Chapter 15

1456 Words
Hawak Ang labi, naalala ko Ang mabining pagdampi Ng labi Nito sa mga labi ko. Kahit mabilis lang, smack lang, bagkus ay nag-iwan ito Ng init doon na Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa. Muli ko na namang nadama Ang init na Kay tagal ko Ng Hindi nadama. Parang nakalimutan na, gayunpama'y bumabalik pa Rin sa aking balintataw. Napangiti ako. Muling bumalik sa isip ko Ang nangyari sa simbahan. Magiging Isa iyon sa magandang ala-ala na babalik-balikan ko. Muli Kong pinagmasdan Ang mukha sa salamin. Namumula-mula pa Ang pisngi. Nagba-blush pa Rin. Natuon Ang tingin ko sa aking labi, ikinibot-kibot iyon, at kinagat-kagat. At nang Wala Ng magawa ay umalis na ako sa harap Ng salamin. Tinungo Ang kama at naupo sa gilid niyon, malapit sa lamesita. Nakapatong doon Ang pulang Rosas na bigay ni Clifford. Dinampot ko iyon at inamoy-amoy. Nahiga na hawak pa Rin Ang Rosas. Kinikilig pa Rin ako. Hanggang ngayon ay di pa Rin nawawala sa isip ko Ang kaninang tagpo. Tumagilid ako. Niyakap at tinandayan Ang Isang unan. Pero meron pa ring agam-agam sa puso ko. Masaya kami ngayon. Paano na kaya sa darating na mga Araw..? May takot ding namumuo sa puso ko.. Dahil Hindi ko alam kung matatanggap ba ako Ng pamilya Niya.. Ano kaya Ang magiging bunga naming dalawa.. At Hanggang saan kami dadalhin nitong pagmamahalan namin.. Ipinikit ko na lang Ang mga mata habang patuloy sa paggana Ang kaisipan. Hanggang sa nakatulugan ko na Ang ganung pag-iisip. Marahang pagkatok sa pintuan Ang nagpabalikwas sa akin. Bahagyang nakamulat Ang mata at agad tiningnan Ang orasan na nasa dingding. Mag-aalas kuwatro pa lang ayon sa itinuturo ng mga daliri nito. Inot-inot na bumangon at pinagbuksan Ang kumatok. Si Mama, nakatayo sa pintuan at may hawak na Isang baso Ng gatas. Iniabot iyon sa akin. "Antok ka pa..?" Humikab ako. "Opo.." Tinanggap ko Ang iniabot nito. "Salamat Po Dito, Ma.." Tumango lang ito. "Maaga Po kayong nagising..?" "May pupuntahan Ang Papa mo, kasama Sila Rigor. May kukunin daw na baboy sa bukid, eh, kailangan Ng kasama, kaya Ang Papa mo Ang pinuntahan nila Dito kanina. Sa katunayan ay, kakaalis lang nila.." "Ahh.. ganun Po ba..?" "Oo.. o, Siya, inumin mo na iyan at ako'y babalik na sa kusina. May trabaho ka ngayon..?" "Opo.." Pagkaalis Ng Ina ay agad Naman akong naghanda para maligo. Bitbit Ang baso Ng gatas, ay tinungo ko Ang kusina. Karugtong Kasi niyon Ang paliguan namin. Lumagok Muna ako Ng gatas Bago ipinatong iyon sa ibabaw Ng mesa. Tinungo na Ang banyo at naligo. Paglabas ay Nakita Kong naghahanda Ng pagkain si Mama. Naglalagay ito sa baunan. "Para saan Po iyan, Ma..?" "Ahh.. ito ba..?" Turo nito sa mga baunan. "Opo..." "Dadalhin ko to Mamaya.. Alam mo Kasi, inaya ako ni Lourdes na pupunta kaming manggahan. Mangunguha Ng mga mangga doon. Eh, Wala Naman akong gagawin Dito sa Bahay, kaya pumayag na ako." "Naku, mabuti na Ang yaon, Ma.. Para malibang ka din paminsan-minsan Po.." "Oo