.
"Oy, mabuti Naman at dumating kayo."
"Masakit ba?", agad na tanong ni Matet.
"Matet naman. Siyempre, masakit Yan. Kita mo Namang nangingiwi na kaibigan mo.", salag ko sa kanya.
"Okay lang ako. Kaya pa Naman", sagot ni Teri.
Nag-usap usap Muna kami sa pasilyo habang pinapanood si Teri na naglalakad lakad sa harapan namin. Inilibot ko Ang paningin. Andaming pasyente sa ospital na iyon. Maraming nanganak na, nakahilera lang Yung iba sa pasilyo, dahil sa Dami, Hindi na kaya sa iisang kwarto lang. May mga buntis pa na manganganak pa lang. At may mga dumarating pa. Sa isip ko, " PANO kaya ito napagkakasya Ng ospital Ang Ganito maraming pasyente? Lahat ba ay kayang pagsilbihan at maibigay Ang pangangailangan Ng bawat pasyente?"
Ibinalik ko Ang tingin Kay Teri, naupo na ito sa naroong bed at namimilipit sa sakit. Nang bigla itong nagsabi na manganganak na Siya. Agad naming tinawag Ang pansin Ng Isang nurse upang maasistehan Ang kaibigan papuntang delivery room. Nag-antay lang kami sa labas. Palakad-lakad habang kinakabahan sa panganganak Ng kaibigan.
Isang Oras lang Ang lumipas nang marinig namin Ang iyak Ng sanggol Mula sa loob. Feeling relieved na kami. Nanganak Ng maayos si Teri. Lumabas na Ang doktor at Ang Isang nurse, sinabihan kaming mag-antay na lang doon sa recovery room. Sumundo Naman kami.
Di Naman nagtagal ay ipinasok na doon si Teri. Nakangiti ito. At agad naming siyang niyakap.
"Congratulations!!", panabay naming bati sa kanya.
"Salamat sa Inyo."
Noon dumating ang mga magulang ni Teri. Nagkamustahan lang, nag-usap usap panandali. Saka Sila nagpaalam na uuwi na.
"Maraming salamat sa Inyo ha, Glen, Matet."
"Walang anuman iyon, Teri."
"Siyanga pala, mabuti Naman at nandito ka. Muntik ko na makalimutan."
"Ano iyon?"
"Wala ka bang trabaho ngayon?"
"Wala Naman. Bakit?"
"Kakapanganak ko pa lang. Bawal pa akong magtrabaho. Kung pwede sana, Ikaw, Glenda, Ang humalili Muna sa akin."
"Sa karenderya?"
"Oo."
"Sige, pwedeng-pwede si Glenda.", sabat ni Matet.
"Matet, Ikaw talaga. di pa nga ako umu-oo ah."
"Hhhmmm.. Go ka na.. para Naman mabaling yang Oras mo sa ibang bagay. Ayaw mo nun, magiging busy ka kahit papano."
"Hay naku, Ikaw talaga. O, sige na nga. gagawin ko na."
"Naku, salamat Glenda ha. Oo nga pala, tatawagan ko na si Aling Maria, para sabihin na may hahalili na sa akin."
Kinuha nito Ang aparato at tinawagan Ang amo. Nag-usap Ang mga ito. Kapagkuwa'y hinarap Siya.
"Glen, ayos na. Makakapagsimula ka na bukas."
"Okay."
"Ayos! Para di ka na magkukulong dun sa Inyo. Malay mo, makilala mo pa doon si the one mo.", agad na sabat ni Matet. Pagkatapos ay humagikhik. Siniko ko na lang Siya.
"Ikaw ha. Umayos ka."
"Oo nga Naman, Matet. Baka di pa nakakamove-on tong kaibigan natin. Hayaan mo na Muna Siya.", saad Naman ni Teri.
"Okay po.", tanging sagot nito at tumawa.
Nagtawanan na lang kami. Bago pa humaba Ang usapan, muli kaming nagpaalam na uuwi na. Naglakad na kami palabas Ng kwartong iyon.
One-ride lang Ang layo Ng ospital sa Bahay namin kaya napagpasyahan naming maglakad-lakad na lang Muna, tutal ay Hindi Naman mainit Ang panahon.
Unang Araw ko sa trabaho kaya Maaga akong nagising. Alas Kwarto y medya pa lang. Gumayak na ako. Maaga Rin nagising Ang mga magulang ko. Sasabayan na ako ni Mama papuntang palengke, mamamalengke Siya. Naglakad na Lang kami. Ehersisyo na Rin sa katawan.
Malapit na kami sa karenderyang pagtatrabahuhan ko nang magkita si Mama at Ang kaibigan Niya. Nagpaalam na Lang ako na Mauuna dahil magtatrabaho pa ako. Pagdating doon ay halatang kakabukas pa lang. Di pa naipapalabas Ang kalan de uling sa labas na para sa nilaga.
Agad akong Nakita ni Aling Maria. Nginitian Niya ako at niyaya papasok. May ilang mga kasamahan ko na Ang nandoon. Ipinakilala ako ni Aling Maria sa kanila. Naging maganda Ang pagtanggap nila sa akin.
Sa Araw na iyon, halos Hindi kami magkandaugaga sa pag-estima Ng mga kakain. Nataon ding Araw iyon Ng pagkuha Ng pension Ng mga matatanda kaya maraming tao. Halos hindi ko na napansin Ang pagpatak Ng Oras. Hapon na pala, noon ko lang naalala nang magyaya Ang Isang kasamahan ko upang magmerienda.
Ang karenderyang iyon ay Isa sa mga nakahilerang kainan sa palengke. Daanan Ng mga tao, palabas at papasok Ng pamilihan. Kaya marami pa din akong mga taong nakikita sa paligid. Daanan din iyon Ng mga delivery trucks Ng mga isda, gulay, Karne, at iba pang mga paninda sa pamilihang iyon.
Naging maganda Ang unang Araw Ng aking trabaho. Di alintana Ang pagod. Bagkus, naaliw pa ako sa mga Nakita ko. Merong gustong agad na magpakilala sa akin, pero alam Kong biruan lang iyon. Merong nagpalipad hangin agad, pero alam kung sa ganoong paraan ay Kilala Ng babaero. Hanggang sa nakauwi ako ay nakapagkit pa Rin Ang ngiti sa aking mga labi.