"Hi.!"
Masaya Kong bati Kay Glenda. Sinadya ko talagang agahan Ang pagpunta sa palengke para Makita ko Siya. Ipinarada ko Ang tricycle sa harap Niya. Agad nawala Ang ngiti ko sa labi nang Makita Kong nakasimangot Siya. Kumunot Ang noo ko.
"Oh, Ang aga-aga eh, nakasimangot ka diyan?"
Hindi pa Rin ito nagsasalita. Basta lang nakatingin sa akin na nakasimangot.
"Oh, chill. Relax ka lang."
"Relax...??"
Sa wakas, nagsalita din ito.
"Papano ako magrerelax, eh, Ang aga-aga, nang-iinis ka."
"Wooahhh.. ako?"
Tinuro ko Ang sarili.
"Bakit? Hindi Naman kita iniinis ah."
Tumalim Ang tingin nito. Tiger-look.
"Nakakainis ka!"
"Teka, ano bang nagawa ko't naiinis ka sa akin? Relax..."
Hindi pa Rin ito natinag sa kinatatayuan. May hawak itong walis-tingting na nakapatong sa kanang balikat nito.
"Sayang Ang ganda mo kung magsisimangot ka lang diyan."
"Wala akong pake. Umalis ka nga diyan, kita mong nagtatrabaho Yung tao eh."
"Sungit nito. Ke aga-aga napaka suplada mo."
"Masungit na kung masungit. Suplada na kung suplada. Basta, umalis ka diyan at magtatrabaho ako. Para madali na akong makatapos dito."
Akma Niya akong hahampasin Ng hawak nitong walis. Nag hands-up ako sa harapan Niya.
"Woooaahhh... Sandali.! Relax.."
Bumaba ako Ng motor at hinarap Siya.
"Ang init Naman Ng dugo mo sa akin. Wala Naman akong ginawang masama sa iyo ah."
Nakasimangot pa Rin ito. Sampukan Ang mga kilay. Parang dragon na anumang Oras ay handang maglabas Ng apoy.
"Anong wala. Di mo pa Rin ba maintindihan.?!"
"Hindi eh."
Pumadyak ito.
"Arrggghhh.. Nakakainis ka na ha. Ang hina mo talaga.!"
"Oy, Teka.. Teka lang, Glenda.. Relax nga, di ba."
Napaisip ako.
"Ahhmm.. ganito na lang. Alis Muna ako, may bibilhin lang. Para di Naman tuluyang masira Ang Araw mo dahil sa akin."
"Hoy.... Clifford.!!?"
Saka ko siya tinalikuran. Bibilhan ko na lang Siya Ng pandesal. Gustuhin ko mang kausapin pa Siya pero parang Galit na. Kahit nakasimangot, Ang ganda Niya pa Rin. Nangingiti na Lang ako habang naglalakad papuntang panaderya. Galit Siya pero bakit Ang lambing pa Rin Ng dating Ng mga salita Niya sa akin. Lalo na nung binigkas nito Ang pangalan ko. Ang sarap sa pandinig.
Sinundan ko Ng tanaw Ang lalaking iyon. Naiinis pa Rin ako.
"Aarrgghhhh!... Nakakainis!"
Nagdabog pa ako. At nilapitan Ang naroong tricycle sa harapan ko. Kinausap iyon na para bang nandoon Ang may-ari na nakikinig. Pero Wala namang ibang tao Ang naroon. Ako pa lang mag-isa Ang naroon dahil sobrang napaaga Ang pagbukas ko Ng karenderya.
"Sino ba Naman Ang Hindi maiinis ha? Ikaw...!"
Turo ko sa tricycle sabay hampas Ng walis Tingting Dito. Pinaghahampas ko iyon at sinipa-sipa.
"Ikaw na tricycle ka. Ang walanghiya mong amo, bakit Dito ka pa pinarada? Eh, alam Naman siguro Ng taong iyon na nagwawalis ako Dito, nuh!"
Bumuntong-hininga Muna ako.
"Sino ba Naman Ang Hindi maiinis at Hindi magagalit..?? Tingnan mo nga iyan, papano ko makukuha yang nakatumpok na basura diyan sa ilalim mo? Papano ba to agad matatapos Ang trabaho ko kung may Ganitong klase Ng tao? Eh, alam Naman Niya na marami pa akong gagawin. Lalo na ngayon, aabsent Ang kasama ko kaya mag-isa lang ako Dito. Haaayyy... naku Naman.!!"
Isa pang hampas at tadyak sa tricycle Ang ginawa ko Bago ito tinalikuran at naupo sa upuan sa loob Ng karenderya. Nangalumbaba sa mesa kaharap Ang tricycle. Tinitingnan ko kung ano Ang dapat gawin.
Naisip kong itulak na lang ito palayo doon sa mga basura para malinis ko na agad. Tumayo ako at nilapitan Ang tricycle. Hinawakan Ang manibela nito at sinubukang itulak.
"Walanghiya! Naka lock??"
Nameywang ako. Lalong sumimangot Ang mukha ko. Lalo akong nainis sa lalaking iyon.
"Kainis Naman! Pano ko to matutulak?"
Dahil walang magawa, sinipa ko na lang ulit Ang tricycle at bumalik sa kinauupuan ko kanina.
Pagbalik ko ay nakita Kong nakaupo na Siya at nakapangalumbaba. Nakasimangot pa Rin ito.
"Glenda..."
Tawag-pansin ko sa kanya. Ay, inirapan ako.
Pero kahit nagsusuplada ito, maganda pa rin.
Naupo ako sa naroong upuan kaharap Niya. Agad Kong ipinatong sa mesa Ang dala Kong pandesal.
"Oh, pandesal. Kain ka muna. Masarap to."
"Kumain kang mag-isa.."
"Naku. Napakasuplada mo naman. Eh, kahapon lang, Ang bait-bait mo sa akin."
"Kuya, kahapon iyon. Iba na ngayon."
"Kuya..?"
"Bakit? Ayaw mo bang tawagin kitang kuya?"
"Palagay ko, magkasing-edad lang tayo."
"Eh, ano Naman ngayon? Ha, kuya...?"
Nang-aasar Ang boses nito. Pero Hindi ko lang pinapansin. Ang cute nitong tingnan sa ganung gesture.
"Wala. Okay lang naman tawagin mo akong kuya. Oh, sige, kain ka na Ng pandesal, ate..."
"Ate..???!!"
Nanlaki Ang mata nito. Nagsampukan Ang mga kilay. Humaba Ang nguso, at sumimangot.
"Hoy, pwede ba, umalis ka na nga lang dito. Alis..!"
"Pinagtatabuyan mo na ko agad.?"
"Ayaw mong umalis.?"
Umiling ako.
"Bakit mo Naman ako paaalisin agad? Kakain pa tayo Ng pandesal. Di ba, ate....?"
Lalo itong nainis.
"Wag mo nga akong tawaging ate.!"
"Eh, tinawag mo Naman akong kuya ah. Kaya, tatawagin Rin kitang ate.."
"Nang-aasar ka ba?"
"Hindi."
"Sabi ko, wag mo akong tawaging ate.."
"Eh, kung ganun, wag mo din akong tawaging kuya.."
Tumahimik ito. Kaya inaya ko na lang na Kumain ulit.
"Kain ka na oh."
Tiningnan lang nito Ang pandesal. At bumalik Ang tingin sa tricycle. Nilingon ko Naman iyon, Saka hinarap Siya ulit.
"May problema ba sa tricycle?"
"Sadya ba talagang mahina ka o bulag? Hindi mo pa Rin nakikita kung ano Ang deperensiya?"
"Hindi eh. Bakit, ano nga ba?"
" Nakikita mo ba yang sa ilalim?"
Sabi nito sabay turo sa tricycle. Tiningnan ko Naman.
"ahhmmm.. basura.."
"Yes.. Basura!!"
"Oh, eh, Anong problema diyan?"
Hinampas Niya ako sa balikat. Nabigla ako dun ah.
" Aray.!!. Bakit ka nanghahampas?"
"Hindi mo pa Rin gets ano?"
Tumayo ito at tinungo Ang tricycle. Kaya tumayo na Rin ako at sinundan Siya. Sinipa Niya Ang tricycle. Kawawang nilalang. Napagbuntunan Ng inis Ng babaeng ito.
"Oy.. Anong kasalanan Ng tricycle. Bakit mo Naman sinipa.?"
"Bakit? Alin ba Ang gusto mo? Itong tricycle Ang sisipain ko o Ikaw..?"
"Wooahhh.. Taray ah.."
Humalikipkip ito habang nakasimangot.
"Seryoso. Ano bang problema dito?"
"Hindi mo pa Rin maintindihan? Tingnan mo nga Yan.. Saan ba nakaparada yang tricycle?"
"Diyan lang."
"Diyan lang...?? Hindi mo ba nakikita? Nakaparada yang tricycle mo sa tumpok Ng basura. Na sana ay kanina pa akong tapos na gawin yan. Alam mo Naman na marami pa akong gagawin dito. Ano na lang Ang masasabi ni Aling Maria kapag dumating Yun na makikita pang may mga basura diyan. Eh di, iisipin niyon na kahit basura ay di ko kayang alisin dito sa harap Ng karenderya Niya. Iisipin niyon na tamad akong tauhan Niya. At tiyak, tatanungin ako nun kung ano bang ginawa ko pagkatapos buksan itong karenderya."
Mahabang litanya nito. Saka ko lang narealize Ang sitwasyon. Kaya pala ganun na lang Ang inis Niya sa akin.
Agad Kong tiningnan Ang ilalim Ng tricycle. May nakatumpok na ngang basura. Agad Kong itinulak Ang tricycle paalis sa ibabaw Ng mga basura.
"Ay, sorry ha. Sana, sinabi mo na lang agad kanina."
Akma nitong kukunin Ang walis na nasa gilid pero inunahan ko na Siya.
"Oh, Siya, ako na lang Ang magwawalis. Tutulungan na kita. Naabala pa kita eh, nahinto tuloy paglilinis mo kanina."
Tinitingnan ko lang Siya habang nagwawalis. Pinasadahan ko na Rin Mula ulo Hanggang paa. Ang aga-aga at malamig pa Ang panahon pero naka-sando lang ito at jogging pants. Kita Ang ma-muscle nitong braso.
Sa kabuuan, maganda Ang tindig nito. Gwapo, may kaputian, at maskulado. Parang batak ito sa trabaho. Pero Hindi kita sa kulay nito na lagi itong naaarawan.
"Tapos na.!"
Tawag pansin nito sa akin. Saka lumapit Ng nakangiti. Tiningnan ko lang siya.
"Oh, smile ka na diyan. Tingnan mo oh, Wala Ng basura."
Kita ko Namang malinis na Ang parteng iyon.
"Wag ka na magalit."
Hindi pa Rin ako umiimik. Nilagay nito sa lagayan Ang walis-tingting at dust pan. Saka umupo ulit sa kinauupuan nito kanina at tinawag ako.
"Oy, halika na. Wag ka Ng masungit. Kain na lang Ng pandesal, Mamaya eh, lalamig na to."
Naglakad ako pabalik sa mesa at umupo na sa kinauupuan ko kanina.
"Ahmmm.. Glenda, may mainit na tubig na ba diyan?"
Tanong nito sa akin. Umiling lang ako. Tumayo ito at tinungo sa kabilang mesa Ang heater.
"Ako na lang Ang iinit Ng tubig. Hindi pa Kasi ako nakapag kape eh. Ikaw, gusto mo din ba uminom Ng kape, o gatas, o Milo?"
Pagkatapos maisaksak Ang heater, ay tinungo nito Ang lagayan Ng kanilang mga kape. Kumuha Ng tig-iisang sachet Ng kape at gatas. Nagtaka ako, bakit halos lahat Dito ay alam Niya kung saan nakalagay.
" Bakit parang andami mong alam Dito sa karenderya?"
Naglakad ito pabalik sa mesa bitbit na Ang mga kinuha Niya.
"Ay, sorry. Di ko pa pala nasasabi sa iyo. Tiyahin ko si Aling Maria."
Nabigla ako sa nalaman.
"Haaa..??" Tiyahin mo Siya?"
Tumango lang ito.
Noon Naman kumulo Ang tubig. Pagkatapos matimpla Ang mga iinumin ay agad itong nagbalik sa mesa. Siya ring pagdating ni Aling Maria. Tumayo na ako at kinuha Ang mga dala nito. Sa kusina ay naging abala na ako sa pagtulong Kay Aling Maria sa mga lulutuin. Hindi ko na namalayan na nakaalis na pala si Clifford. Ipinaalam lang din ni Aling Maria sa akin. Inilapag Niya sa harap ko Ang supot Ng pandesal at Ang baso Ng gatas.
"Inihabilin ni Clifford na kainin mo daw Yan at inumin Ang gatas Bago Siya umalis."
" Salamat Po."
Iyon lang Ang tanging nasagot ko. Parang nahiya tuloy ako sa inasal nito. Lalo na Ang malamang tiyahin pala nito Ang amo ko.
Matapos inumin Ang gatas ay ipinagpatuloy ko na Ang aking ginagawa. Ang panghihiwa Ng mga gulay at pagsasa ayos Ng mga lulutuin.