Chapter 17

1510 Words
Habang nakaupo sa Sala ay naisipan kong magbasa-basa lang Muna sa mga magazine na naroon sa lamesita. At tinitingnan lang palagi ang orasan na nasa dingding. Alas-sais y medya, iyon Ang sinasabi Ng mga daliri nito. Doon na ako tumambay habang hinihintay si Clifford. Pagpatak ng alas-singko Ng hapon kanina, gumayak na ako. Simpleng bestida na lampas-tuhod Ang isinuot ko. Dahil ayon sa sulat ni Clifford, simplehan ko lang. Kanina ko pa Siya hinihintay pero Hindi pa dumarating. Natapos na Sila Mama at Papa sa kanilang hapunan pero ako, andun pa Rin, naghihintay sa nobyo ko. Inaya na ako Ng mga magulang ko na maghapunan muna pero tumanggi ako. Di pa Naman ako nagugutom. Nasa pangatlong magazine na Ang binabasa ko nang marinig ko Ang pagtigil Ng Isang motorsiklo sa labas. Nakilala ko iyon agad. Kaya tumayo ako at dumungaw sa bintana. Naunang lumabas Ng pinto si Papa, Siya ring nagbukas Ng tarangkahan Kay Clifford. Panabay na naglakad Ang dalawa papasok Ng bahay. "Oh, anak... andito na ang hinihintay mo.." Saad ni Papa. Napangiti ako. Matapos makapag mano sa mga magulang ko ay agad akong nilapitan. "Ahh.. sorry.. ngayon lang ako nakarating.." Hinawakan ko Ang kamay niya. "Naku.. walang problema iyon..." "Anak.. Clifford.. Maghapunan muna kayo Bago umalis.." Paanyaya ni Mama. "Naku, salamat po, Tita.. Sa bahay na Lang Po.." Sagot ni Kay Mama. " Bahay...?" Bigla akong kinabahan pagkarinig ko niyon. Kaya bahagya Kong hinila si Clifford palapit sa akin. "Bahay..?" "Oo.. sa Bahay tayo kakain.." Di ako makapagsalita. Hinigpitan Niya Ang hawak sa kamay ko. "Relax.." "okay.." Binalingan nito Ang mga magulang ko. "Tita, Tito.. alis na Po Muna kami.." "Sige, iho.. Mag-ingat kayo.." "Salamat Po..." Nilapitan ko Ang mga magulang ko. "Alis na Po kami, Ma, Pa.." "Sige..." Tinapik lang ako ni Papa sa balikat. Magkahawak-kamay kaming naglakad palabas. Sumunod si Mama. Paglabas sa tarangkahan ay tinawag ako ni Mama. "Glen..." Huminto ako sandali. "Ahh.. Clifford.. Mauna ka na Muna.." Tumango ito. At naunang tinungo Ang kinapaparadahan Ng motorsiklo nito. Binalikan ko si Mama sa tarangkahan. "Ma, ano Po yun..?" "Relax ka lang ha.. Huwag Kang kabahan.." "Salamat Po.. Pero sa totoo lang.. Kinakabahan Po ako, Ma.. Baka Ipapakilala na Niya ako sa mga magulang niya.. at natatakot din.." "Anak.. wag kang matakot.. natural lang kabahan ka.." "Opo..." "Alam Kong kaya mo Yan.. okay.." "Opo.. Salamat, Ma. Alis na Po kami.." Tumango ito. Isinarado na nito Ang tarangkahan kaya tumalikod na ako at pinuntahan si Clifford. Pagkalapit sa kanya, pinaandar na nito Ang motorsiklo. Umangkas na ako. Bago nakaalis ay ipinikit ko Ang mga mata at umusal Ng maikling panalangin. "Sana Po, magiging okay Ang lahat. Sana Po, di ako mauutal sa harap nila. Sana Po, di ako mapahiya sa pamilya Niya.. Kaya ko to.." Bumuga ako Ng hangin. Ngayon pa lang, Nate tense na ako. Pano na kaya kung kaharap ko na mga magulang ni Clifford. Naramdaman siguro nito na nate-tense ako. Kaya hinawakan Niya Ang kamay ko na nakahawak sa bewang Niya. "Relax.. okay..? Di Naman nangangain Ang pamilya ko eh.." "Pero..." "Kapit ka lang sa akin.. Magiging maayos Ang lahat. Tiwala lang sa akin, ha.." "Okay.." "Love you.." "Love you too.." Habang-daan ay kinakausap niya ako para kahit papano ay kumalma ako. Nagpapatawa Siya sa akin. Tumatawa Naman ako pero di pa Rin nawawala Ang kaba, pag-aalalang, at alinlangan sa puso ko. "Ano kayang mangyayari Mamaya..?" Andito na kami sa bahay. Ramdam ko na kinakabahan si Glenda. Kaya hinawakan ko Ang kamay Niya. "Relax lang ha..." Sinasabihan ko siya, pero ako, sa sarili ko, aminado ako, kinakabahan din, at nag-aalala. Iniisip ko Ang magiging ekspresyon Ng mga magulang ko kapag kaharap na si Glenda. Pero andun na kami, di na pwedeng umatras. Kinalma Muna Ang sarili Bago ko inayang pumasok Ng bahay si Glenda. "Tara..." Mukhang nag-aalinlangan pa ito pumasok. Ewan kung nahihiya ba ito, o nangangamba, o natatakot. Hinigpitan ko na lang Ang paghawak sa kanyang kamay. At talagang kinakabahan ito dahil namamawis Ang palad. Pagpasok sa loob Ng bahay, nakaupo na sa Sala Ang mga magulang ko, nanonood Ng telebisyon. "Ma, Pa, andito na Po kami.." Walang sumagot sa kanila. Kapwa tahimik lang. Tiningnan ko si Glenda. Nakita ko Ang pag-aalala sa mukha niya. Nagmuwestra ito na parang nagtatanong Ng "Anong nangyayari..?" Umiling lang ako. Saka muling kinausap Ang mga magulang. "Ma, Pa, kasama ko Po si Glenda..." Wala pa ring sagot mula sa kanila. Parehong walang imik. Nakatuon lang Ang pansin sa telebisyon. "Ahh.. Tito, Tita... Magandang Gabi Po sa Inyo.." Pagbati ni Glenda. Noon tumayo Ang Papa ko. Hinarap kami. Alanganing ngiti Ang nasa mga labi. Nakakasama Ng loob. Na sa unang pagkakataon pa lang ay pinakita na Ng mga magulang ko Ang pagkakadisgusto nila Kay Glenda. Agad na pinaramdam Ng mga ito Ang kawalan Ng interes sa nobya ko. Pero Hindi lang nagpatinag si Glenda. Kaya kinontrol ko na lang Ang sarili. "Ahh.. Tito.. Para Po pala sa Inyo.." Sabay abot nito sa bitbit na kahon. Kinuha man iyon Ng ama ko pero ipinatong lang sa naroong lamesita katabi nito. "Salamat... Siyanga pala, kumain na kayo..." Matapos makapagpasalamat ay binalingan ako. "Pano Po kayo ni Mama..?" "Tapos na kami. Nauna na kaming Kumain kanina.. " "Sige Po..." Iginiya ko na si Glenda papuntang kusina. Matapos paupoin sa silya, inihanda ko na Ang mga pagkain. Tahimik lang ito na nakaupo. Mukhang nag-iisip. "Glen..?" Bahagyang umangat Ang ulo niya. "Ohh..?" Nag-aalala ako sa posibleng iisipin nito sa ipinakita ng mga magulang ko. "Pasensiya ka na ha.." "Saan..?" "Sa mga magulang ko.." Nagkibit-balikat lang ito. "Okay lang iyon..." Okay lang daw, pero kita sa mga mata nito Ang pagkabahala. Kaya nag-aalala talaga ako. "Sigurado..?" Naupo na ako sa tabi niya. Hinainan Siya Ng pagkain. at nag-umpisa na kaming maghapunan. "Oo.. Baka, pagod lang Sila.." Napangiti ako. Iniintindi Niya pa Ang mga magulang ko, gayong Hindi Niya alam Ang totoo. Nakakalungkot isipin talaga. Na okay ako sa mga magulang niya, Masaya Sila at suportado Sila sa relasyon namin. Pero, kabaliktaran ang sa mga magulang ko. "Ford..." Untag ni Glenda sa akin. "Hindi mo na nagalaw yang pagkain mo.. May iniisip ka ba..?" "Ahh.. Wala Naman.." "Eh, ba't natahimik ka..?" "May sumagi lang sa isip ko.." "Ano iyon..?" "Tapusin mo na Muna Ang pagkain mo..." Napangiti ito. "Hmmm.. okay.." Ngiti lang nito Ang nagpapasaya sa akin. Makita ko lang siya, buo na Ang Araw ko. Makausap ko lang siya, nawawaglit Ang ibang gumugulo sa isip ko. Ipinagpatuloy na namin Ang pagkain. Nagliligpit na ako Ng pinagkainan namin nang pumasok sa kusina si Papa. Ipinaalam lang nito na mauuna na silang matulog. Pagtingin ko sa orasan sa dingding, alas-siyete y medya pa lang, hindi pa iyon Ang Oras Ng pahinga nila. Kaya't tumango na Lang ako kesa humaba pa Ang usapan namin. Ayokong may marinig pa si Glenda na di kanais-nais at baka sumama pa Ang loob nito. Tumalikod na Ang Papa ko. Binalingan ko si Glenda, tahimik lang itong nakaupo sa silya. Nagkatinginan kami. Ngumiti ako sa kanya, ngumiti din ito. Matapos Kong linisin Ang kusina, ay niyaya ko Siya sa kwarto. Pagkapasok doon, agad ko siyang pinaupo sa gilid Ng kama. "Pasensiya ka na ha.. Wala kasing upuan Dito eh.." Nangiti lang ito. "Okay lang.." Napakamot ako sa ulo habang inikot Ng tingin Ang buong kwarto. "Pasensiya din sa kwarto ko.." Nahiya tuloy ako dahil Hindi maayos Ang kuwarto ko. "Ano ka ba, Clifford.. Sabi ko, okay lang sa akin.." Tinabihan ko Siya. "Eh, Nakakahiya.." "Asuuss ... wag ka nga mahiya sa akin.." Saka inilibot nito Ang tingin sa buong kwarto. "Gusto mo ba, ayusin natin tong kwarto mo..?" "Talaga..? Okay lang sa'yo..?" "Oo Naman.. Pagagandahin natin..." "Ay naku.. wag na.. Nakakahiya eh.. Alam mo Naman kapag kwarto Ng lalaki, di ba.. Kulang sa ayos.." "Kaya nga aayusin, di ba.." "Next time siguro..." "Okay..." Tumayo ako at kinuha ang DVD. Manonood na Lang kami Ng pelikula, para malibang. "Ah.. Glenda, alin doon Ang gusto mong panoorin natin..?" Sabi ko sabay turo sa mga tapes na nandoon sa rack. Tumayo ito at tinungo Ang rack. Inisa-isang tingnan ang mga tapes. "Hmmmm... Mahilig ako sa sci-fi films.. Di ba,. Tulad ng Harry Potter.. Pero, parang Wala ka dito nun eh..." Patuloy ito sa pagtingin Ng mga tapes. "Aha!! Ito na lang, maganda ito..." Bigla itong humarap sa akin hawak Ang Isang tape. Saka lumapit at tumabi sa akin. Iniabot ang hawak nito. Nang tingnan ko iyon, kumunot Ang noo ko. "Ito ba gusto mong panoorin..?" "Oo.. bakit, ayaw mo..?" "Okay lang naman sa akin. Sige.. panonoorin natin to.." Isinalang ko na Ang tape. Sumampa na sa kama si Glenda at maayos na umupo doon. Iniayos ko na Rin Ang DVD player sa harapan namin. Tutok na tutok talaga ito sa pinapanood. "Gusto mo talaga Ang mga ganyang pelikula, nuh..?" "Oo.. Maganda Kasi panoorin Ang mga yan. Mag concentrate ka na..." Sabi nito habang hindi inaalis Ang mata sa pinapanood. "Ayan oh.. tingnan mo, kawawa Naman si Frudo... Haayyy.." Pinagmamasdan ko lang siya. Aliw na aliw talaga ito sa pinapanood na 'The Lord of the Rings'.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD