"Clifford!!"
Isang malakas na tawag Ang nagmula sa likod. Paglingon ko, nakita ko si Brent, Ang kaibigan ko. Huminto Muna ako sa paglalakad at hinintay siyang makalapit. Nag high five kami pagkatapos ay tinapik Niya ako sa balikat.
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi na."
"Ha? Di ba, may klase pa tayo?"
"Wala Yung prof natin. Di mo ba narinig Ang sinabi Ng kaklase natin kanina?"
"Ganun ba? Hindi ko narinig eh."
"Ibang kaklase nga natin nagsiuwian na din. Kaya, uwi na Lang din ako. Wala na akong gagawin Dito."
"Teka, Hindi ka ba sasama sa Amin?"
"Saan?"
"Sa bar."
"Ay naku, kayo na lang."
Habang naglalakad ay nag-uusap kaming magkaibigan. Hanggang sa sakayan Ng tricycle papuntang terminal. Bago makauwi sa amin, kinakailangan ko pang sumakay Ng bus.
"Oh, pano, Dito na Lang ako sasakay."
"Sige, pre. Doon pa ako sa kabila eh."
"Sige."
Matapos magpaalam ay agad na akong sumakay sa naroong tricycle.
"Manong, sa terminal Ng bus lang ako."
"Sige, iho. Antay lang tayo Ng Isa pa para lalarga na."
"Sige Po."
Habang nakaupo ay naisip ko Ang dahilan kung bakit gusto ko na umuwi. Napangiti ako Ng maalala ko na Naman Siya. Sa katunayan, di ako makatulog tuwing Gabi magmula Ng Makita ko Siya. Gusto ko siyang makilala pero nato-torpe ako. Nahihiya akong lumapit sa kanya. Gusto ko siyang kausapin pero di ko alam kung ano Ang sasabihin. Naiinggit nga ako sa mga lalaking nakakausap Niya. Sana, ako din, makausap at mangitian Niya.
Gusto Kong makita palagi Ang maamo nitong mukha. Ang sexy nitong katawan. Maputi at makinis na balat. Ang mahaba at bagsak nitong buhok. Gusto ko din mahawakan Ang kamay nito. Pero Ang tanong, kailan kaya? Amin ko naman, torpe ako.
"Ah, iho. Terminal na tayo."
Dinig kong Sabi ni manong drayber. Noon ko lang napagtanto na nasa entrance ng terminal na pala kami. Bumaba ako at nagbayad. Tinungo ko na Ang masasakyan Kong bus. Pag-akyat ko ay marami-rami na Ang naroong pasahero. Pinili kong maupo doon sa likod Ng driver's seat.
May bakante pa sa tabi ko, kaya doon ko na lang nilagay Ang bag ko. Pagkaupo ay agad akong sumandal, nilagay Ang earphone sa tainga, tinabunan Ng cap Ang mukha, at pumikit. Makikinig na lang Muna ako Ng musika habang nasa biyahe.
Makalipas lang Ang ilang minuto ay may kumalabit sa akin. Di ko lang pinansin. Kinalabit ulit ako, kaya sumagot na ako pero nakapikit pa Rin Ang mga mata.
"Ano Yun?"
Pa-suplado effect Ang boses.
"May nakaupo ba diyan sa tabi mo?"
Tinig iyon Ng babae. Gusto ko mang tingnan pero di ko na ginawa. Kinapa at kinuha ko na lang Ang bag ko.
"Wala."
"Makiupo ako ha. Salamat."
Yun lang Ang narinig ko at naramdaman ko Ang pagtabi nito sa akin sa upuan. Nasagi pa Ng kamay nito Ang kamay ko.
"Ay, sorry."
