Nakatitig lang sa kisame. Napaisip Saka napangiti. Paulit-ulit na bumabalik sa aking balintataw Ang nangyari kanina. Sarap sa pakiramdam Yung yakap Niya. Tila ba hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa. Nabigla ako sa inakto nito kanina kaya ni Hindi man lang ako nakagalaw. Hindi ko mawari ngayon kung ano ba talaga itong nararamdaman ko.
"Crush ko lang ba Siya? Gusto ko lang ba Siya? O, mahal ko na Siya?.."
Sa naisip ay bigla akong bumangon.
"Mahal...?"
Nagulumihanan ako bigla.
"Ganito ba talaga Ang nararamdaman Ng Isang nagmamahal...?"
Inilagay ko Ang kamay sa baba at napatingala ulit sa kisame.
"Gusto ko lang siya Makita dati. Gusto ko lang makilala. Gusto ko lang siya makausap. Basta, gusto ko lang siya pagmasdan.. Noon... Pero ngayon, nalulungkot ako kapag di ko Siya Makita. Parang kulang Ang Araw ko kapag di ko Siya maasar. Nasasaktan ako kapag may kausap siyang iba. Nagseselos ako... Kapag andiyan Siya sa tabi ko o sa harap ko, parang tatalon Ang puso ko. Grabeng kaba, di lang ako nagpapahalata. Kaya nga, inaasar ko Siya eh..."
Inihilamos ko Ang kamay sa mukha. Tumihaya bigla.
"Ay putek.... Ganito na ba Yun?... Ford... Ford... Ford... Clifford..! Mahal mo na nga Siya..!"
Bigla din akong bumangon.
"Aaarggghhhh...!"
Napababa ako sa kama at tumalon-talon. Natatawa na kinikilig na nasisiyahan na ewan. Basta, hindi ko alam Ang tamang salita sa nararamdaman ko.
Nasa ganoong galaw ako nang bigla Kong narinig Ang malakas na pagkatok sa pinto.
"Ford...!"
Tinig iyon ni Mama.
"Ahhh, Ma. Bakit Po?"
"Anong nangyayari diyan? Bakit ka sumigaw?"
"Ahhh... eh, Wala po, Ma."
"Umayos ka, ha. Gabi na, nambubulahaw ka."
"Opo. Sorry po."
"Matulog ka na."
"Opo..!"
Yun lang. Narinig ko na lang Ang mga yapak nito papalayo.
Natahimik na ako. Pero napapaisip din. Hinanap ko Ang bag ko. Wala doon sa kwarto. Naupo ako sa gilid ng kama. Saka ko naalala na Wala akong bag na dala pag-akyat.
"Naku, naiwan yata sa tricycle."
Sa naisip ay agad akong lumabas Ng kwarto at bumaba. Tinungo Ang kinapaparadahan Ng tricycle. Hinanap Ang bag doon. Pero Wala akong Makita.
"Hindi kaya..., nasa Kay Glenda..?"
Kinapa ko Ang cellphone sa bulsa. Tatawagan ko na lang.
"Ay putek... Wala Naman pala akong number Niya.."
Saka tinampal Ang noo.
Matapos maghilamos ay agad akong umupo sa gilid Ng kama. Naagaw Ang pansin ko Ng Isang bag na nakapatong sa lamesita sa tabi Ng kama. Bag iyon ni Clifford. Hindi ko sana pakikialaman, kaya lang na-curious ako. Kinuha ko Ang bag at binuksan.
"Hindi Naman siguro Siya magagalit kung titingnan ko lang..."
May Nakita akong notebook. Inilabas ko iyon. Binuklat-buklat. Mga notes lang Naman Ang nandoon. Hanggang ilang pahina na lang Ang natira nang...
"Ano to?"
May nakaipit na nakatuping papel. Kinuha ko iyon at binuksan. Nanlaki Ang mga mata ko sa Nakita. Nahugot ko Ang paghinga. Di ako makapaniwala. Nagulat ako. Ilang Segundo din akong naka-pause. Kinurap-kurap Ang mga mata, at muling pinasadahan Ng tingin Ang laman niyon.
"Siya ba may gawa nito..?"
Mukha ko Ang naka-guhit sa papel. Maganda Ang pagkakaguhit niyon. Sa ilalim ng larawan ay may nakasulat.
:"sana mapansin mo ako. Gusto kitang makilala, crush ko..":
Biglang napasikdo, at kinabahan. Agad Kong ibinalik sa pagkakatupi Ang papel at inipit ulit doon sa notebook. Saka muling isinilid sa loob Ng bag.
Naguluhan ako. Napaisip tuloy.
"Crush..? Crush Niya ba talaga ako..?"
Bumuntong-hininga Ng malalim Saka nahiga. Pabiling-biling. Di agad makatulog sa kakaisip. Yakap-yakap lang Ang unan.
"Pano Niya ako magiging crush, eh, Ang pangit-pangit ko nga..."
Kinapa-kapa ko Ang mukha. Hanggang sa makatulog ay Yun Ang nasa isip ko.
"Good morning..!!"
"Ay palaka..!!"
Napatalon ako sa gulat. Lumakas Ang t***k Ng puso ko. Kinabahan ako. Nilagay Ang kamay sa dibdib Bago hinarap Ang nagsalita. Pagkakita sa kanya ay agad Kong pinaghahampas Ng hawak Na walis-tingting.
"Aaahhh.. Aa-aray.! Aray..!"
Di ko talaga tinigilan. Lumalayo Siya sa akin para di ko maabot pero sinusundan ko siya. Nanggigigil ako sa inis.
"Ooyy.. oy, oy.. Tama na.. Tama na Sabi.."
Sabi nito habang sinasalag Ang walis.
"Anong Tama na...? Ikaw ha, nakakainis ka talaga..!"
"sige na.. Tama na.. Mamaya niyan, masisira na Ang walis. Sige ka.."
Huminto ako. Huminto din ito. Hiningal ako dun ah.
"Bakit ka ba Kasi nanggugulat ha.?"
"Haa?.. Kanina pa ako nandito ah. Di mo lang napansin.."
Inilibot ko Ang tingin. Hindi ko Nakita Ang tricycle.
"Sigurado ka? Eh, Wala Naman Ang tricycle mo.."
"Hindi ko dala eh.."
Kumunot Ang noo ko.
"Eh, Anong sinakyan mo.?"
"Motor.."
Tinuro nito Ang motorsiklo na nakaparada sa di kalayuan sa Amin. Kaya pala, di ko Siya napansin.
"Ganun.?"
Tumango lang ito.
"Ah, Basta..."
Itinutok ko Ang hawak na walis sa mukha nito.
"Sa susunod, wag na wag mo akong gugulatin, ha.. Aatakehin ako sa iyo eh.."
Nag hands-up ito. Tumango-tango
"Okay.."
Tinalikuran ko na Siya at ipinagpatuloy Ang pagwawalis.
"Ahh.. Glenda.."
Tawag-pansin Niya sa akin.
"Oh..?"
"Sandali, may bibilhin lang ako.."
Tumango lang ako. Naglakad ito sa direksiyon papuntang panaderya. Ganoon na kinaugalian nito tuwing Umaga. Pagdating doon, nang-aasar, nang-iinis. Pagkatapos ay bibili Ng pandesal. Pampalubag-loob.
Sinundan ko Siya Ng tanaw. Mabait itong tingnan at gwapo kung hindi nga lang mapang-asar. Ewan ko ba, kung bakit lagi Niya itong ginagawa sa akin. Naalala ko tuloy Ang natuklasan ko sa bag Niya kagabi. Ipinilig ko Ang ulo Saka ipinagpatuloy Ang pagwawalis.
Mula sa kinatatayuan ay kita ko Ang pagwawalis ni Glenda. Buo na Ang Araw ko kapag nakikita siya. Di ko alam Kasi Ang sasabihin sa tuwing makikita ko Siya kaya mas pinipili ko na lang asarin at inisin ito.
Di Naman Kasi kalayuan Ang panaderya sa karenderyang pinagtatrabahuhan nito.
"Ah, kuya, ito na Po.."
Agad Kong kinuha Ang nakasupot na pandesal sa kamay Ng tindera. Pagkaabot Ng bayad ay tumalikod na ako.
"Eyyy.. Ang gwapo Niya, noh.?"
Dinig Kong Sabi Ng katabi nitong tindera.
"Palagi Yan bumibili Dito tuwing Umaga."
"Oo nga eh.."
Napangiti lang ako. Wala Naman Silang ibang tinutukoy kundi ako. Ako lang Kasi mag-isa Ang bumili Ng Oras na iyon.
"Haay naku.. mga babae talaga.."
Naisatinig ko habang naglalakad. Sa harap Ng karenderya ay naroon pa Rin si Glenda, nagwawalis. Di pa Rin ito tapos.
"Di ka pa tapos..?"
"Kita mo Naman nagwawalis pa ako oh."
"Kakabukas mo lang ba kanina?"
"Oo.."
Napatawa ako.
"Himala..!"
"Anong himala?"
"Ganitong mga Oras, tapos ka na diyan eh."
"Eh, ano ngayon?"
"Late ka na nagising, noh?"
"eh ano ngayon?"
"Hala.. bakit..?"
"Anong bakit?"
"Napuyat ka noh?"
Huminto ito sa pagwawalis. Nilagay sa bewang Ang walisat nameywang..
"Bakit ba Ang Dami mong tanong, ha..? Imbestigador ka ba..?"
"Hindi.."
"Oohh, eh.. Hindi Naman pala. Kaya wag ka magtanong Ng magtanong diyan.."
"Okay.."
Pumasok na lang ako sa loob Ng karenderya at nag-init Ng tubig. Matapos maisaksak sa kuryente Ang heater ay umupo na ako sa naroong upuan. Pinanood ko na lang Siya sa ginagawa nito Hanggang sa matapos ito.
Kakapasok lang nito sa karenderya nang mag-whistle Ang heater. Hudyat na kumukulo na Ang tubig sa loob niyon. Tumayo ako at tinungo Ang heater. inalis sa pagkakasaksak sa kuryente, at nagsalin Ng mainit na tubig sa dalawang tasa.
"Gusto mo Ng gatas..?"
Tanong ko sa kanya.
"Pwede Naman.."
Ipinagtimpla ko na lang Siya. Naupo ito sa upuan kaharap ko. Inilapag ko sa mesa sa harap nito Ang Isang tasa Ng gatas. Saka naupo na Rin sa kaibayong upuan. Binuksan ko Ang supot Ng pandesal at kumuha Ng Isa.
"Kumain ka na.."
Kumuha ito Ng Isa at kinain. Lihim akong napangiti. Sa ganong paraan man lang, Masaya na ako.
"Sweet Naman..."
Naisatinig ko. Mahina nga lang para hindi nito marinig. Nakatalikod Siya sa akin. Nagtitimpla Ng kape at gatas. Parang nakagawian na nitong ipagtimpla ako Ng gatas tuwing Umaga. Nang patapos na ito ay agad akong umupo. Inilapag nito sa harap ko Ang Isang tasa Ng gatas. Lihim akong nasiyahan. Di ko lang pinapahalata. Ang ganoong gesture Ng Isang lalaki, nakakakilig naman.
Kumuha ako Ng Isang pandesal at yumuko. Habang kinakagat iyon, Hindi ko naiwasang mapangiti Ng patago. Yumuko talaga ako para Hindi niyon makita.
"Ah, siyanga pala, Glenda.."
Napaangat ako Ng ulo.
"Uuuhhmmm..?"
Ninguya ko Muna at nilunok Ang laman Ng bibig Bago nagsalita.
"Bakit..?"
"Ahh.. Dala mo ba Yung bag ko. ?"
Saka ko lang naalala Ang bag Niya.
"Ahh.. oo.. andiyan sa kabinet. katabi Ng bag ko.."
Sagot ko sabay turo sa kabinet na nasa gilid. Agad itong tumayo at tinungo Ang itinuro ko. Pagkakita sa bag ay agad itong dinampot at binitbit. Naglakad pabalik sa mesa.
"Mabuti Naman at dinala mo.."
"Oo.. naiwan mo Kasi kagabi.."
"Kaya nga eh.. Nagmadali na Kasi ako. Saka, di na nakabalik dahil pinauwi na ako ni Mama."
"ganun ba..?"
Tumango lang ito.
Pagkatapos makapagkape ay nagpaalam na ito. Mamamasada na lang Muna. Mamaya pa daw Ang klase nito. Bitbit Ang bag ay umalis na ito.
Matapos magligpit Ng pinag-inuman ay agad Kong tinungo Ang kusina. Inihanda na Ang mga lulutuin sa Araw na iyon. Ginagayat ko na Ang mga gulay Nang dumating si Aling Maria kasama Ang anak nito at Ang Isa pa naming kasama. Naging abala na kaming lahat at di ko na namalayan Ang pagtakbo Ng Oras.