Nakahiga na ako sa aking kama. Hanggang ngayon ay di pa Rin nawawaglit sa isipan ko Ang mga nangyari kanina. Ewan ko ba kung bakit kakaiba Ang nararamdaman ko patungkol sa mga magulang ni Clifford. Hindi man maayos Ang pakikitungo nila sa akin kanina, ay okay lang. Baka nga siguro, pagod lang Sila. Kaya pilit ko na lang iniintindi, para na Rin sa kapakanan ni Clifford. Sa una lang siguro Sila Ganito. Baka sa susunod ay kakausapin na nila ako. Awkward feeling. Pero Hindi lang ako nagpahalata kanina. Pagpasok pa lang Ng kanilang Bahay ay parang gusto ko Ng umuwi. Kaya lang, di na pwede. Kinaya ko na lang para hindi mapahiya si Clifford.
Ito Ang unang beses na pinakilala Niya ako sa mga magulang. Kahit ganun Ang nangyari, Masaya pa Rin ako, dahil sa wakas ay ipinakilala na Niya ako sa pamilya Niya. Di na Siya tumanggi. At ito Ang unang beses na nakapunta ako sa bahay nila.
"okay Naman Ang mga magulang niya. Pero parang may Mali.. Ramdam ko iyon.. Ano kaya Ang meron..?"
May mga katanungang nagsisimulang umusbong sa aking kaisipan. Hindi ko man mabibigyan Ng kasagutan sa ngayon, balang-araw, masasagot din iyon.
Bumangon ako at kinuha Ang maliit na bag na nakapatong sa ibabaw Ng lamesita. Binuksan at hinugot doon Ang Isang nakatuping papel na binigay ni Clifford Bago Niya ako hinatid pauwi kanina.
Mukha ko Ang naka-guhit doon. Mahilig na itong iguhit ako at palagi Niya iyon ginagawa upang may maibigay lang sa akin. Kahit sa ganung paraan, simple man, pero napapasaya Niya ako. May dulot na kilig iyon sa puso ko. Parang kinikiliti ako.
"I love you so much..."
Iyon Ang nakalagay sa ilalim Ng larawan. Napangiti ako.
"ahhh... Ang sweet Niya talaga.. Lalo akong naiinlove eh.."
Itinaas ko Ang larawan at dinampian Ng halik.
"I love you too.."
Muling itinupi Ang papel at kinuha ko Ang Isang kahon sa ilalim Ng lamesita. Binuksan ko iyon. Marami Ng laman. Iyon Ang mga nakatuping papel na binibigay ni Clifford. Tinipon ko at nilagay sa Isang kahon. Kahit mga bulaklak na bigay Niya, andito na Rin sa kahon. Wala akong tinapon. Matapos mailagay sa loob Ang bagong bigay na papel, tinakpan ko na iyon at ibinalik sa kinalalagyan nito.
Nakangiti pa Rin akong nahiga muli. Kinapa Ang katabing unan, tumagilid Ng higa, at saka niyakap Ang unan. Ini-imagine ko na lang na si Clifford iyon.
Di pa Rin nawawala Ang ngiti sa aking mga labi. Hanggang sa iyon Ang nakatulugan ko.
Matuling lumipas ang mga Araw. Magdadalawang-taon na kaming magkasintahan ni Clifford. Sa loob Ng mga panahong iyon, ay naging Masaya Ang aming pagsasama. Paminsan-minsan ay gumagala kami. Minsan, sa Bahay lang nila. May mga pagkakataon na naaabutan namin Ang mga magulang niya sa kanila. Kunting usapan lang, at Hindi na Sila makikipag-usap sa amin. Sabi ni Clifford, wag ko lang daw pansinin. Hayaan ko na lang muna.
Sa trabaho sa karenderya at sa Kay Aling Maria, Wala akong naging problema. Sa relasyon namin ni Clifford, wala ding problema Kay Aling Maria, bagkus, ay Masaya pa ito para sa Amin. Lalo na ngayon at tumatagal na Ang samahan namin Ng pamangkin Niya. Hindi Siya tutol. At suportado Niya kami. Bagama't Hindi maiiwasan na mapag-usapan Ang tungkol sa pamilya, hindi nangingialam si Aling Maria. Dahil ayon sa kanya, Wala Naman siyang problema sa akin. Gusto Niya nga ako para sa pamangkin. At ipinagtatanggol Niya ako sa kapatid Niya, na siyang Ina ni Clifford. Hindi Naman Kasi lingid sa kaalaman Niya na mukhang ayaw sa akin Ng Ina ni Clifford.
"Hindi mukhang ayaw.. Dahil ayaw talaga nila sa akin para sa anak nila.."