Hinging paumanhin nito. Tumango lang ako. Hmmm.. Ang bango naman. Nasamyo ko Ang pabango nito. Nagkadikit Ang mga braso namin. Ang lambot naman balat nito. May ilang hibla Ng buhok nito Ang napunta sa balikat ko. Naamoy ko din, at mabango. Nahinuha kong mahaba ito dahil umabot Hanggang sa braso at malambot iyon. Tutal magkatabi Naman kami, hinayaan ko na lang muna. Parang Ang sarap sa feeling na may katabi. Pero mas masarap kung Siya na lang sana Ang katabi ko. Napangiti ako sa naisip.
Ilang minuto pa Ang lumipas nang maramdaman ko Ang pag-andar Ng bus. Nagsi-akyatan na Rin Ang ilang mga pasahero.
"ahmm.. Miss, sa'yo ba to?"
Dinig Kong may nagsalita. Inalis ko Ang cap sa mukha ko at umayos Ng upo. Nakatalikod na sa akin Yung babae. Nakita kong konduktor Ng bus pala Yung nagsalita at kausap nito Ang katabi ko.
"Opo."
"Miss, hindi kasi Yan pwede Dito. Daanan ito."
May tinuturo Ang konduktor sa tabi nitong babae na nakalagay sa ibaba.
"Ganun Po ba?"
Tumango Ang konduktor. Noon din ay humarap Ang babae sa akin. Nabigla ako't napatulala na nakatingin lang sa kanya. Binibiro ba ako Ng Tadhana? Ang babaeng laman Ng isip ko palagi ay kanina ko pa pala katabi. Napakurap ako Ng mag-wave ito Ng kamay sa mukha ko.
"Kuya."
"Hmm. Ano yun?"
Hala, Anong nangyari sa akin? Parang di na Naman ako makapagsalita. Heto na Naman, umaatake na Naman Ang katorpehan ko.
"Kuya, pwede Po bang ikaw na lang humawak muna nito? Bawal daw Kasi Dito sa daanan eh. Pwede Po ba?"
Sabi nito sabay turo sa bagay na nakalapag sa ilalim. Isang box iyon ng bondpaper.
"Pwede naman."
Kinuha iyon Ng konduktor at iniabot sa akin. Inabot ko Naman at ipinatong sa lap ko.
"Salamat Po."
Dinig Kong Sabi nito sa konduktor. Tumango lang ito at tumungo na sa likod. Hinarap ako Ng babae at nginitian. Nag-aalangan pa akong ngumiti. Nahihiya tuloy ako.
"Naku, kuya. Mabigat Po Yan."
Ngumiti na Lang ako.
"Ah.. Hindi. Okay lang naman."
Ngumiti ito. Mas maganda pa pala ito sa malapitan. At Ang kinis Ng mukha. May ilang hibla lang Ng buhok nito Ang tumabing sa mukha. Dala Ng pagyuko nito kanina.
"Salamat Po, kuya."
Ngiti na lang Ang isinukli Kong sagot. Umayos ito Ng upo. Ganun din ako. Sumandal ako, sumandal din ito, kaya nagkadikit muli ang mga braso namin. Bigla akong napaigtad. kaya nabigla din Ang katabi ko.
"Bakit Po?"
Tanong nito sa akin. Umiling lang ako Bago sumagot.
"ahhhmm.. Wala."
"Okay po."
Umayos ulit ito Ng upo at sumandal. Bumuntong-hininga Muna ako Bago umayos Ng upo. Hindi na ako sumandal. Baka kung magkadikit na Naman Ang mga braso namin. Parang kinuryente ako kanina. May Ganitong epekto ba na nararamdaman sa unang pagkikita sa taong gusto mo? Bigla akong na-excite, nasiyahan, nahiya, na Hindi ko mawari kung ano Ang nararamdaman.
Nasa ganoong ayos na ako hanggang sa makarating ang bus na sinasakyan namin sa terminal. Doon lang din sa palengke Ng aming bayan kaya malapit lang sa aking pupuntahan. Nagsitayuan na Ang mga pasahero at nagsibabaan. Ang katabi Kong babae ay Hindi pa natayo. May hawak din ito. Marami siyang dala. Naisip kong pagkakataon ko na ito para makausap Siya. Kanina pa sana kaso naduwag ako. Natorpe. Kaya naglakas-loob na Akong kausapin Siya.
