Sinipat ko Ang noo Niya, mainit pa Rin. Naaawa na nag-aalala talaga ako sa kalagayan niya.
"Bakit bigla Kang nagkasakit..? Hindi mo man lang sinabi sa akin na may dinaramdam ka na pala..."
Hinaplos-haplos ko Ang kamay nito. At hinawi Ang ilang hibla Ng buhok nito sa pisngi. Pinagmasdan ko ang buong mukha niya. Napakaamo. Hinaplos-haplos ang pisngi nito.
"Napakaganda mo pa Rin kahit maysakit ka.. Sana gumaling ka na agad.. Mahal na mahal kita.."
Saka dinampian ng mabining halik ang labi nito. Pagkuwa'y inayos Ang kumot sa dibdib, inalam Ang paghinga at binantayan ang pagtulog nito.
Marahang mga katok Ang narinig ko Mula sa pinto. Nilapitan ko iyon at binuksan.
"Iho.."
Ang Mama ni Glenda. May pag-aalala pa Rin sa mukha nito.
"Kayo Po pala.. Pasok ho.."
Makikita Ang pag-aalala sa mukha nito. Naglakad ito papasok at nilapitan agad Ang natutulog na anak. Agad sinipat Ang noo Bago ako hinarap.
"Kamusta na Siya..?"
"Mainit pa Rin ho..."
"Bakit kaya Siya nagkakaganito..?"
"Hindi ko nga Rin Po alam, Tita.. Wala Naman Po siyang sinasabi sa akin.."
"Sa akin din, Wala siyang sinasabi... Kaya nga nagtataka ako kung bakit Siya nagkakaganito.."
"Ako nga Rin Po, Tita.."
Hinawakan nito Ang kamay Ng anak at pinisil-pisil.
"Ah.. siyanga pala, iho.. May nakahanda Ng pagkain sa mesa. Ipinagluto ka Ng Tito mo. Maghapunan ka na Muna.."
"Si Glenda Po..."
"Ako na Muna Ang bahala sa kanya..."
"Kung ganun, sige Po, Tita... Salamat Po..."
Agad akong lumabas Ng kwarto at tinungo Ang kusina. Pagdating doon, Tama nga, may pagkaing nakahain na sa mesa. Hinanap ko si Tito, pero Hindi ko Makita sa kusina. Wala din sa Sala. Kaya naupo na Lang ako at nag-umpisang Kumain. Lihim akong napangiti. Napaka swerte Naman Ng nobya ko.
"Ang swerte talaga Niya. Ang babait Ng mga magulang niya. Mapagmahal na, maasikaso pa. Maalalahanin na, Hindi pa mapanghusga. Nakakainggit tuloy."
Humugot Muna ako Ng malalim na buntong-hininga.
"Sana, Sila na lang Ang naging mga magulang ko. Hindi na sana ako namomroblema ngayon. Suportado Sila sa pakikipagrelasyon Ng anak nila. Hindi tulad Ng mga magulang ko, na ayaw na ayaw nila Kay Glenda. Bakit Kasi, sila pa naging mga magulang ko..?"
Isang tikhim Ang nagpaangat Ng ulo ko. Nakita ko agad si Tito na nakaupo sa kabilang silya, kaharap ko. Alanganing ngiti Ang nagawa ko. Bigla akong nahiya.
"Mukhang malalim Ang iniisip mo ah..."
"Ahh.. Hindi Naman Po, Tito.."
"Sigurado ka..?"
Tumango ako.
"Opo.."
"Kanina pa ako Dito pero di mo ko napapansin..."
"Ayy.. sorry Po.."
Napatuwid ako Ng upo.
"Sige na, Hindi na kita iisturbohin sa pagkain. Ipagpatuloy mo na iyan.. Hihintayin kita sa Sala, may pag-uusapan tayo..."
Pagkasabi ay tumayo na ito at tinungo Ang Sala. Ako Naman, ipinagpatuloy na Ang pagkain. Matapos mahugasan Ang pinagkainan at maibalik sa mga lagayan Ang mga ginamit, agad ko Ng pinunasan Ang aking mga kamay. Nagpalipas muna ako Ng ilang sandali Bago tinungo Ang Sala.
"Ano kaya pag-uusapan namin..?"
"Tito..."
Untag ko sa kanya. Nakaupo sa upuan, bahagyang nakayuko at may binabasa. Umangat Ang ulo nito. Pagkakita sa akin, agad nitong tiniklop Ang binabasang magazine at nilagay sa ibabaw Ng lamesita.
"Oh, iho..Maupo ka.."
Agad akong tumalima. Naupo doon sa kaibayong upuan. Kahit maayos Ang pakikitungo nila sa akin, kinakabahan pa Rin ako. At di mapalagay sa kinauupuan kahit simpleng usapan lang Naman. Pero ngayon, eh, Hindi ko alam kung ano Ang pag-uusapan namin.
"Ano pong pag-uusapan natin, Tito..?"
Tumikhim Muna ito.
"Kamusta na Siya..?"
Unang Tanong Niya sa akin na Ang tinutukoy ay si Glenda.
"Ahh.. Mainit pa Rin ho Siya, Tito.."
"Naaawa talaga ako sa anak ko.. At Hindi ko alam kung bakit Siya nagkakaganyan.."
"Ako nga Rin ho, Tito.. Nabigla din nung nalaman Kong may sakit Siya..."
"Wala ba siyang sinasabi sa'yo..?"
"Wala Naman ho.."
"Wala ba siyang dinaramdam...?"
"Wala Po siyang sinasabi eh..."
At iyon Ang totoo. Hindi ko alam kung bakit Siya biglang nagkasakit. Ni Wala sa hinagap ko Ang pagkakasakit Niya.
"Nabigla nga din po ako kanina. Medyo nataranta Kasi sobrang init Po Niya.."
"Buti Naman at inuwi mo Siya agad Dito.."
"Opo.. Iyon Ang Sabi ni Tiya Maria, ihatid ko Siya agad Dito..."
"Mabuti kung ganun..."
Tumango-tango ito.
"Ahh.. siyanga pala.. Kamusta Naman Ang relasyon Niyo..?"
Nabigla ako sa Tanong na iyon ni Tito. Napanganga ako sandali pero agad din nakabawi. Lumunok muna ako Bago sumagot.
"Ahh.. kami Po..?"
"Oo..."
"Okay Naman Po kami.. Wala Naman Po kaming problema.."
"Maliban na lang sa pamilya ko.."
Pero Hindi ko iyon naisatinig.
"Ganun...?"
"Opo... Bakit Po..?"
Mukhang Hindi ito kumbinsido sa naging sagot ko.
"Ang lalim Ng iniisip mo kanina. Maaari bang Malaman kung ano iyon..?"
"Ahh.. iyon Po ba..?"
"Ahh..huh.."
"Iniisip ko Po na sana kayo na lang Ang naging magulang ko.."
Bumuntong-hininga Muna ako.
"Ahmmm.. Iniisip ko Po si Glenda.."
"Bakit..?"
"Kasi, Tito, hindi ko talaga Kasi alam kung bakit Po Siya nagkasakit.."
"Maayos din ba Naman Yung pagkain Niya sa karenderya..?"
"Maayos Naman Po. With merienda pa nga Po eh.."
"Hindi kaya, pagod Siya..?"
"Hindi Naman Po siguro. Kasi, kapag naandiyan ako, tinutulungan ko Po Siya sa trabaho Niya..."
"Mabuti Naman kung ganun..."
"Opo.."
Isang tawag Mula sa kwarto ni Glenda Ang narinig namin. Si Tita, tinatawag ako.
"Ahh, Tito.. sandali lang Po.. Tinatawag Po ako.."
"Sige, iho.. Puntahan mo na.."
Dali-dali akong pumasok sa kwarto ni Glenda. Pagkapasok ay Nakita ko si Tita na nakaupo sa tabi ni Glenda at hawak Ang kamay nito.
