Panibagong Araw na Naman. Maganda ang maasul na kalangitan, tanaw mula sa bintana Ng aking kwarto. Pahinga ko sa trabaho sa Araw na iyon kaya Hindi ko kinailangang bumangon Ng napakaaga pa.
Nagising ako kanina Ng katukin ni Mama, at nung sinabi ko na Wala akong trabaho ngayon, di na Niya ako kinulit. Bumalik ako sa pagkakahiga at muling natulog.
Paggising ko, nakabukas na Ang bintana at pumapasok na Ang sikat ni Hanging Araw. Kaya bumangon na lang at nag-inat inat.
Pagdungaw sa bintana ay Nakita ko Ang Ina na nagwawalis sa aming bakuran. Napansin din ako nito.
"Oh.. gising ka na pala.."
"Opo.."
"Pumunta dito si Clifford kanina. Tinanong kung nasaan ka.. eh, Sabi ko, natutulog pa.. Hindi ka na lang dinisturbo..Sinilip ka na lang Niya kanina at hinayaan na matulog Muna.. Tapos, May iniwan siyang Isang supot Ng tinapay doon sa mesa, para daw iyon sa 'iyo.."
"Pumunta si Clifford..?"
"Eh, Ma, bakit Hindi Niyo Po ako ginising?.."
"Sabi Niya, huwag ka na daw gisingin. Saka, nagmadali Naman Siya umalis kanina. Ibinilin lang na sabihin sa'yo na may pupuntahan Sila ngayon. Mamayang hapon pa Ang balik niya..."
"Ganun ba...?"
Tumango ito. Ipinagpatuloy Ang pagwawalis. Tumayo na ako at tinungo Ang kusina. Sa mesa, naroon Ang Isang supot. Binuksan ko iyon, pandesal Ang laman at Isang sachet ng gatas. Napangiti ako.
"Sweet Naman Ng boyfriend ko.."
Kinilig ako. Kumuha ako Ng Isang tasa at sinalinan iyon Ng mainit na tubig Mula sa thermos. Tinimpla Ang gatas at pinapak na Ang pandesal. Saka, nagmuni-muni.
"Magdadalawang-buwan na pala kaming magkasintahan. Parang kailan lang Nung sinagot ko Siya..."
Bumuntong-hininga ako. Hinawakan Ang kutsara sa tasa at pinaikot ikot habang pinakatinitigan Ang laman niyon. Pero Wala sa gatas ang pansin ko. Umaandar na Naman Ang kaisipan ko. Napapaisip ako.
"Tahimik mo ah..."
Untag ni Mama sa akin. Hindi ko Siya namalayan nakapasok sa kusina.
"Ahh.. Andiyan ka na pala, Ma.."
Umupo ito sa kaibayong upuan.
"Anak, may gumugulo ba sa isip mo..?"
Kilala talaga ako Ng Mama ko. Alam talaga nito na may iniisip ako sa tuwing tahimik lang ako. At alam ko ring sa lahat Ng tao sa paligid ko, tanging Ang Mama ko lang Ang napagsasabihan ko Ng lahat; mga hinaing ko, mga Plano ko, mga gusto ko, mga dinaramdam ko, At higit sa lahat, Ang laman Ng puso ko. Alam na nito Ang lahat-lahat tungkol sa akin. Wala na yata akong maitatago pa. Dahil sa lahat Ng napagdaanan ko, andiyan palagi si Mama sa tabi ko.
Huminga ako Ng malalim.
"May iniisip lang Po ako.."
"Ano Yun..?"
Alam Kong handa namang makinig si Mama sa akin. Kung sasabihin ko sa kanya Ang gumugulo sa isip ko.
"Ma, tungkol sa amin ni Clifford..."
"May problema ba kayo..?"
"Wala naman Po.."
"Eh anong tungkol sa Inyo..?"
"Magdadalawang buwan na Po kami. Okay kami sa Inyo ni Papa. Masaya ako na tinanggap Niyo Siya para sa akin..."
"Mahal ka namin Ng Papa mo, Glenda.. Kaya binibigay namin sa'yo Ang makapagpapaligaya sa'yo.."
"Opo, thankful Po ako dun, Ma... Ang sa akin lang ngayon, Hindi Niya pa Po ako pinapakilala sa mga magulang niya. Sa pamilya po Niya.."
"Yan ba Ang gumugulo sa isip mo..?"
Tumango ako.
"Opo.."
"Kausapin mo Siya.."
"Hindi kaya Siya mag-iisip Ng masama..?"
"Glenda.. Bakit Naman Siya mag-iisip Ng ganun..? Anak.. Ang mga ganyang bagay, pinag-uusapan yan.. Tanungin mo Siya, para Malaman mo kung ano Ang masasabi Niya.."
Tama nga Naman si Mama. Para Hindi na lalong gugulo Ang utak ko, mas maiging mag-usap nga kami.
"Sige Po, Ma.. Kakausapin ko Po Siya.."
Tinapos ko na Ang pag-inom Ng gatas. Tinungo Ang lababo at hinugasan Ang pinag-inuman. Matapos maiayos sa lagayan Ang mga ginamit, nagpunas Ng kamay, at nagpaalam sa Ina.
"Babalik na Po ako sa kwarto, Ma.."
Saka naglakad patungong kwarto. Pagpasok sa loob ay agad nakuha Ang pansin ko Ng isang kwaderno sa may shelf. Hindi maayos Ang pagkakalagay niyon. Hinawakan ko iyon upang ayusin Ng mabuti. Nang mapansin Kong may nakausling papel doon. Nagtaka ako. Kinuha ko iyon. Isang nakatuping papel. Binuklat. Isang sulat pala. At nakilala ko agad Ang may-ari niyon. Sulat-kamay ni Clifford. Napaisip na Naman ako. Natanong Ang sarili.
" Hindi kaya.. ito Ang dahilan kung bakit Siya pumasok sa kwarto ko kanina..?"
Agad kong binasa Ang sulat. Simple lang Ang laman nito. Sinabi Niya lang sa sulat na hihintayin ko Siya mamaya Dito sa bahay, mag-aayos kahit simple lang, dahil may pupuntahan kami. Na-excite Naman ako. At the same time, kinakabahan.
"San kaya kami pupunta..?"
Ibinalik Ko sa pagkakatupi Ang sulat at inipit muli sa kwaderno. Saka inayos Ang pagkakalagay doon sa shelf. Nilibot Ng tingin Ang buong kwarto. Mahaba pa Naman Ang Araw. Wala Namang magagawa kaya maglilinis na Lang ako para malibang.
Alas kuwatro na. Hindi pa ako tapos sa ginagawa. Ang Dami ko pang dapat tapusin. Ang Dami pang dapat kopyahin. Kailangan ko na agad matapos iyon dahil may gagawin pa ako.
Matapos suriin kung ilang pahina pa Ang dapat kopyahin ay napasandal ako sa upuan. Ipinikit Ang mga mata at bahagyang pinisil Ang ulo. Nakakapagod din magsulat.
Isang tapik sa balikat Ang nagpamulat sa akin.
"Ford.."
Nakita Ang Isang kaklase Ko. Nakatunghay sa akin.
"Ohh...?"
"May extra ballpen ka pa ba..?"
Tanong nito sa akin.
"Wala na eh.. Ito na lang ginagamit ko.."
Sagot ko sabay pakita sa hawak kong ballpen.
"Ganun ba..? Ahh.. sige, wag na lang.. Salamat ha.."
Tumango lang ako. Tumalikod na ito at nagbalik sa upuan. Nagsimula ulit akong magsulat. Isang pahina lang Ang natapos ko, napagod na agad ako. Naisip ko, sa Bahay ko na lang tatapusin ito. Kaya, nilagyan ko Ng Marka Ang pahinang iyon para madali Kong makita Mamaya. Tiniklop na Ang libro at isinilid sa bag. Tutal ay pwede na makauwi, tumayo na ako, isinukbit Ang bag sa balikat, at naglakad na palabas ng classroom.
Binilisan ko Ang paglakad hanggang labasan Ng eskwelahan. Sumakay agad sa nakaparadang tricycle at nagpahatid sa terminal Ng bus. Kailangan ko pang bumiyahe para makauwi.
Pagbaba Ng bus ay agad akong tumakbo papunta sa kinapaparadahan Ng motorsiklo ko. Kailangan ko magmadali sa pag-uwi. Naka uniporme pa ako kaya magpapalit Muna Ng damit Bago ko sunduin si Glenda sa kanila.
Umaasa ako na nabasa nito ang iniwan Kong sulat. At tiyak, panigurado, naghihintay na iyon sa akin ngayon.
Matapos makapagbihis ay bumaba na ako. Tama ding kakalabas lang ni Mama sa kusina.
"Oh, Clifford... Andito ka na pala.. Di kita napansin na pumasok ah..."
"Ahh.. opo.. eh, nagmadali na Kasi akong umakyat para magalit Ng damit.."
"Bakit..? San ka ba pupunta..?"
"Kila Glenda Po.."
Nagsalubong Ang kilay nito. Alam ko na Ang gusto nitong ipahiwatig. Batid ko na Ang ganung itsura ni Mama.
"Ma..."
Tumalikod ito. Naglakad sa Sala at naupo. Sinundan ko Siya.
"Ma.. Dito kami maghahapunan. Kaya, susunduin ko Siya sa kanila..."
Lalong nagsalubong Ang kilay nito.
"Clifford.. Ilang beses na kitang pinagsabihan..."
"Pero, Ma.. Huwag Naman Po sana kayong ganyan.. Nobya ko Po si Glenda.. Gusto ko Siya pormal na ipakilala sa Inyo ni Papa.. Gusto Kong makilala Niyo Siya.."
"Kilala na namin siya. Nakita na namin siya.."
"Doon sa karenderya. Oo, Nakita Niyo Siya dahil doon Siya nagtatrabaho Kay tiya Maria.. Pero Hindi sa ganung paraan ko Po sana gusto siyang ipakilala sa Inyo, Ma.. Iyong pormal Naman. Dito sa bahay.."
"Clifford..."
"Alam Kong ayaw Niyo sa kanya, Ma. Pero huwag Niyo Naman ako pagbawalan sa gusto ko..."
Humugot ako Ng Isang malalim na paghinga. Kinalma Ang sarili.
"Sana Po mamaya, Ma, harapin mo Naman Siya Ng maayos... Para di Naman Siya makapag-isip Ng masama tungkol sa pamilya natin. Yun lang Ang pakiusap ko sa'yo, Ma. Sana pagbigyan mo ko..."
Bago tuluyang malungkot at magdamdam sa Ina ay tinalikuran ko na Siya. Tinungo Ang garahe at sumampa sa motor. Bago pinaandar iyon, muli Kong sinulyapan Ang Ina na nakaupo pa Rin sa Sala.
Nakakalungkot lang na mismo kong Ina ang ayaw sa pakikipagrelasyon ko Kay Glenda. Simula Ng Malaman nito na nobya ko na si Glenda, ay araw-araw na Niya akong pinagsasalitaan. Araw-araw akong nakakarinig Ng mga masasakit na salita. Porke't ayaw Niya Kay Glenda, maghanap na lang daw ako Ng iba.. Tapusin Muna pag-aaral ko bago magnobya-nobya.. Hindi daw nila ako pinag-aral para lang mapunta sa Isang walang kwenta.. Marami pa daw akong makikilala kapag makatapos na.. Marami pa daw babae diyan na mas higit na maganda kesa Kay Glenda..
Bigat lang sa dibdib na pinapangunahan nila ako sa nararamdaman ko. Na pinapakialaman nila Ang buhay ko. Sa inaasal Ng mga magulang ko, para bang Wala akong karapatan na magmahal.
Siguro nagtataka na si Glenda kung bakit Hindi ko pa Siya ipinapakilala sa mga magulang ko. Sana maiintindihan Niya ako. Na may pumipigil sa akin para gawin iyon.
Pero sa ngayon, buo na Ang pasya ko..Ipapakilala ko si Glenda sa kanila. Mahal ko Siya, kaya ipaglalaban ko Siya. Kahit ano'ng mangyari.