Ilang mga buwan na Ang makalipas, patuloy pa Rin sa panliligaw si Clifford sa akin. Pero si Marcus ay tumigil na, pagkat nakakita na Naman ito Ng babaeng magugustuhan. Babaero nga talaga.
Ngunit si Clifford ay nanatili pa Rin. Sa pagdaan Ng mga Araw, unti-unti ko siyang nakilala. Nalaman ko Ang lahat tungkol sa kanya. Lahat sinabi Niya sa akin, walang itinago. Nakilala na Rin Siya Ng mga magulang ko. Okay Naman sa kanila na manligaw siya sa akin. Ang bilin lang ni Papa, sa Bahay kami mag-usap at huwag sa gilid Ng Daan. Sinusunod Naman namin. Hinahayaan lang kami na mag-usap Basta sa magandang paraan lang. Nakasuporta lang Sila.
Minsan ay natanong ako ni Clifford kung kailan ko Siya sasagutin. Hindi ko nasagot Ang Tanong na iyon. Nagdadalawang-isip pa ako. Pero Ayun sa kanya ay okay lang, di Naman daw Siya nagmamadali. At handa siyang maghintay para sa akin.
Day-off ko Ng Araw na iyon. Nakapangalumbaba sa bintana, naalala kung tingnan Ang kalendaryo. Tumayo ako at tinungo Ang kalendaryo na nakasabit sa dingding sa Sala.
"Disyembre na pala... Malapit na magpasko.."
Di ko alintana Ang pagdaan Ng mga Araw. Naging abala ako sa pagtatrabaho sa karenderya.
"Matagal na pala nanliligaw si Clifford sa akin.."
Bumalik ako sa kwarto at umupo sa gilid Ng kama. Sa ilalim Ng lamesita sa gilid niyon, naroon Ang Isang kahon. Matagal na Hindi ko iyon binigyang pansin. Dahil Wala namang magawa, inayos ko Ang mga nakasalansan sa ilalim Ng lamesita. Pagkatapos ay kinuha Ang nag-iisang kahon doon at ipinatong sa ibabaw Ng lamesita.
Nag-aatubili pa akong buksan iyon. Matapos Ang ilang sandali, unti-unti Kong binuksan iyon. Inisa-isang nilabas Ang mga laman niyon. Mga sulat, love letters, mga tuyong bulaklak. Hanggang sa iisang piraso Ng larawan na lang Ang natira. Sumikdo Ang puso ko. Habang iniaangat Ang litrato, ay pinapakiramdaman ko Ang sarili. Naroon pa Rin Ang lungkot, sakit, at pighati sa pagkawala nito pero hindi na gaanong katindi katulad Ng dati.
"Eugene..."
Inilapag ko Ang litrato sa lamesita.
"Ito na ba Ang panahon na palalayain na kita..? Pakakawalan na kita.. Panahon na ba para bigyan ko Naman Ang sarili ko na lumigaya ulit.."
Dinala ko sa dibdib Ang litrato Niya.
"Naging bahagi ka Ng nakaraan ko. Malaki Ang naging puwang sa puso ko nang mawala ka.. At ang pangyayaring iyon Ang pumipigil sa akin para tuluyang magmahal ulit. Andito pa Rin sa puso ko Ang takot.. Takot na muling masaktan at maiwan.. Tulad Ng ginawa mo.."
Minsan pang tumulo Ang luha ko. Suminghot ako. At pinunasan Ang luha sa aking pisngi.
"Eugene, trauma Ang naging hatid Ng pangyayaring iyon sa akin. Trauma sa tinatawag na pag-ibig. Hindi ko alam kung ano Ang gagawin ko, sakaling mangyari ulit iyon. Sana bigyan ako Ng sapat na lakas na kakayanin lahat.."
Muli Kong inilapag Ang litrato sa lamesita.
"Matagal mo na ako iniwan. Matagal akong nagluksa. Matagal akong nanahimik. Alam Kong Masaya ka na kung saan ka man ngayon naroroon. Pero pwede ba, kahit sa huling pagkakataon, magparamdam ka sa akin. Kung payag ka na bang buksan ko ulit itong puso ko.."
Muli Kong pinunasan ang dumaloy na luha.
"Mahal ko si Clifford.. Gusto ko na siyang tanggapin. Pero papano ko Siya matatanggap Ng buo.. Kung hinihila ako pabalik sa nakaraan ko..? Kung Hindi pa ako sigurado kung Tama bang Malaya na talaga ako sa nakaraan ko.. Ayokong magpaasa Ng tao, mas lalong akong mangloko. Pero napaka ayaw Kong lokohin Ang sarili ko. Itong puso ko... Naguguluhan ako.. Ano ba Ang dapat Kong gawin..? Tulungan mo ako.."
Muli Kong ibinalik sa loob Ng kahon Ang mga laman niyon. Pinakahuli Ang litrato ni Eugene. Pinakatitigan iyon Ng ilang sandali Bago ibinalik sa loob Ng kahon. At kapagkuwa'y binalot Ang kahon.
Noon ko naramdaman Ang pagdampi Ng malamig na hangin sa aking balat, na animo'y niyakap ako niyon. Sunod ay nasamyo ko Ang mabangong bulaklak na humahalimuyak sa paligid.
Muling naglandasan Ang mga butil Ng luha sa aking pisngi. Tila ba nag-uunahan sa pag-abot Ng lupa. Ipinikit ko Ang mga mata. Ninamnam Ang lamig Ng hangin sa paligid. At kinuha Ang kahon sa lamesita, niyakap iyon Ng mahigpit na mahigpit.
"Eugene.. Ito na ba ang inihahayag mo sa akin..?"
Muling umihip Ang hangin.
"Pinapayagan mo na ako..? pinapalaya mo na ako..?"
Naramdaman ko Ang mabining dampi Ng malamig na hangin sa aking pisngi. Nanatili pa ring nakapikit Ang aking mga mata. Pinapakiramdaman Ang hangin. Ang pagdampi nito na tila ba nakikipag-usap sa akin.
"Maraming salamat.."
Iyon lang at nawala na Ang halimuyak Ng bulaklak sa paligid. Bigla akong napaupo. Yakap pa Rin Ang kahon. Bumuo ako Ng pasya.
Pinunasan Ang mga luha, agad akong tumayo. Lumabas Ng kwarto at nagtungo sa likod-bahay. Bitbit Ang palakol, naghanap ako Ng Lugar na paglilibingan Ng kahon. Matapos mailibing Ang kahon, nanatili pa ako Ng ilang sandali Muna doon.
"Maraming salamat, Eugene.. Ibabaon na kita at Ang ating nakaraan. Gayunpaman, hindi kita makakalimutan. Bahagi ka na lang Ng aking ala-ala kahapon, at magiging inspirasyon kahit papano sa kasalukuyan, at pwede ding gawin na halimbawa kinabukasan. Halimbawa Ang pag-ibig mo sa akin, pagiging tapat Hanggang sa kahuli-hulihan. Maraming salamat, sa iyong pagmamahal.."
At lumayo na ako sa Lugar na iyon.
Nag-ayos ako. Plano Kong pumunta Ng simbahan. Magsisimba ako. At hihingi ng sign. Kung mapapabigyan ba ako sa aking kahilingan. Kahit Isang sign lang, para Malaman ko o masiguro, na Siya na talaga Ang para sa akin.
" Siya na nga ba talaga..?"
Naroon na ako nakaupo sa Isa sa mga mahabang upuan sa loob Ng simbahan. Nakatingin sa taas, nakikipag-usap sa Diyos. Na ipakita Ang kahit Isang sign na hinihingi ko.
"Lord, kapag dumating Siya, naka suot Ng puting t-shirt o pantalon... Kapag may dala siyang kulay pula na Rosas.. Kapag pumasok Siya Dito sa loob Ng simbahan Ng walang pag-aalinlangan.. Masasabi ko pong 'siya na nga talaga' Ang para sa akin. At hindi ko na Po Siya pakakawalan kahit Anong mangyari."
Magkaiba kami ng relihiyon. At Hindi ko pinaalam Ang lahat Ng sign na hinihingi ko Kay Clifford. Basta inaya ko lang siya magsimba sa gabing iyon. Simbang Gabi.
Inilibot ko Ang paningin sa paligid. Maraming tao. Noon tumunog Ang cellphone ko. May natanggap akong mensahe. Mula Kay Clifford. Ipinaalam niyang nasa labas na Siya Ng Simbahan. Agad akong tumayo at hinanap Siya. Paglabas ko, tinungo ko Ang direksiyon na sinabi niya. Pagkakita sa kanya, napasinghap ako. Hindi Muna ako lumapit sa kanya. Pinagmasdan ko lang siya Mula sa kinatatayuan ko. Para akong maiiyak na Hindi ko mawari kung ano Ang gagawin.
Hayun Siya, nakatayo. Nakasuot Ng puting polo at puting pantalon. May hawak na Isang pulang malaking Rosas Ang kanang kamay. Tumingala ako sa langit.
"Lord, kahit Isang sign lang Ang hiningi ko. Bakit lahat ipinakita mo..?"
Noon tumulo Ang luha ko. Muling tumunog Ang cellphone ko. Nagtatanong Siya kung saan na ba ako?
Agad Kong pinunasan Ang mga luha. Kinalma Ang sarili. At nagkunwaring walang nangyari na nilapitan Siya. Ang tamis Ng ngiti nito. Sobrang saya ko din. Dahil nasagot lahat Ng hiling ko.
Pagkakita sa akin ay naglakad din ito palapit sa akin. Sinalubong ako. At iniabot Ang Rosas na nasa kamay nito.
"Para pala sa'yo..."
Nasisiyahan Kong tinanggap iyon.
"Salamat.."
Pinagmasdan ko Siya Mula ulo Hanggang paa. Namangha talaga ako.
"Ang guwapo mo Naman..."
"Siyempre.. Para sa'yo.."
Naks... Kinilig ako dun ah. Ako na Ang kusang humawak sa kamay Niya. At inaya Siya papasok sa loob Ng simbahan. Magkahawak-kamay din kaming naupo. Magkatabi kami. Hanggang sa matapos Ang Misa ay Hindi Niya binitiwan Ang kamay ko. Ipinikit ko Ang mga mata.
"Lord.. Maraming salamat.. Sa pagbibigay sa akin ng tamang tao na hinihingi ko. Natitiyak ko pong pagbubutihin ko Ang pagsasama namin. At mas Lalo ko pa Po siyang mamahalin.."
Naramdaman ko Ang paghigpit Ng hawak nito sa kamay ko. Pagmulat Ng mata, inilibot ko iyon sa buong simbahan. Nagsisitayuan na Ang mga tao. Nanatili lang kami nakaupo. Nanatili kami sa ganoon Ng ilang sandali. Nang kunti na lang Ang mga tao na naroon, hinarap ko Siya. Pinakatinitigan.
Bumuntong hininga Muna ako Bago nagsalita.
"Ford..."
Nakatitig lang Siya sa akin.
"Hmmm...?"
"May gusto sana akong sabihin..."
"Ano Yun..?"
Kinakabahan ako. Pero kailangan sabihin. Ipinikit ko Ang mata.
"Oo.."
"Haa..? Anong oo..?"
Iminulat ko Ang mga mata. Nakita kong nakakunot Ang noo nito.
"Sabi ko, oo.. Oo .!! Sinasagot na kita..."
Lumiwanag Ang mukha nito.
"Talaga..?"
Tumango ako.
"Di ba, ito Ang tinatanong mo sa akin..?"
"Ibig mong Sabihin...?"
"Oo na.. sa'yo na ako..."
Di ko din maipaliwanag Ang nararamdaman ko. Halo-halong emosyon. Pagkarinig niyon ay niyakap Niya ako. Mahigpit na yakap. Niyakap ko Rin Siya.
Sobrang saya ko talaga. At ramdam ko Rin Ang saya ni Clifford. Parang ayaw ako bitawan sa pagkakayakap Niya sa akin. Kaya hinayaan ko na lang Muna. Dama ko din Ang lakas Ng pagtibok Ng puso nito. Ganoon din Ang t***k na puso ko, mabilis.
"Clifford...."
Mas humigpit Ang yakap nito sa akin.
"Sobrang saya ko talaga.. Di ko akalain na sasagutin mo na ako.."
"Di ko Naman Kasi gustong palawigin pa eh..."
"Basta.. Mahal na mahal na mahal talaga kita.."
"Love you too..."
Kumalas na ito sa pagkakayakap. At ikinulong Ng dalawang palad nito Ang mukha ko. Pinakatinitigan Ng maigi. Parang pinag-aaralan bawat detalye. Mula sa mga mata, Hanggang sa labi ko. Kumibot-kibot Ang labi Nito.
"Pwede ba...?"
Sabi nito na hindi nilalayo Ang paningin sa mga labi ko. Tumango lang ako.
Ngumiti ito. At nilapit Ang mukha niya sa mukha ko.
"Di talaga ako makapaniwala na magagawa ko ito.."
Pagkasabi ay agad niyang dinampian Ng mabilis na halik Ang labi ko. Smack lang. At niyakap muli ako.
"Promise.. Di kita paiiyakin.."
"Panghahawakan ko Yan ha..."
"Oo... makakaasa ka.. Love you.."
Napangiti ako sa tinuran nito.Ngayon, natitiyak ko na, Siya na talaga Ang para sa akin.