Gusto Niya daw akong kausapin. Kaya niyaya ko Siya sa loob Ng bahay. Mas magandang doon kami mag-usap kesa sa tabing Daan na marami Ang nakakakita.
Pagkapasok sa pintuan, agad Kong kinapa Ang switch Ng ilaw. Ini-on iyon kaya bumaha Ang liwanag sa buong Sala. Tinungo Ang kusina at ini-on din Ang naroong ilaw. Binalikan ko si Clifford na noo'y nakatayo pa Rin sa may pintuan.
"Ahhmm.. Pasok ka.."
Mukhang nahihiya pa itong pumasok. Inilibot nito Ang paningin na tila bang may hinahanap.
"Wala ba Dito mga magulang mo..?"
Umiling ako.
"Wala. Di ba, Sabi ko sa'yo, may pinuntahan sila. Mamaya pa siguro Yun makakauwi. Bakit..?"
"Ahh.. Wala Naman.."
Naupo ako sa upuan. Nanatili pa Rin itong nakatayo kaya inaya ko na ulit na pumasok.
"Pasok ka.. "
Pumasok ito at naupo sa mahabang bangko.
"Di ba, Sabi mo, may sasabihin ka sa akin? Ano Yun..?"
Tumikhim Muna ito Bago nagsalita.
"Ahhh.. eh, gusto ko lang Sabihin sana na..."
Nahinto ito sa pagsasalita. Mukhang di alam Ang sasabihin. Mukha nga lang ba o talagang nahihiya?
"Sabihin na ano..?"
Tumayo ito Mula sa kinauupuan at tumabi sa akin. Hinawakan Ang kamay ko. Gusto ko sanang bawiin pero mahigpit Ang pagkakahawak nito. Di ko Rin alam kung ano Ang gusto nito sabihin. Kinabahan ako.
Nararamdaman ko Ang panlalamig Ng kamay nito. Sa wari ko, kinakabahan din ito. Hinarap Niya ako at hinawakan Ang dalawa ko Ng kamay. Di ko alam Ang gagawin. Ito Ang unang beses na ginawa Niya ito sa akin. Para bang may ibang ipinapahiwatig Ang lalaking ito.
"Glen..."
Tiningnan Niya ako, mata sa mata.
"Di na ako magpapaliguy-ligoy pa.. Gusto ko sanang Sabihin na.. Gusto kita.. Gusto kitang ligawan.. Sana, bigyan mo ako Ng pagkakataon.. Matagal ko Ng gusto na magtapat sa'yo.. nato-torpe lang ako.. Kaya, dinadaan ko na lang sa pang-aasar sa'yo.. Pwede ba..?"
Natameme ako. Di ako makapagsalita. Di Rin makagalaw. Di ko alam kung ano Ang isasagot ko.
Ikinurap-kurap ko Ang mga mata. Saka binawi Ang kamay Kong kanina pa hawak nito.
"Ahhmmm..."
"Okay lang.. Kung di ka pa handa.. Maghihintay ako.."
Napangiti ako. May bigla akong naalala. Napansin siguro nito kaya nagtanong.
"Bakit..?"
"May naalala lang ako.."
"Ano Yun..?"
"Pareho kayo Ng sinabi ni Marcus.."
Nanlaki Ang mata nito. parang di makapaniwala.
"Si Marcus..?"
"Oo..."
"Nanligaw din Siya sa'yo..?"
"Manliligaw pa lang sana.. Pero binasted ko na.."
"Haa...? Bakit .?"
"Clifford Naman.. Sino ba Naman Ang may gusto na ligawan niyon? Eh, babaero Yun.."
"Gwapo Naman siya ah.. Bakit ayaw mo sa kanya..?"
"Aanhin ko Ang gwapo kung babaero.. Kilala Naman natin Siya.. Marami na siyang pinaiyak.. May anak na nga iyon eh.. Kaya lang, matapos buntisin Yung babae, eh, iniwan lang Ng mokong na iyon sa ere.. Gusto mo ba ganun din gawin nun sa akin..?"
Umiling-iling ito.
"Yan Ang Hindi ko gusto.."
"Talaga..?"
"Oo Naman.. Ang tunay na lalaki, Hindi nang-iiwan.."
"Sigurado ka..?"
"Oo.. peksman.."
Mukhang nasiyahan ako sa sagot niyang iyon. Bigla itong natahimik. Tiningnan lang ulit ako sa mata.
"Eh, ako, Glen, may pag-asa ba..?"
Hindi ko na Naman alam Ang isasagot. Napatungo ako. Napaisip. Pag-angat Ng mukha ay agad Kong sinalubong Ang mga mata nito.
"Ahhmm.. Clifford.."
"Ohh.."
"Pwede.."
Kumunot Ang noo nito.
"Haa..? Anong pwede..?"
Tinampal ko Siya. Napahawak ito sa noo.
"Tinanong mo ako tapos hindi mo na-gets Ang sagot ko.. Bakit, ayaw mo na..?"
Agad lumiwanag Ang mukha nito. Saka natuwa at napatawa.
"Ahhh.. ibig mong Sabihin.. Okay sa'yo na ligawan kita..?"
Tumango ako. Kita sa mukha nito Ang kagalakan. Tila nasisiyahan ito sa naging sagot ko.
Akma Niya akong yayakapin pero pinigilan ko. Hinarang ko Ang mga kamay.
"ooppss.. Manliligaw ka pa lang, di ba..?"
Ibinaba nito Ang mga kamay.
"Ay.. oo nga pala.."
Noon Naman tumunog Ang cellphone nito. Agad niyang kinuha mula sa bulsa at sinagot Ang tumatawag.
"Ford.! Asan ka..?"
Tinig iyon Ng Mama nito.
"Ahh.. Nasa Bahay Po Ng kaibigan ko.."
"Gumala ka na naman..? Umuwi ka na.. Gabi na.."
"Ahh.. sige Po.. Uuwi na.."
At nawala na ito sa kabilang linya. Kapagkuwa'y hinarap ako.
"Ahh.. Glenda.."
Sabi nito sabay turo sa cellphone. Kaya agad Kong sinalag.
"Ayy.. okay lang.. Narinig ko.."
"Naku.. sorry ha.. pinapauwi na ko ni Mama.."
"Okay lang.. Gabi na Rin Naman eh.. Uwi ka na.."
Agad Naman itong tumayo.
"Ahh.. sige.. Alis na ako.."
Tumayo na Rin ako.
"Sige.. Ingat ka sa pag-uwi.."
Ngumiti ito.
"Salamat.."
Naglakad na ito palabas kaya sinundan ko Hanggang sa tarangkahan. Sumakay na ito sa motorsiklo at pinaandar iyon.
"Maraming salamat ulit sa pagpayag.."
Kinawayan ko lang siya bilang sagot. Pinaharurot na agad nito Ang motorsiklo. Matapos mai-lock Ang tarangkahan ay agad na akong bumalik sa loob Ng bahay. Naupo muli sa mahabang bangko at nagmuni-muni.
Pagpasok sa kwarto ay agad akong nahiga sa kama. Napatihaya. Nakatingin lang sa kisame, habang di nawawala-wala Ang ngiti sa mga labi. Sobrang saya ko. Sa wakas, di na ako natorpe sa harap ni Glenda. Nasabi ko na Rin Ang gusto Kong sabihin.
"Aarrgghhh...!"
Napasigaw ako sa kilig. Kinikilig talaga ako. Nagpabiling-biling ako sa ibabaw Ng kama. At nang huminto ay dumapa ako at ibinaon sa unan Ang mukha.
Narinig ko Ang pagkatok Mula sa nakasaradong pinto at narinig Ang pagtawag ni Mama.
"Clifford..!!"
Bahagya Kong inangat Ang mukha Mula sa unan at sumagot.
"Po..?"
"Ano bang nangyayari diyan sa'yo..? Bakit ka sumigaw..?"
"Ahhh.. Wala Po.."
"Sigurado ka.."
"Opo.."
"Oh, Siya.. Wag ka na maingay.. Matulog ka na diyan.."
"Opo.."
Pagkatapos niyon ay dinig na Ang mga yabag nito papalayo.
Muli Kong ibinaon sa unan Ang mukha. At doon na Lang sumigaw. Para di marinig sa labas. Kinikilig talaga ako. Di pa Rin ako Maka get over.
Tumihaya ako. Muling napatitig sa kisame. Marami talagang pumapasok na mga katanungan sa isip ko. Napapaisip tuloy ako kung ano Ang mga gagawin.
"Ano kaya Ang magandang Sabihin..?"
Napasinghap ako at naupo. Inihilamos Ang kamay sa mukha.
"Clifford Naman..! Isip-isip din.. Buti nga di ka nabasted agad eh. Pinayagan Kang manligaw."
Napahiga ulit ako. Pagtingin sa gilid, Natuon Ang pansin ko sa bag. Muling bumangon at inabot Ang bag na nasa ibabaw Ng lamesita. Binuksan iyon at hinugot palabas Ang Isang kwaderno. Sa bandang likuran na mga pahina nito, naroon pa din Ang ginawa Kong drawing. Dinampot ko Ang nakatuping papel at binuksan. Mukha iyon ni Glenda. Inilapag ko Ang papel sa lamesita, kumuha Ng lapis sa bulsa Ng bag, at nagsimulang gumuhit.
Iginuhit ko muli Ang mukha nito, maliit na bersyon, sa ilalim lang Ng naka-guhit na nitong mukha. Sa ngayon, mas Lalo ko pang pinag-igihan Ang pagguhit. Mas pinaganda na tila ba kuhang-kuha Ang aura nito. Sa ibabaw Ng tainga nito, sa kanang bahagi, ay nilagyan ko Ng Isang bulaklak doon. Ginuguhit ko Siya habang inaalala Ang bawat detalye Ng mukha nito. Pagguhit na walang anumang larawan na sinusundan o ginagaya.
Matapos sa pagguhit ay muli Kong tinupi Ang papel at inipit sa kwaderno. Tumayo at tinungo Ang lagayan Ng mga bondpaper, pagkakuha Ng ilang piraso, muling naupo sa harap Ng lamesita. At nagsimulang gumuhit ulit.
Matapos iguhit Ang mukha nito, itinaas ko Ang papel. Muling pinasadahan Ang larawan.
"Kahit sa guhit lang, napakaganda mo pa Rin. Kaya nga, nabingwit mo Ang puso ko eh."
Inilapit sa labi at hinalikan Ang naroong larawan. Saka itinapat sa dibdib.
"Ito na lang Muna Ang ibibigay ko sa'yo, Glenda.. Sana magustuhan mo.."
Malaki Ang pag-asam na tatanggapin nito Ang ibibigay ko. Parang nagkaroon Ng kumpiyansa sa sarili, muli Kong pinagmasdan Ang guhit. Saka inilapag sa lamesita. Kampanteng di ako tatanggihan bukas.
Muli Kong dinampot Ang lapis at sumulat Ng ilang kataga sa ilalim Ng guhit. Matapos iyon gawin, itinupi ko Ang papel sa magandang ayos at inipit sa kwaderno. Muling isinilid ito sa loob Ng bag. Bukas Ng umaga ko ito ibibigay sa kanya.
Maaga akong nagising, alas-kuwarto Ng Umaga pa lang. Iyon Ang pinapakita Ng orasan sa dingding. Init-inot akong bumangon at nag inat-inat. Ehersisyo makadali upang maihanda Ang katawan sa laban sa Araw na ito.
"Nakss.. Laban talaga..? Oy, Ford ha.. Umayos ka..Aminin mo lang na kinakabahan ka na.."
Sabi ko sarili sa harap Ng salamin. Nag-whistle ako.
"Hay naku... Makaligo na nga.."
Agad dinampot Ang nakasabit na tuwalya sa dingding at tinungo na Ang banyo.
Matapos maligo ay agad akong naghanda sa pag-alis. Pagbaba sa kusina ay naroon na si Mama. Gising na pala ito, nakaupo sa mesa at nagkakape.
"Aba... Ang aga mo nagising ah.."
Puna nito sa akin. Naupo ako sa kaibayong upuan at inilapag Ang bitbit na bag.
"Ma, parang di ka pa nasanay sa akin. Maaga talaga akong nagigising.."
"Upang mamasada..?"
Tumango lang ako.
"O, di kaya'y magpakitang-gilas..?"
Tinitigan ko si Mama.
"Ma, Naman.. Anong ibig mong Sabihin..?"
Tiningnan niya lang ako, at ibinalik Ang pansin sa iniinom.
"Baka Akala mo, Hindi nakakarating sa akin Ang mga pinaggagawa mo, Clifford.."
"Ma, Wala Naman akong ginagawa ah.."
"Wala nga ba talaga..?"
Napakamot ako sa ulo.
"Ma..."
"Hindi ko Naman sinasabi na Hindi ka manligaw. Ang akin lang, kilalanin mo Muna Yung tao."
"Mabait Naman si Glenda, Ma, eh.."
Iniangat nito Ang ulo at tinitigan ako.
"Tingnan mo.."
"Bakit..?"
"Lumabas din sa bibig mo Ang pangalan Niya.."
"Anong Ibig mong Sabihin..?"
"Madali ka talaga paaminin.."
"Ohh.."
"Marami Ang nagbabalita sa akin na may nililigawan ka diyan sa palengke. Ayaw ko Namang maniwala agad, hanggat Hindi ko naririnig Mula mismo sa bibig mo... Pero dahil nabanggit mo, kaya iisipin ko, totoo nga Ang mga dumarating na Balita sa akin.."
Napayuko ako.
"Ligaw na. Eh, manliligaw pa nga lang ako eh. Bilis Naman Ng mga balitang iyon. Pinapangunahan ako, ah."
Hindi ko na iyon isinatinig pa. Tumayo na ako at isinukbit Ang bag sa balikat.
"Ahh.. Ma, okay lang naman kung manligaw ako sa kanya, di ba..?"
Hinintay ko Ang sagot nito. Natahimik lang. Dahil sa Hindi na ito umimik, nagpaalam na Lang ako.
"Alis na Po ako.."
Tumalikod na ako at tinungo Ang kinapaparadahan ng tricycle. Wala na ito doon. Ang naroon na lang ay Ang motorsiklo. Ibig Sabihin, nakaalis na Ang ama ko. Mas Maaga pa pala ito sa akin.
Noon Naman lumabas sa pinto si Mama.
"Yang motorsiklo Muna Ang gamitin mo.."
Paalala nito sa akin.
"Asan Ang tricycle..?"
"Hiniram Muna nila Juancho. May pinuntahan sila."
"Ganun ba.? Akala ko, maagang namasada si Papa."
Umiling ito.
"Tulog pa Ang ama mo.."
"Ah, cge po.. Alis na ako..
Agad ko na pinaandar Ang motor at umalis.