Di ko maipaliwanag Ang nararamdaman. Gusto Kong tumalon at magsisigaw sa tuwa. Sa wakas, ay nakuha ko na Ang matamis na 'oo' ni Glenda. Ni sa hinagap ay di ko inakala na ngayon Niya ako sasagutin. Matagal Kong hinintay Ang pagkakataong ito. Sobrang saya ko talaga.
Mula sa simbahan ay nagtungo kami sa oval plaza. HHWW kaming dalawa. Holding hands while walking. Hindi ko na binitiwan Ang kamay nito. Maraming tao sa paligid. Ganito Ang tagpo Dito sa plaza tuwing Gabi. Maraming gumagala. Nagkalat Ang mga tindahan Ng mga paninda, mga pagkain, at marami pang iba. May perya din. Pero mas pinili Muna namin sa plaza tumambay. Iyon Ang pinaka unang date namin bilang magkasintahan.
Nakikita ko sa mga mata ni Glenda Ang kasiyahan.
"Glen..."
"Ohhh...?"
"May gusto ka bang kainin..?"
Luminga-linga ito.
"Di ko alam eh.. Andami kasing mapagpipilian.. Ikaw, ano bang gusto mo..?"
Baling nito sa akin. Luminga-linga din ako. Inilibot Ang paningin sa paligid, maghahanap Ng pwedeng makain.
"Oy.. Doon o..."
Sabay turo sa nakitang stall. Sinundan niya Ng tanaw Ang tinuturo ko.
"Pwede.. mukhang masarap Naman mga pagkain nila.."
"Tara..?"
"Sige..."
Nauna akong tumayo Saka inalalayan ko siya sa pagtayo. Hawak Ang kamay, sabay namin tinungo Ang tindahan.
Pumili kami Ng makakain. At nang makapag order ay umupo kami sa nakalaang upuan at mesa para sa mga kostumer. Magkaharap kami.
Sa Dami Ng mga pwedeng pagmasdan na tanawin sa paligid, mukha lang talaga ni Glenda Ang pinagmamasdan ko. at Hinding hindi ako magsasawa na pagmasdan Siya lagi. Noon Niya napansin Ang pagtitig ko.
"Ford...?"
Kumurap ako.
"Hhmmm..?"
"May dumi ba sa mukha ko..?"
Umiling ako.
"Wala Naman.."
"Bakit ganyan ka makatitig..?"
"Lalo Kang gumaganda.."
Napangiti lang ito.
"Weeehh.. dati na akong maganda.."
"Kaya nga.. Mas Lalo Kang gumaganda.. Kumikislap-kislap pa nga eh.."
Napatawa ito..
"Heehh.. nambobola ka na Naman.."
"Hindi ah.. Nagsasabi ako Ng totoo.."
Lumabi ito at humaba Ang nguso.
"Talaga..?"
"Oo Naman.."
Humalukipkip ito.
"Kumikislap -kislap... Mata mo.!. Gutom lang Yan..."
Napatawa ako.
"Bakit...?
"Wala... Sarap mong tingnan kapag nagkakaganyan ka.."
"Heeehh..!"
Nagsuplada na ito. Nakakawili talagang pagmasdan. Ang cute..
"Kapag naggaganyan ka..."
"Ano...?"
"Sarap mong halikan.."
Nanlaki Ang mga mata nito. At namula Ang pisngi. Kitang-kita Ang pag-blush nito. Natahimik na at di makapagsalita, kaya hinawakan ko na lang Ang mga kamay nito na nakapatong sa mesa.
"Wag ka na magganyan..."
"Eh, wag mo din akong biruin.."
"Hindi Naman ako nagbibiro eh.."
Natahimik muli ito. Hanggang sa dumating na Ang mga inorder namin.
Kakababa lang namin Ng motorsiklo nang magbukas Ang pinto Ng bahay nila Glenda. Lumabas Ang Papa Niya. At pinagbuksan kami Ng tarangkahan.
"Pa..."
"Magandang Gabi Po..."
Bati ko sabay Mano. Tumango lang ito.
"Buti Naman at dumating na kayo... pumasok ka Muna, iho.."
"Opo... Salamat Po.."
Pagkapasok sa pinto ay inaya Niya akong maupo. Naroon na Ang Mama ni Glenda, nakaupo at naghihintay sa Amin.
"Maupo ka, iho. "
"Salamat Po..."
Matapos makapag Mano Dito ay naupo na Rin ako.
"Mukhang ginabi na kayo.."
Ang papa Niya Ang nagsatinig.
"Ahhhmmm.. Pa, nagsimba pa Po kami. Tapos ay gumala Muna sa plaza.."
Sagot ni Glenda.
"Ahh.. Tito, sorry Po kung ginabi kami. Naihatid ko Naman Ng ligtas si Glenda.."
"Okay lang iyon, iho.. "
Sabat Ng Mama nito.
"Salamat Po, Tita.."
Tumayo si Glenda.
"Magbibihis lang Po muna ako, Ma, Pa."
Tumango Ang mga magulang nito. Tumango din ako bilang sagot. Nang nakaalis na si Glenda ay kinuha Ng Papa nito Ang pansin ko.
"Ford..."
"Po..?"
" May namamagitan na ba sa Inyo Ng anak ko..?"
Nabigla ako. Di makapagsalita.
"Ahh.. Tito, kuwan Po..."
Sheeesh... Di ko alam Ang isasagot. Nakagat ko Ang ibabang labi.
Dumaan Ang katahimikan. At bumalik si Glenda. Nakabihis na ito Ng pambahay.
"Ma, pa..."
Untag nito sa mga magulang Bago naupo sa tabi ko.
"May ipagtatapat Po sana kami sa Inyo.."
Sabi nito habang palipat-lipat Ang tingin sa mga magulang. Ramdam ko Ang kaba nito. Kaya, hinawakan ko Ang kamay niya. Tumutok Ang mata Ng Papa Niya sa mga kamay namin.
"Anak, Sabihin mo..."
Naisatinig Ng mama nito.
"Kami na Po ni Clifford..."
Pinagmasdan ko Ang mga mukha nila. Ni hindi ko man lang Sila nakitaan Ng pagkabigla. Napaka sersoyo Ng mga ito. Kaya kinabahan ako bigla. Nagpigil Ng hininga at hinintay Ang reaksiyon Ng mga ito. Ganoon din si Glenda, di nagalaw sa pagkakaupo habang inaantay Ang masasabi Ng mga magulang.
Kapagkuwa'y nagkatinginan Ang dalawa. At bigla na lang...
"Oh, panalo ako..!! Sabi ko sa'yo eh.."
Biglang sabi Ng Mama nito Saka hinampas Ang braso Ng asawa.
Nagkatinginan kaming dalawa, parehong nagtatanong Ang mga mata. Saka ibinalik Ang tingin sa mag-asawa.
Nakita Kong napakamot sa ulo Ang Papa ni Glenda.
"Hay naku... Talo na Naman ako.."
Kita sa mukha nito Ang pagkalugi, samantalang tuwang-tuwa Naman Ang Mama nito.
"Ahh.. Ma,.. Pa.. Anong ibig Niyo pong sabihin..?"
Alam Kong pareho kaming nalilito ni Glenda. Di alam kung ano Ang nangyayari.
"Naku, anak.. Itong Papa mo.. "
Panimula Ng Mama nito. Naupo kami Ng maayos upang makinig.
"Hinamon ba Naman ako Ng pustahan..."
"Na ano Po..?"
"Ang Sabi Niya sa akin, kung mananalo Siya, bibilhan ko Siya Ng pantalong maong. Iyong Nakita namin sa mall nung nagdaang Araw..."
"Tapos Po...?"
"Kung ako Ang mananalo, Magpapa-salon ako..."
"Bakit, Ma... Ano ba pinagpustahan Niyo..?"
Tumingin Muna ito sa asawa Bago sumagot.
"Kayong dalawa..."
Biglang kumunot Ang noo ni Glenda. Tumingin sa akin Bago binalingan Ang Ina.
"Anong kaming dalawa...?"
"Tungkol sa Inyong dalawa.. Yung sa papa mo, Hindi magiging kayo ni Ford.. Samantalang Yung sa akin, ay sasagutin mo Siya.."
"Haaa...?"
Nabigla kami dun ha. Mukhang kami pa ang nabigla at nalito sa reaksiyon Ng mga ito.
"Eh, Ma..Pa.. Bakit ganun...?"
"Eh, anak. Naghihintay lang Naman kami na magtapat kayo.. At ngayon, Ayan... Nangyari na.."
"Ahhh.. Tita..."
Salag ko.
"Hindi Po ba kayo magagalit..?"
"At bakit Naman, iho..? Masaya Nga kami eh, na sa wakas ay, nakahanap na rin Ng taong mamahalin tong anak namin.."
"Ganun po ba..?"
Grabe. Kinabahan na ako kanina. Pero ngayon, nasisiyahan na ako. Tumikhim Ang Papa nito at tumayo. Nagtungo sa kusina.
"Ahh.. iho.. Sundan mo.."
"Sige Po.."
Agad akong tumayo at iniwan Ang mag-ina. Sinundan ko Ang Papa ni Glenda. Pagkapasok sa kusina, nakaupo na ito sa Isang silya roon. Naupo na Rin ako sa tabi nito.
"Tito...."
"Iho..."
Naghintay ako sa sasabihin nito.
"Mahal ko Ang anak ko.."
Nakinig lang ako.
"Ayokong muling Makita Ang pag-iyak niya.."
Nagulat ako. At napaisip.
"Anong ibig mo pong sabihin, Tito...?"
Nalungkot Ang mukha nito.
"Masyadong nasaktan si Glenda sa naunang pag-ibig niya. Matagal na panahon Bago Siya nakabawi. Nang mga panahong iyon, Hindi namin alam Ng Mama Niya kung ano Ang gagawin. Nasasaktan kami sa bawat gabing nakikita namin Ang pag-iyak niya. Saksi kami sa pagtangis Niya sa unang kabiguan Niya. Kilala ko Ang anak ko. Mapagmahal. Bigay Todo kung magmahal. Nagmamahal Siya higit sa sarili Niya. Mabait din Ang anak ko. Kinakaya niyang tiisin Ang lahat Ng sakit na iniinda, maitago lang sa Amin Ang sitwasyon Niya. Pero Ang makita Ang pag breakdown Niya noon, kaming mga magulang niya ay mas nasasaktan. at naaawa sa kanya. Lahat ginawa namin para malibang Siya nang mga panahong iyon. Ngayon, nakikita namin na Masaya na Siya. Muling nanumbalik Ang dating Glenda. Ang aura Ng dating anak ko noong Hindi pa Siya nabigo..."
Mahabang litanya nito. Bahagyang yumuko. at muling inangat Ang ulo.
"Ngayon, nakikita namin na Masaya Siya. At sinusuportahan namin Ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya.."
Hinarap Niya ako at pinatong Ang kamay sa balikat ko.
"Bilang ama, Hindi ako magiging hadlang sa ikaliligaya Ng anak ko. Nasa Inyo Ang suporta namin. Ang akin lang, sana, wag mong paiiyakin at sasaktan Ang anak ko.. Mahalin at alagaan mo Siya, Clifford... Makakaasa ba kami...?"
Natahimik ako panandali. Kapagkuwa'y hinawakan Ang kamay nitong nakapatong sa balikat ko, at lakas loob na pinakita Ang tapang at pagiging matigas na lalaki.
"Makakaasa Po kayo.., Tito.. Hinding-hindi ko Po sasaktan si Glenda.. Mahal na mahal ko Po Siya.. at mas Lalo pang mamahalin.."
Tinapik-tapik Niya Ang balikat ko.
"Aasahan ko Yan, iho.."
"Opo... Maraming salamat po.."
"Nasa likod Niyo kami.. At kung anuman Ang magiging desisyon Niyo sa mga susunod na mga Araw, ipaalam Niyo lang sa Amin.."
"Opo..."
"Basta, panghahawakan ko Ang sinabi mo sa akin..."
"Opo, Tito.. "
"Sige na.. Pwede ka Ng bumalik doon..."
Muli akong nagpasalamat sa ama ni Glenda Bago tumayo at binalikan Ang mag-ina sa sala. Ang kaninang kaba sa dibdib ay nawala. Napalitan Ng saya. Naging kampante ako. Pagkakita sa akin, agad tumayo Ang Ina nito.
"Iho, maiwan ko na kayo. Glenda, Ikaw na bahala sa kanya.."
"Salamat Po, Tita.."
Pagdaan sa tabi ko ay tinapik lang nito Ang balikat ko at pinuntahan na Ang asawa sa kusina. Naupo na lang din ako sa tabi ni Glenda. Agad hinawakan Ang kamay nito.
"Ano bang pinag-usapan Niyo ni Papa..?"
Tanong Niya sa akin.
"Wala Naman.. Usapang lalaki iyon eh.."
"Ayyy.. Ahay..."
Binabawi nito Ang kamay pero hinihigpitan ko Ang paghawak para di Niya maalis. May mga katanungan sa isip ko na gusto Kong itanong sa kanya, pero nagpigil ako. Hihintayin ko na lang na Siya mismo Ang kusang magsasabi sa akin.
Sa ngayon, susulitin ko Muna Ang pagkakataong ito. Binitiwan ko Ang kamay Niya at inakbayan Siya. Inihilig nito Ang ulo sa balikat ko. Nakikiramdam lang kami sa isa't Isa.
"Glen..."
"Hhmmm..."
Nakaakbay ako sa kanya habang hawak-hawak pa rin Ang kamay nito. Tumalikod Siya sa akin at sumandal sa dibdib ko. Niyakap ko Siya.
"Di mo lang alam kung gaano mo ko pinasaya ngayon.."
"Talaga..?"
"Oo.. "
"Sobrang saya ko.."
"Halata Naman..."
Natawa ito. Kaya hinigpitan ko Ang yakap.
"Bakit, Ikaw, di ka ba Masaya..?"
"Napakasaya siyempre..."
"Talaga.."
"Oo Naman..."
"Weehhh.. Sige nga.. kung Masaya ka, pa-kiss..."
Natahimik ito. Tapos ay naupo at inilapit Ang pisngi sa mukha ko.
"Ohh... kiss na.."
"Sa pisngi lang..?"
"bakit, ayaw mo..?"
"Ayoko..."
"Bakit.. San mo ba gusto..?"
"sa lips.."
Bigla itong umayos Ng upo at hinarap ako. Tinampal Ang noo.
"Loko mo ah.."
Napatawa ako.
"Joke lang..."
Tumalikod na ito. Muli ko siyang niyakap. Saka Naman tumunog Ang cellphone ko. Dinukot ko iyon Mula sa bulsa at sinagot Ang tumatawag.
"Clifford..."
Si Mama.
"Po..?"
"Asan ka ba??"
"Ahh.. andito Po ako sa..."
"Umuwi ka na.. Gabing-gabi na.. Saan saan ka pa ba nagsusuot na Bata ka.. Hinahanap ka na Ng ama mo Dito.."
Agad na itong nagtalak. Ni hindi man lang ako pinatapos.
"Ah, sige Po.. Uuwi na ako.."
Agad itong nawala sa kabilang linya. Yakap-yakap ko pa Rin si Glenda. Parang ayoko pa siyang pakawalan.
"Parang ayoko umuwi..."
"Naku.. Hindi Yan pwede... Baka pagalitan ka.."
Pagkasabi ay agad itong tumayo.
"Glenda Naman.. Gusto pa kitang yakapin eh.. "
"Marami pa namang mga Araw eh.."
Napakamot na Lang ako sa ulo. Tumayo ako at sinundan ito sa pinto. Muli Kong hinawakan Ang kamay nito.
"Clifford... Magkikita pa Naman tayo bukas..."
"Okay... "
Hinalikan ko na lang Siya sa noo. At nagtungo na sa tarangkahan.
"Pakisabi Kila Tita at Tito na uwi na ako.. "
"Sige..Ingat ka sa pag-uwi..."
"Salamat... Love you..."
"Love you too.."
Matapos paandarin Ang motorsiklo ay muli ko siyang tiningnan. Nag-flying kiss pa ako Bago umalis.