nga eh... O, ubusin mo na Muna yang gatas Bago ka umalis. Dito ko na lang Sila hihintayin..." "Sige Po, ma..." Matapos makapagbihis ay agad Kong binalikan si Mama sa kusina. Kinuha Ang baso Ng gatas at ininom iyon. Sinaid Ang laman. Saka nagpaalam na pupuntang karenderya. Nagwawalis ako sa harap Ng karenderya nang dumating si Clifford. Ang lapad Ng pagkakangiti nito. Paglapit sa akin ay agad Niya akong niyakap. "O..ooyy.. oy.. Baka may Makakita sa atin.." "Wala Naman siguro ahh..." Agad Naman itong kumalas. "Na miss lang kita eh.." "Miss agad..? Kagabi lang tayo nagkahiwalay ah.." "Gusto ko kasing Makita ka palagi.." "Asuuss.. Corny.." Tumawa lang ito. Kinuha Ang walis sa kamay ko. "Ako na magwawalis..." "Sure..?" "Uhh..huh..!" "Sige.. Sabi mo eh.." Tinalikuran ko na Siya at pumasok sa loob Ng karenderya. Naisip Kong magpakulo na lang Ng tubig. Tiyak, Hindi pa ito nagkakape tulad Ng nakagawian. Dun na sa karenderya ito umiinom. Patapos na ito sa pagdadakot Ng mga basura nang tawagin ko. "Clifford...!" Bumaling ito sa akin. Nag muwestra ako na parang umiinom. Nakuha Naman nito Ang ibig Kong sabihin. "Sige.. Tatapusin ko lang to.." Matapos maibalik sa lagayan Ang walis at dust pan, nilapitan Niya ako. "Wow ha.. Ipinagtimpla mo ako.." "Siyempre naman.. Ayaw mo..?" "Gustong-gusto ko nga eh... Salamat.." Ipinatong nito Ang tasa Ng kape sa mesa. "Pakibantay muna. May bibilhin lang ako..." "Sige..." Umalis na ito. Ako Naman ay naupo na sa mesa. Pagbalik ay may bitbit na ito. Matapos makapagkape, iniligpit ko na Ang pinag-inuman. Tinulungan Niya ako sa paghahanda sa mga lulutuin. Masaya kaming nag-uusap at nagbibiruan. Hanggang sa dumating si Aling Maria. Pagkapasok sa loob Ng karenderya, agad na nilapitan nito Ang tiyahin. Nag-usap Ang dalawa. Ipinagpatuloy ko na lang Ang ginagawa sa kusina. Natapos lang ang pagluluto ng lahat Ng putahe sa Araw na iyon, Hindi pa umaalis si Clifford. Nagtaka ako. Kaya nilapitan ko Siya. Prente itong nakaupo sa upuan at nakaharap sa kalsada. "Wala ka bang pasok ngayon..?" Dinig kong tanong ni Glenda mula sa likuran. Naroon lang ako sa karenderya. Nakaupo at nakatanaw sa labas, sa mga taong dumadaan sa gilid Ng kalsada. Gusto ko siya tulungan, dahil Wala na namang pasok. Unang Araw iyon Ng bakasyon sa buwang iyon. Kesa tumambay sa bahay, mas pinili ko na lang tumulong sa karenderya. Mapapagaan ko pa Ang trabaho ni Glenda. Ayos na iyon sa tiyahin ko. Kaya ko Siya kinausap dahil pinaalam ko sa kanya ang plano ko at pumayag naman ito. Di ako naglihim. Sinabi ko sa kanya Ang totoo.. Na kami na ni Glenda. Masaya Nga ito para sa amin. Pero hindi pa alam ni Glenda na nagtapat na ako Kay Tiya Maria. Sapagkat ayokong mamali ito Ng pagkakaintindi kaya inunahan ko na. Pinatong ni Glenda Ang kamay sa balikat ko kaya hinawakan ko iyon at pinisil. "Ford..." "hhhmm..." "Bakit di ka pa umaalis..? Baka mahuli ka sa klase mo.." "Bakasyon na namin kaya Wala akong pasok..." "Talaga...?" Tiningala ko siya. "Oo..." "Mabuti Naman kung ganun.." "Siyempre... makakasama na kita palagi..." Hinampas Niya ako sa braso. "Asuuss... Ikaw talaga.." "Bakit.. ayaw mo ba..?" Inalis nito Ang kamay sa balikat ko. Naglakad patalikod. At nang bumalik ay may bitbit na itong isang upuan at naupo sa tabi ko. "Okay lang naman sa akin... Nagsabi ba ako na ayoko...?" "Wala.. " "Ohhh.. Yun Naman pala eh.." Inakbayan ko Siya. Pero kinuha Niya Ang kamay ko sa balikat Niya. Ayaw nitong akbayan ko Siya. "Bakit...? "Ford Naman... Andiyan Ang tiyahin mo, baka pagalitan tayo niyan eh..." "Naku.. wag mo Yan pansinan si Tiyang.." "Kahit na.. Nakakahiya eh.." "Glen.. Okay lang Yan Kay Tiyang..." "Sigurado ka..?" "Oo..." "Ah.. Basta.. Nahihiya ako eh.." "Ayaw mong akbayan kita..?" "Hindi Naman sa ganun, Clifford.. Alam mo Naman na Hindi pa ako sanay.. At saka, Bago pa lang tayo.. At nandito tayo sa karenderya.. Maraming tao sa paligid oh.. Baka kung ano masabi Ng mga iyan.." "Ganun..?" "Oo.. Pero.. okay lang naman kung tayo na lang dalawa, di ba..?" "Okay..." "Di ka Naman magagalit, di ba..?" Umiling-iling ako. "Hindi.. Bakit Naman ako magagalit..?" Umayos ako Ng upo, pinagsalikop Ang mga palad at ipinatong sa tuhod. "Wala Namang dahilan para magalit ako eh.. Akbay lang Yun.." "talaga...? Okay lang sa'yo..?" "Oo Naman..." At nilapit ko Ang bibig sa tainga niya. Binulungan Siya. "Basta ba,.. may halik lang sa gabi.." Napadiretso ito Ng upo. At biglang hinarap ako. Nanlaki Ang mata. Sabay pakita Ng nakakuyom na kamao nito. Akmang manununtok. "Aba.. Ikaw talaga..." Napahagikhik ako. Tiningnan Ang mukha nito. Nag-blush tuloy. "Di ba...?" "Heehh..!." Inirapan ako. Napatawa na lang ako sa naging reaksiyon nito. Aasarin ko pa sana Siya, nang tawagin kami ni Tiya Maria. "Halika na kayo.. Kakain na tayo.." Nagsilapit kaming dalawa sa mesa. Tumabi ito Kay Tiyang samantalang ako ay umupo kaharap nito. Matapos umusal Ng Isang panalangin ay agad na kaming Kumain. Nakakaganang Kumain Lalo na't kasabay ko ang aking mahal. Nilagyan ko Ng karagdagang kanin at ulam Ang pinggan nito. Nagkatitigan kami. "Kain ka Ng marami..." "Salamat..." Tipid at makiming sagot nito. Mukhang nahihiya pa ito. Habang kumakain ay marami kaming napag-usapan. Kakatapos lang naming magligpit ni Glenda Ng mga pinagkainan namin, nang sunod- sunod na dumating Ang mga taong bibili. "Sige... Glen.. ako na bahala Dito. Unahin mo na Muna doon.." Napangiti Muna ito Bago nilisan Ang mesa at pinuntahan Ang mga tao. Ipinagpatuloy ko na ang pagliligpit at hinugasan Ang mga pinagkainan. Pagkatapos ay hinarap ko Ang iba pang mamimilli at pinagsilbihan. Sa kabuuan, naging maganda Ang kinalabasan Ng Araw na iyon sa Amin. Hanggang pagsapit Ng dapit-hapon. Marami pa ring tao Ang bumibili. Matapos maihatid si Glenda sa kanilang Bahay ay agad din akong umuwi. Ewan ko ba kung Anong mayroon doon at Pina pauwi ako agad ni Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD