Napahinto ako sa pagwawalis nang dumating si Clifford. Ganda Ng pagkakangiti nito. Mukhang maganda Ang gising. Ipinarada nito Ang motorsiklo sa gilid Ng karenderya. at lumapit sa akin.
"Good morning..."
Pagbati nito. Nginitian ko Rin Siya.
"Morning too..."
Habang palapit sa akin ay may hinuhugot ito sa loob Ng bag. Pagkalapit ay agad nitong iniabot sa akin Ang nakatuping papel.
"Para pala sa'yo..."
Inabot ko Ang papel.
"Ano ito...?"
"Tingnan mo.."
Hawak Ang papel, binitiwan ko Muna Ang walis Saka binuklat ito. Tumambad sa akin Ang mukha ko na naka-guhit sa papel. Pinasadahan ko iyon Ng tingin. Lihim akong napangiti. Humanga ako sa obra nito. Kamukhang-kamukha ko Ang nasa larawan. Sa ilalim nito ay may nakasulat.
"Ikaw lang Ang mahal ko.."
Kinilig Naman ako. Dumada moves na Ang mokong.
"Ikaw ba gumuhit nito..?"
Tumango ito.
"Galing ah.."
Nilagay nito sa batok Ang kamay.
"Salamat.."
"Magaling ka pala gumuhit.."
"Di Naman.. Sakto lang.."
Aba, nagpapaka humble ah. Pero sa katunayan, magaling ito. May maipagmamalaki na.
"Sana nagustuhan mo.."
"Oo Naman.. maganda nga eh.. Salamat ulit ha.."
Napangiti lang ito. Muli Kong itinupi Ang papel at hinawakan lang. Dinampot Ang walis sa lupa at ipinagpatuloy Ang pagwawalis. Naglakad ito papasok sa karenderya, at paglabas ay may bitbit na Rin itong walis.
"Tutulungan na kita.."
Nagsimula itong magwalis. Pinagmasdan ko Muna ito sa ginagawa.
"Aba.. matulungin ah. Magaling pa. Dagdag points.."
Napangiti ulit ako. Nagpapa- impress. Saka ipinagpatuloy Ang trabaho.
Matapos dakutin Ang mga itinumpok na basura, kinuha ko sa kamay nito Ang walis upang Ibalik sa lagayan nito.
"Ahhmm.. Glen, nag-init nga pala ako Ng tubig. Pakibantay Muna, may bibilhin lang ako."
"Sige.."
Tulad Ng kinagawian, pagbalik ay may bitbit na itong nakasupot na pandesal. Ipinagtimpla ako Ng gatas, samantalang kape Naman Ang sa kanya. Nag-usap lang kami.
Matapos akong tulungan sa kusina ay nagpaalam na ito na aalis.
Naiwan akong mag-isa sa karenderya. Inumpisahan ko na lang Ang trabaho upang pagdating ni Aling Maria ay maayos na lahat. Napapangiti na Lang ako mag-isa. Himala.. Hindi ako inasar Ng lalaking iyon, bagkus ay tinulungan pa ako upang mapadali Ang trabaho ko.
Mag-aalas singko y medya na nang dumating si Aling Maria. Kasunod nito Ang isang kasama ko. Naging abala na Ang lahat. Sa kabuuan ay naging maganda Ang Araw na iyon.
"Glenda.."
Tawag sa akin ni Aling Maria. Kasalukuyan akong naghuhugas Ng mga pinagkainan sa kusina. Pinunasan ko Muna Ang kamay Bago lumapit sa kanya
"Po..?"
"Napapansin Kong palagi pumupunta Dito si Marcus. Nanliligaw ba Siya sa'yo.?"
Umiling ako.
"Wala Po.. Bakit..?"
"Wala Naman. Napapansin ko lang, kung makatitig sa iyo, eh, parang may gusto sa yo.."
"Ahhmm.. May balak sanang manligaw sa akin, Aling Maria, pero Hindi ko Po pinayagan.."
"At bakit..?"
"Alam Naman natin kung anong klase Ng tao Siya, eh. Napaka babaero. Ayokong matulad sa mga babae nito."
