Ilang araw na ganoon Ang nangyayari tuwing Umaga. Alam ni Clifford na ako Ang taga-bukas Ng karenderya ni Aling Maria. Darating Siya Ng maaga upang pepestehin lang ako. Inaasar tuwing umaga. Tila ba mas gusto nitong makita na naiinis ako at nagdadabog tuwing maaasar na ako. Pag nangyari Yun, bigla na lang ito aalis at pagbalik ay may bitbit na itong supot Ng pandesal.
Pambawi sa pang-aasar nito Ang pandesal. Hay naku, Ang mokong na iyon. Nakakainis talaga. Minsan, nakakairita din. Aasarin ako Mula pagdating nito. At bandang alas-sais ay bigla na lang ito nawawala. Di ko alam kung saan ito nagpupupunta. Muli ko na namang makikita ito tuwing hapon na. Alas kuwatro. Minsan, alas- singko na. Gusto ko mang tanungin Siya pero nagpigil lang ako.
"Glenda.."
Isang tawag Mula sa labas Ang narinig ko. Kasalukuyan akong naghuhugas Ng mga Plato sa lababo. Pinunasan ko Muna Ang kamay Bago lumabas upang mapagsino Ang tumawag.
"Oy, Marcus, Ikaw pala."
Si Marcus, kapitbahay nila Aling Maria. Nakita Kong may bitbit itong Isang basket. Inaya ko siyang pumasok sa loob Ng karenderya. Pagkapasok ay agad inilapag nito sa mesa Ang dalang basket.
"Ano yang dala mo?."
Puna ko sa dala nito.
"Ahh.. para iyan Kay Aling Maria. Ipinadala ni Inay. Nakabote na alamang Ang mga ito, meron ding atsara."
Kinuha nito Mula sa loob Ng basket Ang Isang bote.
"Ito oh, sa iyo na lang. Tikman mo."
Iniabot nito sa akin Ang Isang bote. Kinuha ko at tiningnan Ang loob.
"Eh, Hindi ba, ibebenta ito? Baka magalit Ang nanay mo..?"
Nag-aalangan akong buksan Ang boteng iyon. Nanghihinayang ako sa mabenta.
"Hindi ah.."
Agad na salag nito.
"Sigurado ka?"
"Oo Naman. Huwag Kang mag-alala, Akong bahala Kay Inay."
"Eh, kung ganun, maraming salamat dito ha."
At nginitian ko Siya.
"Masarap ito, natitiyak ko. Gawa ba Naman Ng Inay mo."
"Siyempre naman.."
Natutuwa ito sa papuri ko. Totoo Namang masarap din magluto Ang Nanay nito, si Aling Pacing, dahil natikman ko na din Ang mga luto Niya.
"Ahh, siyanga pala, Glen, may trabaho ka ba sa sabado?"
"Sa sabado?"
"Hmm.. oo.."
"Day-off ko yan. Nagkapalit Kasi kami ni Techie eh. Bakit?
"Yayayain sana kita."
Kumunot Ang noo ko. Di ko alam kung bakit bigla na Lang nagyaya Ang Isang to.
"Hmmm.. Saan?"
"Sa Bahay lang.. Nahihiya nga ako eh, kaya lang, Sabi ni Inay, yayain daw kita."
Napakamot pa ito sa ulo. Halata ngang nahihiya. Nakita ko sa kilos nito.
"Talaga? Hmmm.. Anong meron?"
"Kaarawan Ng kapatid ko, si Yanni.'"
"Talaga?"
Tumango lang ito.
"Sige ba, pupunta ako."
Umaliwalas Ang mukha nito. Mukhang nasiyahan sa narinig.
"Ah, sige. Alis na ako. Inihatid ko lang Yan."
"Sige, salamat ulit. Hmm.. Sasabihin ko lang Mamaya Kay Aling Maria na andito na Yung galing Kay Aling Pacing."
Ngumiti ito at kumaway Bago umalis.
Kakababa ko lang Ng bus. Agad akong tumakbo papunta sa karenderya. Excited akong ibigay Kay Glenda itong nabili Kong libro. Alam Kong paborito Niya ito, base sa kwento ni Teri. Nagkataon ding nakausap ko Siya noong pumunta ako sa kanila. Inaanak ko Ang anak nila Ng kaibigan ko.
Hawak Ang libro na Harry Potter, nagmadali na ako. Ngunit pagdating sa kanto na malapit sa karenderya, napahinto ako. Mula sa kinatatayuan ko ay kita na Ang karenderya. Si Glenda, may kausap na lalaki. Si Marcus. Kilalang babaero sa Lugar namin. Maraming babae na Ang pinaiyak nito. Marami ding nagsasabi na inanakan lang nito.
Biglang nagtagis Ang bagang ko at ikinuyom Ang palad. Di ko maintindihan, bigla lang akong nakadama Ng kakaiba. Di ko maintindihan Ang sarili.
Bigla na Lang ako napaatras at naglakad pabalik. Nakayuko Ang ulo habang naglalakad. Tinitingnan Ang hawak Kong libro.
"Haay.. Pano ko to maibibigay sa kanya?"
Naupo ako sa mahabang bangko na naroon. Di ko namalayan, nasa Isang waiting area na pala ako Ng palengke. Tiningnan ko Ang suot na relo. Alas-singko y medya na.
Muli Kong inalam Ang sarili.
"Ano ba tong nangyayari sa akin?"
Hindi ko maintindihan, bakit ganun Ang naramdaman ko.
"Nagseselos ba ako?"
Ipinilig ko Ang ulo. Maaari ngang totoo. Pero, Wala akong karapatan. Hindi ko Naman pagmamay-ari iyon. Isa pa, ni Hindi pa nga ako nanliligaw. Nagdadalawang-isip pa ako. Gusto ko si Glenda. Ang tanong, magugustuhan din kaya Niya ako?
Nagpalipas Muna ako Ng Ilan pang minuto Bago bumalik sa karenderya.
Isinasalansan ko na sa mga lagayan Ang mga pinaghugasan ko. Matapos maisiguro na maayos na Ang kusina ay agad akong lumabas. Ang mga mesa at upuan Naman Ang aayusin ko. Niligpit ko Muna Ang ilang basura sa ilalim Ng mesa.
"Hi.."
Dinig Kong may nagsalita. Pag-angat ko Ng ulo, Nakita ko si Clifford, nakangiti na nakatingin sa akin. May nakasukbit pang bag sa kaliwang balikat nito at may hawak na libro.
"Ikaw pala."
Tumayo Muna ako.
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Nililigpit ko lang Ang mga basura."
Inilibot nito Ang paningin.
"Mag-isa ka lang?"
"Oo."
"Asan si Tiya Maria?"
"May pinuntahan. Di pa makakabalik, kaya ako na lang daw Ang magsasara Ng karenderya."
"Ahh.. ganun ba?"
Inilapag nito Ang bag sa mesa. Ngayon ko lang napansin, naka-tshirt ito at maong pants. Naka sapatos.
"Siyanga pala, ito oh, para sa'yo."
May iniabot sa akin. Pagtingin ko, agad Kong Nakita Ang libro. Nasisiyahang kinuha ko iyon.
"Wow..!! Harry Potter.."
"Para Yan sa iyo."
"Talaga?"
"Oo.."
"Naku, salamat ha."
Talagang paborito kong basahin Ang mga serye Ng Harry Potter. Sa galak ay napayakap ako sa kanya. Di ko akalain na may magbibigay niyon sa akin, Lalo na't bagong serye na lumabas.
Bigla din Naman akong nakabawi, at humakbang paatras. Pero si Clifford ay nanatiling nakatayo pa Rin sa kinatatayuan nito.
"Naku, sorry ha. Natuwa lang talaga ako."
Hinging-paumanhin ko. Bigla tuloy akong nahiya sa ginawa ko. Ngumiti lang ito.
"Okay lang."
"Pero, promise, di ko talaga inasahan na may magbibigay nito sa akin. Balak ko ngang bumili nito eh, kaya pag-iipunan ko pa lang."
"Talaga?"
"Oo. Paborito ko Kasi Ang mga ganitong libro."
"Mabuti Naman at nagustuhan mo."
"Oo Naman. Maraming salamat ha."
Tumango lang ito.
Sa totoo lang, sobrang saya ko. Nilagay ko sa dibdib Ang libro at niyakap. Kapagkuwa'y inilapag sa mesa katabi Ng bag ko.
"Ay.. oo nga pala.. hmmmm.. magliligpit Muna ako. Aayusin ko Muna Dito Bago uuwi."
"Sige, tutulungan na kita para mabilis Kang makatapos."
"Naku, salamat ha."
Tango lang Ang naging sagot nito. Inumpisahan nitong ayusin Ang mga upuan. Sinunod na pinagpatung-patong Ang mga mesa. At Ng makatapos na ay kinuha nito Ang bag at isinukbit. Ako Naman, kinuha ko Ang libro at isinilid sa bag ko, tutal, kasya Naman iyon. Lumabas na kami sa pintuan Ng karenderya. matapos mailock ay naghanda na akong maglakad pero pinigilan ako ni Clifford. Hinawakan nito Ang kamay ko.
"Sandali...."
"ahhmmm.. Bakit?"
"May sundo ka ba?"
Umiling ako.
"Wala."
"Maglalakad ka lang?"
"Oo. Wala namang problema eh. Sanay na akong maglakad."
"Gabi na. Baka kung mapano ka."
"Hindi ah. Okay lang talaga ako. Sanay na akong maglakad."
"Ah, sandali. Hintayin mo ako dito."
Iniwan Niya Ang bag sa gilid at patakbong tinungo Ang kanto. Ilang minuto lang Ang nakalipas, bumalik ito sakay na Ng tricycle na gamit nito.
"Halika na."
Nagtataka ako kung bakit.
"Teka,.. Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit dala mo Yan? Saan ba tayo pupunta?"
Kumunot Ang noo nito.
"Anong saan pupunta? Ihahatid kita pauwi sa Inyo."
"Owwhh.. Sure ka?."
Di pa Rin ako makapaniwala.
"Oo nga. Halika ka na, sumakay ka na."
Yaya pa Rin nito sa akin.
"Eh, wala akong pamasahe..."
"Walang problema Yun. Libre ko na.."
"Talaga..?"
"Oo nga.. "
Napakamot ito sa ulo.
"Sige na.. Bilisan mo na.. "
"Siguradong libre ito ha. Baka bukas niyan,eh, sisingilin mo ako sa pamasahe.."
"Oo nga. Promise.. libre.."
Tumaas pa ito Ng kanang kamay na animo'y nanunumpa. Noon lang ako natinag. Kinuha ko Muna Yung bag Niya Bago sumakay.
"Sige... Sabi mo eh.."
Pinaandar na nito Ang tricycle.
"Turo mo lang sa akin kung saan dadaan."
"Sige..."
Habang Daan ay nag-usap kami. Doon ko nalaman na nag-aaral pa pala ito sa kolehiyo. Tuwing Umaga ay namamasada ito Hanggang alas-sais. Pagkatapos ay mag-aayos papuntang eskwelahan nito. Kailangan magbiyahe Ng bente Hanggang trenta minutos Bago makarating doon. Kaya, umaalis Siya Ng alas-sais Ng Umaga, para maglaan Ng Oras sa biyahe at para na Rin, Hindi mahuli sa klase. Umuuwi Ng alas kuwatro Ng hapon, pagkatapos Ng klase, upang mamasada na Rin. Pandagdag baon lang, kahit na may binibigay din Ang mga magulang nito.
Kaya pala, tuwing Umaga at hapon ko lang siya nakikita. Sipag Naman kung ganun. Dagdag pogi points, ika nga.
Hanggang sa makarating na kami sa Amin.
"Dito na Lang ako. Maraming salamat sa paghatid ha."
"No probs Basta Ikaw.."
"Naks naman.."
"Sige na, pasok ka na.."
" Okay na. Balik ka na dun.. Maraming salamat uli.."
"Sige.."
"Ingat.."
Ngumiti lang ito. Saka pinaandar na Ang tricycle.
Bumuntong hininga Muna ako Bago binuksan Ang tarangkahan. Papasok na sana ako Ng napagtanto Kong hawak ko pa pala Ang bag nito.
"Hala..! Naiwan Niya.."
Nag-alala tuloy ako. Naghintay pa ako Ng ilang sandali doon sa labas, nagbabakasakaling bumalik Siya at kuhanin Ang gamit. Pero Inabot na ako Ng mahigit Isang Oras ay walang anino nito Ang dumating. Kaya nagpasya na lang akong pumasok na Ng bahay. Nakakapagod din Naman Ang Araw na iyon, kaya Maaga akong magpapahinga.