Matagal ko na iyon alam at nararamdaman. Pinili ko lang manahimik at huwag na Sabihin Kay Clifford, baka mag-away lang kami. Minsan, di ko na lang pinapansin Ang mga ipinapakita Ng mga ito. Iniisip ko na lang, mahal ko si Clifford, kaya mananatili akong para sa kanya.
Dahil sa paglalakbay Ng isip ay di ko namalayang nahiwa ko na pala Ang daliri ko.
"Arayyy...!!"
Nakita ko Ang pagpuslit Ng dugo sa parteng iyon. Nataranta ako. Napalaki ata ang hiwa ko, dahil patuloy sa paglabas Ang dugo.
Hinawakan ko Ang daliri at napatalon-talon. Nang humahangos na pumasok si Aling Maria.
"Glenda... bakit ka sumigaw..?"
Napahinto ako sa pagtalon-talon. Natuon ang pansin nito sa kamay ko. Agad akong nilapitan at iginiya sa lababo.
"Susmaryosep na Bata ka!!... Bakit mo Naman nahiwa Ang daliri mo..?"
May pag-aalalang sambit nito. Agad nitong itinapat sa gripo Ang daliri ko at pinaagusan Ng tubig. Naramdaman ko Ang hapdi.
"Aa-- Aarray ko Po... Ang hapdi.."
Ngumiwi ako. Talagang mahapdi talaga. Parang maiiyak na ako.
"Hay naku.. Tiisin mo.. Bakit Kasi Hindi ka nag-iingat na Bata ka.."
"So-sorry Po.. "
Matapos mahugasan Ang sugat ay dinala Niya ako sa labas upang maupo. Inutusan Niya Ang kasama ko na bumili Ng mga gagamitin upang magamot na Ang sugat ko. Di pa Rin maipinta Ang itsura ko. Hanggang ngayon ay dama ko pa Rin Ang hapdi, bagama't nahinto na Ang pagtulo Ng dugo.
"Ano bang iniisip mo kanina at nawala ka sa konsentrasyon Ng trabaho mo..?"
"Wala Naman Po, Aling Maria...Namali lang Po ako sa paghiwa Ng gulay.."
"Hay naku.. Sa susunod, mag-ingat ka na..."
"Opo.."
"Mamaya niyan, kung ano na Naman Ang maiisip ni Clifford.. Hindi ka naging maingat sa pagtatrabaho mo.."
"Ako na pong bahala sa kanya, Aling Maria. Sugat lang Po ito. Hindi Naman Po siguro Siya magagalit... At saka, sa ganitong klase Ng trabaho, Hindi Naman Po maiiwasan Ang masugatan, di Po ba..?"
Tumango lang ito.
"O, Siya.. Tama na.. At gagamutin na natin iyan.."
Nakabalik na Ang kasama ko bitbit Ang mga pinabili sa kanya. Nagsimula na Rin si Aling Maria sa paglalagay Ng gamot sa sugat ko. Napapangiwi ako sa sakit at hapdi, at tinitiis ko na lang. Wala akong magawa kundi magtiis para lang magamot Ang sugat ko.
"O, Ayan na.. Tapos na.."
Sabi nito matapos na lagyan Ng benda Ang daliri ko.
"Salamat Po..."
"Wag ka na muna maghugas mamaya para hindi maano yang sugat mo.."
"Opo.."
"Diyan ka na Muna, at si Alma na lang Ang tatapos Ng trabaho mo.."
Pagkasabi Niyon ay agad nitong inutusan si Alma na tapusin Ang mga ginagayat Kong mga gulay.
"Salamat Po.."
Naiwan ako dun sa mesa. Nagmumuni-muni pa Rin. Kasalanan ko Naman kung bakit ako nasugatan. Eh, nagtatrabaho ako pero lumilipad Naman Ang isip ko. Kaya, hayun, nasugatan tuloy. Pero laking pasalamat ko Kay Aling Maria, maalalahanin talaga Siya. Sobrang bait pa. Ginamot na nga Ang sugat ko, pinapahinga pa Muna ako. Napabuntong-hininga na Lang ako.
"Sana, Siya na lang Ang magiging biyenan ko. Tiyak, magiging Masaya talaga ako. At magiging swerte na Rin, dahil sa bukod na mabait, maalalahanin, eh, mapagmahal pa ito sa mga anak."
Nakita ko kung gaano kaasikaso si Aling Maria sa mga anak. Kung gaano ito kasuportado sa lahat Ng gusto Ng mga anak. Dahil importante sa kanya, Makita niyang Masaya Ang mga anak, ay Masaya na Rin Siya.
"Hay naku.."
Kakababa ko lang Ng motorsiklo nang mapatingin ako Kay Glenda. Nakaupo lang ito at bahagyang nakayuko. Si Tiya Maria at isa pa nitong tauhan ay abala sa kusina. Kita din Naman Kasi sa labas Ang kusina nito, dahil kalahati lang nito Ang natatakpan. Ang pang-ibabang bahagi lang nito ang nilagyan Ng plywood upang mahiwalay at Hindi mapasok ng ibang tao, at Hanggang kili-kili lang Ang taas niyon. Kaya kita pa Rin Ang tao.
Nilapitan ko si Glenda pero mukhang Hindi ako napansin. Tatapikin ko na sana Siya nang mapansin ko Ang daliri nitong may benda. Nag-alala agad ako. Kaya hinawakan ko na lang Ang kamay Niya. Napaigtad ito at biglang umangat Ang ulo.
"Anong nangyari Dito..?"
Nag-aalala kong tanong. Agad nitong binawi Ang kamay.
"Ahhh.. Wala.."
"Anong Wala..?"
Naupo ako sa harap niya.
"Glenda.. Hindi Naman magkakaganyan Ang kamay mo kung walang nangyari.."
Di ito nagsasalita. Nakatitig lang sa akin. Nakatikom Ang bibig.
"O, Clifford, andito ka na pala.."
Si Tiya Maria, kalalabas lang nito Ng kusina. Agad akong tumayo at nilapitan Siya. Matapos makapag Mano ay bumalik din ako sa kinauupuan ko. Si Tiya Maria ay dumiretso na sa kahera.
"Naku, iyang nobya mo, nahiwa Ang daliri Niya.."
"Haa...?"
May pag-aalala ko na Namang hinawakan Ang kamay ni Glenda. Hinayaan lang nito.
"Glen.. Bakit Naman..? May iniisip ka ba..?"
"Wala Naman.."
Pinakatinitigan ko Siya. Saka hinaplos-haplos Ang daliri nitong may benda.
" Masakit ba...?"
Umiling ito.
"Hindi na..."
"Sa susunod, mag-ingat ka na ha.."
Tumango ito.
"Ah, okay.. upo ka na lang Muna diyan. Ako na Ang magtatrabaho para sa'yo..."
"Salamat..."
"Ganyan kita kamahal.."
Matapos Sabihin iyon ay kinindatan ko Siya. Napangiti ito, kaya relieve na Ang pakiramdam ko dahil Nakita ko na Ang ngiti Ng mahal ko. Pagkatapos ay naging abala na ko sa mga bumibili.
Malapit na uwian nang mapansin Kong mukhang may kakaiba Kay Glenda. Nasa sulok lang ito at nakaupo sa Isang silya. Nakapatong Ang ulo sa mesa at mukhang natutulog. Hinayaan na lang Muna namin kanina ni Tiya Maria at Hindi na ginising. Pasalamat lang ako sa tiyahin Dahil Siya mismo iginiit na huwag na abalahin si Glenda. Dahil sa Hindi na gaano karami Ang mga kostumer, nilapitan ko Siya. Akma ko siyang gigisingin nang mahawakan ko Ang kamay niya.
Chineck ko na Rin pati Ang noo Niya. Labis akong nabahala. Agad ko kinuha Ang pansin ni Tiya Maria.
"Tiyang, si Glenda..."
May pag-aalala din itong lumapit pati na si Alma. Agad nitong tiningnan si Glenda.
"Ang init Niya..."
May pag-aalala din sa mukha ni Alma.
"Naku, kaya siguro mula kanina, mukhang matamlay na si ate Glenda.. May sakit pala Siya..."
"Naku, Clifford, magmadali ka.. ihatid mo na Siya sa kanila.. Baka kung ano pa mangyari sa kanya.."
Natataranta na si Tiya. Agad Naman kinuha ni Alma Ang mga gamit ni Glenda.
Noon ko lang siya ginising. Nagmulat ito Ng mata. Kinurap-kurap at kinusot na Muna.
"Halika na.. Uuwi na tayo.. Ihahatid na kita.."
Napakunot noo ito.
"Haa.. uuwi..?"
"Oo.. halika na.."
"Ahh..eh, PANO Ang karenderya..?"
Agad siyang hinawakan ni Tiya Maria.
"Kami na bahala Dito, iha.."
Mukhang napapayag Naman ito. Kaya inakay ko na Siya papunta sa motorsiklo.
"Kaya mo bang sumakay..?"
"Oo Naman.."
Inalalayan ko siya sa pagsakay. Saka ko na pinaandar at pinatakbo Ang motorsiklo. Inihatid ko Siya sa kanila. At laking pag-aalala Ng mga magulang niya Ng dumating kami. Mula sa tarangkahan ay pinangko ko na lang Siya Hanggang sa kwarto Niya. Tinulungan ako ni Tita para maiayos Ang pagkakahiga ni Glenda. Sobrang init Ng katawan nito. Iningatan ko Rin na huwag masagi Ang sugatang daliri nito.
Dahil sa sobrang pag-aalala, Hindi ko nilubayan Ang tabi niya.