Tumango-tango ito.
"Eh, si Clifford. ?"
Napatanga ako sa kanya. Di ako makapagsalita.
"Nanliligaw ba sa'yo Ang pamangkin ko..?"
Bigla akong nahiya sa harap ni Aling Maria. Napayuko ako. Ramdam ko Ang titig nito sa akin, habang naghihintay Ng sagot ko.
"Opo.."
Tumikhim lang ito. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi Naman Po siguro masama kung manligaw siya sa akin..?"
"Iyon ay kung okay lang sa iyo.?"
"Oo Naman.."
"Matagal ko na napapansin Ang namamagitan sa Inyo. Hindi lang ako nagsasalita. Ayoko pangunahan Ang pamangkin ko."
Muli akong napayuko.
"Dalaga ka.. Binata Siya.. Pero nasa sa Inyo na Yan. Nasa tamang edad na Rin kayo.."
Hindi ako nakaimik.
"Glenda.."
Napaangat ako Ng ulo.
"Base din sa ikinikilos mo, may gusto ka din sa pamangkin ko.."
Napanganga ako. Masyado na bang halata sa mga kilos ko?
"Aling Maria, Hindi Naman Po mahirap magustuhan Ang pamangkin Niyo Po. Mabait Po Kasi Siya.."
"Nababaitan ka sa kanya kahit inaasar ka Niya palagi..?"
"Okay lang naman Po iyon.. Iniisip ko lang Po Kasi na baka, ganoon lang Siya, palabiro, mapang-asar.."
"Kilalang-kilala ko Ang batang iyon. At hindi Siya ganoon sa ibang tao. Tahimik na Bata si Clifford. Sa katunayan, ngayon ko lang siya Nakita na nagkakaganyan.. Sa iyo pa lang.. Kaya napagtanto ko, na may gusto Siya sa iyo noon pa.."
"Talaga Po..?"
"Oo Naman.. Akala mo ba, Hindi ko alam na tinutulungan ka Niya sa trabaho mo Dito..?"
Natahimik na Naman ako.
"Ahh.. eh, sorry Po.."
Napangiti ito. At pinatong Ang kamay nito sa balikat ko.
"Huwag ka humingi Ng paumanhin sa akin. Okay lang sa akin. Masaya Naman ako at kahit papano ay may ipinagbago Ang pamangkin ko. Iyon Nga lang, may ipapayo lang ako.."
"Ano Po iyon.."
Nakita ko Ang pag-aalalang sa mukha nito. Kaya Nagtaka at napaisip ako. Anong meron?
"Wala pa akong nalalaman na nagkaroon Ng babae o nobya Ang pamangkin ko. Ikaw pa lang Ang nililigawan niya. Kaya sana, huwag mo siyang pahirapan."
Hinawakan ni Aling Maria Ang mga kamay ko. Bigla akong naguluhan. Ang tiyahin ni Clifford, nasa harap ko at nakikipag-usap sa akin.
"Tinutulungan ba nito Ang pamangkin..?"
"Alam Kong may gusto ka din sa kanya, Glenda. Kilala kita.. Mabait Kang Bata. Maaasahan na Rin. May tiwala ako sa'yo.. Kaya Hindi ako tututol sa Inyong dalawa. Iyon Nga lang, tanggapin mo Siya.. Mas gusto kaya kita kesa sa iba diyan.."
Feeling relieved. Nasiyahan ako.
"Naku.. Nakakahiya Naman Po, Aling Maria.."
"Huwag Kang mahiya sa akin.. Isa na Lang Ang Tanong ko sa'yo.."
"Ano Po Yun..?"
Tiningnan niya Muna ako diretso sa mga mata Bago nagsalita.
"Tapatin mo ako, mahal mo ba Ang pamangkin ko..?"
Di ako nakatinag. Sa ganoong klaseng tanong. Ngayon ko lang Nakita na nagkaganun si Aling Maria. Nanatiling Tikom Ang bibig ko.
"Okay lang. Kung Hindi mo pa Yan masagot sa ngayon. Ang akin lang, bigyan mo Ng tsansa si Clifford..."
Tumayo at naglakad na ito palabas Ng karenderya.
Napalunok ako. Di ako makapaniwala sa mga narinig ko galing Kay Aling Maria. Hindi Siya against sa panliligaw ni Clifford sa akin. Mas gusto Niya daw ako kesa sa iba. Napahawak ako dun sa gilid Ng mesa. Nananatili pa ring nakatayo.
Humugot Muna ako Ng Isang malalim Ng paghinga. Bago binalikan Ang mga hugasin.
Kakababa ko lang Ng motorsiklo nang lapitan ako ni Marcus.
"Ford..."
Tawag nito sa akin. Binalingan ko Siya.
"O, Marcus.. Bakit..?"
"Pwede ba tayo mag-usap..?"
Kumunot Ang noo ko. Himala. Kakausapin ako Ng taong to. Ano Naman kaya Ang dahilan nito?
"Pwede Naman.."
Naupo ako sa motorsiklo habang ito ay nakatayo. Nakaharap ako sa karenderya. Kaya, tanaw ko si Glenda sa loob, nakayuko habang may ginagawa. Tila naghuhugas ito base sa bahagi Ng karenderya kung saan ito nakapwesto. Ang lababo.
Isa pang sulyap Bago ko hinarap si Marcus.
"Tungkol saan ang pag-uusapan natin..?"
Humalukipkip ito. Ako Naman ay isinilid sa bulsa Ang mga kamay.
"Kay Glenda.."
Sa narinig ay bigla umayos Ang upo ko.
"Anong tungkol Kay Glenda..?"
"Totoo bang nililigawan mo Siya..?"
"Eh, ano Naman kung nililigawan ko Siya..?"
"Kaya pala binasted Niya ako agad.."
"Desisyon Niya Yun.. Wala akong magagawa.."
"Wala Kang ibang sinabi sa kanya..?"
"Ano Naman Ang sasabihin ko..?"
"Hindi mo ba ko sinisiraan sa kanya..?"
"Marcus, bakit ko Naman gagawin iyon..?"
"Hindi Niya tinanggap Ang panliligaw ko, pero nagpapaligaw Siya sa'yo.."
"Labas na ako diyan, Marcus. Hindi ko hawak Ang isip ni Glenda.. Siya na lang Ang tanungin mo kung bakit binasted ka Niya.."
"Hindi niya ako kinakausap.. Kaya, papano ko Siya matanong..?"
"Ewan ko sa'yo.. Wala akong magagawa.."
Natahimik ito. Pagkuwa'y tumikhim.
"Ah, Basta.. Di ako titigil sa paglapit sa kanya.."
Kalmado lang ako. Hindi ako nagpakita Ng pagkabahala. Alam ko na Rin Naman Ang dahilan ni Glenda kung bakit ayaw Niya Kay Marcus.
"Kung Yan Ang gusto mo.. Eh, di, manligaw ka din sa kanya.. "
"Oo Naman.."
"Tingnan natin kung sino Ang pipiliin Niya sa ating dalawa.."
"Tiyak na ako Yun, Clifford.. At pag nangyari iyon, ayokong Makita na lumalapit ka pa sa kanya.. Makakatikim ka sa akin.."
Matapang na Saad nito. Binabantaan pa ako.
"Sige... tingnan natin.."
Hindi ako nagpatinag. Tumalikod na ito at naglakad palayo. Nagkibit balikat lang ako. Sukbit Ang bag, tinungo ko Ang kinaroroonan ni Glenda. Sa ngayon ay nakaupo ito, kaharap Ang mga cellophane na nilalagay sa lagayan sa mesa. Bahagyang nakayuko ito at abala sa ginagawa kaya di Niya ako napansin.
Bumuntong-hininga Muna ako Bago pumasok. Tumikhim ako. Napaangat ito Ng ulo. At napangiti Ng Makita ako.
"Kamusta...?"
"Heto, okay lang.."
Naupo ako sa upuan kaharap nito.
"Mukhang pagod ah.."
"Hmmm.. medyo.. "
"Marami bang kostumer kanina..?"
"Oo.. Alam mo Naman na releasing ngayon Ng pension Ng mga matatanda.. kaya, maraming tao.."
"Siyanga..?"
Tumango ito. Napansin ko Ang ilang hibla Ng buhok nito na nalaglag at tumabing sa mukha. Iniunat ko Ang kamay at hinawi Ng daliri Ang mga hibla na Yun. Pagkuwa'y inipit sa likod Ng tainga nito.
Nabigla ito sa inakto ko ngunit di man lang gumalaw. Tumingin sa akin pero di man lang nagsalita. Nagkatitigan lang kami sandali. Agad namang binawi nito Ang tingin at bumalik sa ginagawa.
Ako Naman ay prenteng naupo na lang sa upuan. Habang pinapanood Siya sa ginagawa nito.
Dumaan Ang ilang minutong katahimikan. Kaya, naisip Kong kausapin na lang Siya.
"Ahmm.. Glen..?"
"ohh.."
Sagot nito habang abala pa Rin sa ginagawa.
"Ihahatid kita Mamaya..."
Noon Niya ako tiningnan.
"Okay..."
Muling ibinalik Ang pansin sa inaayos nito.
"Glen.."
"Hhmmm...?"
"Lalo Kang gumaganda.."
Tumawa ito. Nakitawa na Rin ako.
"Oh.. Bakit ka tumawa..?"
Nilagay nito Ang kamay sa bibig. Para bang pinipigilan nito Ang matawa ulit.
"Oyy... Anong nakakatawa..?"
"Nakakatawa ka Kasi, eh..."
"Bakit nga...?"
"Sa sinabi mo.."
"Wala Namang masama sa sinabi ko ah..."
"Sinabi mo na gumaganda ako..."
"Ohhh.. eh, ano Ang nakakatawa doon..?"
"Nakakatawa lang Kasi.. Bakit mo Naman sinabi iyon..? Bakit, nung una mo akong Nakita, pangit ba ako..?"
At agad nitong iniba Ang itsura. Pinapangit nito. Ako Naman Ang napatawa.
"Ikaw talaga... Hindi ka pangit ah.. Ganda mo nga eh.."
"Weeehhh.. Totoo...?"
"Totoo... "
"Walang halong biro...?"
Umiling-iling ako.
"Wala...."
"Sigurado...?"
"Peksman..."
At nagtawanan kami. Magaan talaga pakiramdam ko sa kanya. Nahuhulog na nga Ang loob ko eh. Sarap sa tainga mga tawa nito. Lalo akong naiinlove.
Masaya kaming nagkukwentuhan nang dumating Ang tiyahin ko, si Aling Maria. Pagkakita ay agad akong tumayo at nilapitan ito. Nagmano.. Saka bumalik din sa kinauupuan ko. Kinamusta lang ako. At hinayaan na kaming mag-usap ni Glenda. Tutal, tapos na Ang trabaho Niya at iyong cellophane na lang Ang inaayos Niya, tinulungan ko na lang Siya upang mapadali. Patapos na kami sa ginagawa nang mag-aya Ang tiyahin na umuwi.
"Ahhh.. sige Po, Tiyang.. Mauna na Po kayo.. Ako na lang maghahatid kay Glenda..."
"Sinabi mo Yan ha.."
"Opo..."
"Oh, Siya.. Mauna na kami.. At kayo, diretso uwi.."
"Opo..."
Sumakay na ito Ng tricycle na maghahatid Dito pauwi.
"Mag-ingat kayo.."
"Salamat Po, Tiyang.. Kayo din.."
Sinundan ko Muna Ng tanaw Ang tricycle lulan Ang tiyahin. Nang Hindi na Makita ay bumalik ako sa loob Ng karenderya. Tama ding naghahanda na si Glenda sa pag-uwi. Bitbit Ang bag at Ang gamit nito, tinungo na namin Ang kinapaparadahan Ng motorsiklo. Hinatid ko na Siya sa kanila. Bago diretsong umuwi Ng bahay.