Matuling lumipas Ang mga Araw. Magdadalawang linggo na na Hindi ko man lang nakita at nakausap si Clifford. Inaamin ko na naging madali Ang Umaga ko dahil walang nang-aasar at nang-iinis sa akin. Tuloy-tuloy Ang trabaho ko magmula sa pagbukas Ng karenderya, pagwawalis sa harapan nito, at sa pagsasaayos at paghahanda sa mga lulutuin. Pero may bahagi Ng katawan ko Ang nami-miss Siya. Itong puso ko. Para bang nasanay na tuwing Umaga na nakikita Ang taong iyon. Ang mga pinaggagawa nito, pang-aasar, pang-iinis, Lalo na Ang pagtitimpla nito Ng gatas para sa kanya.
Masasabi Kong madali at medyo umokey Ang takbo Ng bawat Araw, pero parang may kulang.
Humugot ako Ng malalim na buntong-hininga. Mag-isa na Naman ako Ng Araw na iyon. Day-off Ng kasama ko. Mabuti na lang at Hindi Naman gaanong matao Ng Araw na iyon. Marami-rami Naman Ang Kumain pero mas marami kahapon. Ibig Sabihin, pag maraming kostumer, Malaki Ang benta. Pag di gaano, sakto lang.
Nakaupo ako sa gilid Ng pintuan. Naghihintay sa mga bibili. May natitira pa kasing mga ulam na naka display sa lagayan. Dumating si Marcus kasama Ang kapatid nito. May bitbit itong basket.
"Hi.. Glenda.."
Nakangiting bati nito sa akin.
"Oy, Marcus."
"Heto na nga pala Yung pinapahatid ni Inay."
Iniabot nito sa akin Ang dala kaya kinuha ko. Paghawak ko sa basket ay hinawakan nito Ang mga kamay ko. Nabigla ako kaya agad Kong binawi Ang kamay. Hawak Ang basket, tumayo ako at naglakad papasok. Ipinatong iyon sa mesa. Sumunod si Marcus.
"Ahhmm.. Glen..."
Agad ko siyang hinarap. Pinutol Ang kung anuman Ang sasabihin nito.
"Ay, Marcus, ano, ahhmm.. Sasabihin ko na lang Mamaya Kay Aling Maria na andito na Ang mga ito.."
Saka naglakad palayo Dito. At kunwari ay may gagawin sa kabilang mesa. Pero sinundan pa din ako at hinarap.
"Glen..."
Nakayuko lang ako. Hindi Siya tinitingnan.
"May nakalimutan ka ba.?"
"May gusto sana akong sabihin.."
Noon ko Siya tiningnan.
"Sabihin.? Ano Yun..?"
Iba na pakiramdam ko. Parang may Mali. Parang iba Ang pupuntahan Ng pag-uusap na iyon. Yumuko Muna ito Bago nagsalita.
"Ahhmmm.. Pwede ba kitang ligawan.?"
Nag-chuckle ako. Sabi ko na nga ba eh. May ibang motibo ito.
"Ako..??"
Sabay turo sa sarili ko.
"Ako..Liligawan mo..? Manliligaw ka sa akin..?"
"Oo. Dalaga ka Naman, binata ako. Pwede Naman Yun, di ba.?"
"Sa iba, pwede. Pero hindi sa akin.."
"May ibang gusto na ako eh.."
Ipinilig ko Ang ulo. Ano ba Yan, kusang sumasagot Ang isip ko. Pero okay lang Yun, di Naman maririnig ni Marcus eh.
"Ayaw mo na ligawan kita.? Bakit..?"
Biglang nalungkot Ang mukha nito.
"Eh, ayaw ko pa. Ayoko lang.."
Sagot ko Saka nagkibit-balikat lang.
"Eh.. bakit nga..?"
"Basta, ayoko lang. Wag ka na makulit.."
Noon ko napansin Ang kapatid nito na iritable na sa pagkakaupo sa gilid.
"Ay, tingnan mo kapatid mo oh.. "
Sabay turo sa kapatid nito.
" Baka gusto na niyang umuwi.."
At tinawag ko Ang pansin Ng kapatid nito.
"Oy, di ba, gusto mo Ng umuwi.?"
Tumango ito.
"See.. Marcus, gusto Ng umuwi Ng kapatid mo.."
Kita sa mukha nito Ang pagkadismaya.
"Grabe ha.."
"Bakit..?"
"Unang subok ko pa lang, basted agad.."
Napakamot ito sa ulo.
"Ganun talaga, Marcus. Sorry ha, pero, ayoko pa talaga eh. Marami Naman diyan na pwede mong ligawan.."
Bumuntong-hininga ito.
"Sige na nga.. Tatanungin na Lang kita sa susunod kung handa ka na.."
"Sige.."
Agad nitong pinuntahan Ang kapatid at inakay palabas Ng karenderya. Umiling-iling na Lang ako. At binalikan Ang ginagawa.
Kakababa ko lang Ng motorsiklo nang matanaw ko Ang paglabas ni Marcus at Ng kapatid nito sa karenderya. Patungo Ang mga ito sa ibang direksiyon kaya Hindi ako Nakita. Naglakad ako papunta sa karenderya. Mula sa labas, tanaw Kong nakaupo si Glenda at may ginagawa. Napangiti ako. Nagalak na Naman Ang puso ko dahil sa wakas, matapos Ang ilang Araw Ng pagiging abala, ay Nakita ko na Naman Ang itinitibok nito. Bukod sa naging abala sa eskwelahan, pagtapos Ng mga proyekto at aralin, naging abala din Ang isip sa pag-iisip at desisyon kung ano na Ang gagawin. Kaya napagpasyahan Kong sa Gabi ding iyon, kung papalarin, ay magtatapat na ako sa kanya.
Nasisiyahan akong nilapitan ito. Nakayuko Siya kaya di man lang ako napansin.
"Mukhang busy ahh.. "
Biglang umangat Ang ulo nito. Agad lumiwanag Ang mukha.
"Clifford..!!"
Napangiti ito Ng Makita ako. Wow ha. Ganda Namang tingnan. Nginitian ko Siya. Saka umupo sa kaharap nitong upuan.
"Long time no see.."
"But now, see now.."
Sagot nito. sabay tawa. Nakitawa na Rin ako.
"Kamusta.?"
"Eto, okay Naman. Ikaw..? Tagal Kang Hindi nagpakita Dito ah.."
"Okay Naman ako. Na miss mo..?"
Biro ko Dito. Biro lang Naman. Pero Malay natin, baka kagatin.
"Miss ka diyan..Ikaw, Mami miss ko.? weehh.. ano ka, Hilo..?"
Ouch. Nasaktan ako dun ah. Di daw ako na miss. tapos Siya, sobrang na miss ko.
"Di nga..?"
"Hindi Naman talaga eh.."
"Bakit...?"
"Bakit ko Naman Mami miss Ang Isang taong laging nang-aasar sa akin? Ang aga-aga, nambubwisit ka eh.."
"Haa.. bwisit agad..?"
"Oo.. pinipeste mo ko eh.. Mabuti ngang Hindi kita Nakita.. ohh, eh di, naging madali Ang Umaga ko.."
"Ouchhh.. Aray Naman.. "
Nilagay Ang kamay sa dibdib at umakting na parang nasasaktan.
"Ohh, Anong nangyari sa iyo..?"
"Nasasaktan Ang puso ko.."
"At bakit..?"
"Hindi mo ko Kasi nami miss.."
Humagalpak Ng tawa ito at hinampas ako sa braso. Ang sarap Naman pakinggan ng pagtawa nito.
"Aray..!"
Sabay hawak sa brasong hinampas nito.
"Ohh, bakit..?"
Natatawa pa Rin ito.
"Bakit bigla-bigla ka na lang nanghahampas.?"
"eh, Loko ka pala eh.. Sino ka ba Naman para Mami miss ko..? Ikaw talaga.."
Aray ha. Pangalawa na iyon.
Tumayo ito at nilagay sa tamang lagayan Ang mga inayos na cellophane. Inilibot ko Ang paningin sa buing karenderya.
"Mag-isa ka lang.?"
Tanong ko sa kanya.
"Oo."
Sagot nito habang inaayos Ang mga pambalot na cellophane.
"Bakit.? Asan Sila.?"
"Pumunta Ng siyudad. Maghahanap ng susuotin Ng pinsan mo.."
"Bakit, Anong meron..?"
"Hindi mo alam..?"
Napaisip ako. Ano nga bang meron?
"Hindi eh.."
"Hindi ka nagtanong..?"
"Glenda Naman.. Magtatanong pa ba ako sa iyo kung alam ko na Ang sagot..?"
"O, Siya, sasabihin ko na.."
Bumalik ito sa kinauupuan at humalukipkip. Nag-antay Naman ako sa sasabihin nito.
"Grand ball nila sa paaralan sa darating na sabado. Kaya, abala Yun Sila sa paghahanap Ng masusuot.."
"Ahhh.. kaya pala.. "
"Bakit parang di ka updated.? Asan ka ba nitong mga nagdaan..?"
"Ako..?"
Tumango ito.
"Naging abala din ako sa eskwelahan. Maraming projects eh. Plus exams, worksheets, filming.. Saka, humabol sa deadline. Kaya ayun, sa sobrang busy, napupuyat na, to the point na, Hindi na ako nagawi Dito.."
"Ganun ba.?"
"Oo..."
Tumayo ito at tinungo Ang mga naka display pang mga ulam.
"Magliligpit ka na..?"
"Hmmm.. oo.. Wala na sigurong bibili.."
Sinimulan nitong isalin sa mga maliliit na lagayan o baunan Ang laman niyon. Pinapanood ko lang siya. Nang pumasok ito sa kusina, nanatili pa Rin akong nakaupo doon. Hinihintay siyang makatapos.
Paglabas Niya ay agad akong tumayo. Naghanda na ito sa pag-uwi.
"Aahhmm.. Glenda, Wala ka bang sundo..?"
"Wala eh. Di makakasundo si Papa ngayon. May pinuntahan sila ni Mama. Bakit..?"
Naisip kong pagkakataon ko na to upang makausap siya Ng masinsinan.
"Kung ganun.. Ihahatid na Lang kita.."
"Talaga..? Okay lang ba sa iyo.?"
"Oo Naman.. Halika ka na.."
Nakita Kong parang nagdadalawang-isip pa ito sa pagsakay.
"Naku, wag kang mag-alala. Ligtas ka sa motorsiklo, Basta, ako Ang driver mo.."
Tumawa ito. Saka lumapit sa akin.
"Tangi.. Hindi Naman ako takot.. Kaya lang..."
Ibinaba nito Ang tingin. Noon ko lang napagtanto, naka palda-short lang pala ito.
"Ay.. okay.. upong pambabae ka lang.."
"Okay.."
Umangkas na ito. Pinaandar ko na Ang motorsiklo. Bago patakbuhin, kinuha ko Ang Isang kamay nito at inilagay sa bewang ko.
"Kumapit ka para di ka mahulog.."
Sa una ay nag-aalangan pa ito. Pero Ng pinatakbo ko na Ang motorsiklo, hinigpitan nito Ang kapit sa bewang ko.
Hindi Naman gaano kabilis Ang pagpatakbo ko. Tama lang na makapag-usap kami Hanggang makarating sa kanila. Bumaba na ito.
"Maraming salamat sa paghatid ha..."
Tatalikod na sana ito nang hawakan ko Ang kamay Niya.
"Bakit..?"
Tanong nito. Parang di ako makapagsalita. Natameme ako bigla.
"Hoy..!"
Untag Niya sa akin. Pilit binabawi Ang kamay na hawak ko. Pero hinihigpitan ko Ang kapit.
"Te-teka lang.. Ang kamay ko.."
Lumunok Muna ako. Pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko. Naku Naman, ano ba itong nararamdaman ko.
"Oy.. Clifford.. ano ba..?"
"Ahem..! Glenda.. Pwede ba kitang makausap..?"
Natahimik ito.
"Hhmm.. Tungkol sa ano..?"
Kinakabahan ako. Ito Ang unang beses na magtatapat ako sa Isang babae.
"May sasabihin sana ako sa iyo.."
Luminga-linga Muna ito.
"Halika.. Doon na Lang tayo sa loob mag-usap. Andaming dumadaan Dito eh. Baka kung ano pa Ang masabi. Alam mo na..."
Agad akong bumaba Ng motorsiklo. Matapos Mai lock ay agad Kong sinundan si Glenda. Kinakabahan pa Rin ako. Di ko alam kung ano Ang makukuha Kong sagot Mula Dito. Pero anuman Ang mangyari, inihahanda ko na Ang sarili. At Hindi ako titigil na paulit-ulit na manligaw sa kanya Hanggang sa tanggapin Niya ako.