"Ahmmm... Miss, Dito ka na lang ba bababa?"
Tumango lang ito.
"Marami Kang dala. Tiyak, mahihirapan ka. Tutulungan na kita."
"Pwede Po ba?"
"oo Naman."
" Naku, maraming salamat po, kuya, ha."
Ayan na Naman Ang Kuya. Mukha na ba akong matanda nito? Nginitian ko na lang Siya kesa mahalata pa nitong ayaw ko na tawaging "kuya".
Tumayo ito kaya tumayo na Rin ako. Kami Ang pinakahuling bumaba na pasahero. Pagbaba ay may Nakita akong upuan sa gilid. Tumungo ako doon at sumunod Naman Siya sa akin. Ibinaba ko Muna sa upuan Ang bitbit Kong box Ng bondpaper. Ganun din Siya, ibinaba nito Ang mga dala at naupo.
"hay, salamat. Ang bigat Naman."
Iniunat nito Ang mga kamay.
"andami mong dala ah. Anong meron?"
puna ko sa mga dala nito.
"Ah.. Ang mga ito? Mga gagamitin sa proyekto Ng anak ni Aling Maria. Pinabili lang sa akin. Wala kasing mabilhan Dito sa atin kaya kinailangan Kong magpunta sa siyudad."
"Ganun ba? Andami Naman."
"Marami Kasi Sila. By group daw. Kaya lang, Ang anak ni Aling Maria Ang naatasan na bumili. Eh, kaso, may biglaang exam. kaya Ayun, ako na tuloy Ang inutusang bumili."
"Ahh.. Si Aling Maria, Yung may-ari Ng Isang karenderya."
"Oo."
"Dun ka nagtatrabaho?"
"Oo. Bakit?"
Alam ko Naman na iyon. Gusto ko lang siya kausapin. Masarap pala Siya kausap.
"Wala lang. Makabili nga diyan."
"Sige. Masasarap mga luto ni Aling Maria."
"Hindi Ikaw Ang nagluluto?"
"Hindi."
"Bakit?"
"Eh, Hindi pa ako marunong magluto eh."
"Ganun ba?"
Tumango lang ito.
"Ah, siyanga pala, kanina pa tayo nag-uusap. Hindi ko man lang alam Ang pangalan mo."
To the moves na ba ito? Bahala na, Basta Malaman ko lang Ang pangalan Niya.
"Ay oo nga pala."
Ngumiti Siya sa akin. Parang Hindi ito nasasawang ngumiti. Marahil nga, palangiti talaga ito.
"Ako nga pala si Glenda. Ikaw?"
"Clifford."
Nakipagkamay Siya sa akin. Ang lambot naman Ng kamay nito. Ang sarap hawakan.
"Ay, andiyan na Po pala Yung sundo ko. Sabi Kasi ni Aling Maria, susunduin ako Dito sa terminal dahil marami Ang dala ko. Maraming salamat Po ulit ha. Nice meeting you, kuya."
Bago umalis ay kumaway pa ito sa akin. Naman! Para akong naka jackpot ngayong Araw. Tumalon-talon ako. At humugot Ng Isang malalim Na buntong-hininga. Sa ganoong paraan ay mapipigilan ko Ang excitement at saya na nararamdaman ko. Hindi Naman ako pwedeng sumigaw doon dahil maraming tao.
Hanggang sa makauwi ay Hindi na nawala Ang ngiti sa aking labi. Sa wakas, ay nakilala ko na Rin Ang babaeng laging laman Ng isipan ko. kahit sa panaginip ay andoon Siya. Ngayong nakilala ko na Siya, gagawa ako Ng paraan para mas lalong mapansin Niya.