"Tita... Bakit Po..?"
"Iho.. Bantayan mo Muna Siya. May kukunin lang ako..."
Agad akong lumapit sa kinahihigaan ni Glenda.
"Sige Po, Tita..."
Agad itong tumayo at lumabas Ng kwarto. Naupo ako sa gilid Ng kama. Muling pinagmasdan si Glenda. Ilang sandali lang Ang makalipas, bumalik si Tita, may bitbit itong maliit na batya. Agad ako tumayo at sinalubong Siya. Kinuha ko Ang bitbit Niya. Maliit na batya na may laman na malamig na tubig. Ipinatong ko iyon sa ibabaw Ng lamesita. Si Tita, agad Naman naupo sa gilid Ng kama, may hawak na itong bimpo, at inilublob sa maliit na batya. Pagkuwa'y kinuha at piniga Ang bimpo, at inilapat iyon sa noo ni Glenda.
"Para Naman mabawasan Ang init Niya..."
"Okay po..."
"Ahh, iho.. Pupunasan ko si Glenda at papalitan Ng damit, pwede mo ba akong tulungan..?"
"Opo.. A-ano Po gagawin ko..?"
May itinuro Siya. Sinundan ko iyon Ng tingin.
"Andiyan nakalagay Ang mga damit niya. Pwede mo ba akong ikuha Ng isusuot Niya..?"
"Sige Po.."
Tinungo ko ang itinuro ni Tita.
"Tita... Alin Po Dito Ang pwede..?"
Pagbukas ko Ng drawer ay maraming damit akong Nakita. Mahirapan akong pumili kaya nagtanong na ako.
"Naku, iho.. Kunin mo iyong manipis lang lang. Para di Siya gaanong mainitan. At saka, mapreskuhan Naman kahit papano Yung katawan Niya."
"Ahh.. sige Po..."
Kinuha ko Ang manipis na pantulog ni Glenda. Kulay asul na may naka imprintang maliliit na mga bulaklak. Ipinakita ko iyon Kay Tita
"Tita... ito Po, okay na ba ito..?"
Sinuri Muna Niya Ang damit.
"Sige... pwede na ito. Ilagay mo lang diyan muna..."
Ipinatong ko Ang damit sa ibabaw Ng lamesita. Matapos mapunasan ni Tita si Glenda ay nagpatulong Siya para mabihisan ito.
"Ahh.. iho.. Wala akong ibang mapagpipilian na tutulong para mabihisan Ang anak ko, kundi Ikaw lang..."
Napatingin ako Kay Tita.
"Sana, huwag mong bigyan Ng malisya ito..?"
"Naku, Tita.. okay lang Po talaga.."
"Sigurado ka..?"
"Opo.."
Nasabi ko lang Yun para maipakita Kay Tita na okay lang sa akin. Pero sa totoo lang, Hindi ko alam kung makapagpigil pa ba ako kung may iba akong makita.
"Hay naku, Clifford..!! Umayos ka nga..!"
Ipinilig ko Ang ulo. Saka nilapitan Ang mag-ina.
"Opo Naman, Tita.. okay lang Po sa akin.."
At dahan-dahan Kong ibinangon si Glenda. Para mapalitan Ang damit nito. Ipinikit ko Ang mga mata. Baka Kasi kung ano pa Makita ko.
"Clifford...?"
Bahagya Kong iminulat Ang mga mata.
"Po..?"
" Bakit ka nakapikit..?"
Nagtatakang Tanong ni Tita.
"Ahh.. ipipikit ko na lang Po mga mata ko para Wala akong Makita.."
Saka agad ipinikit Ang mga mata. Narinig ko Ang mahinang pagtawa ni Tita.
"Hay naku na Bata ka, oh, Ikaw talaga..."
Pagkasabi nito ay naramdaman ko Ang pagpingot nito sa akin. Mahina lang Naman kaya di ko na pinansin. Napangiti na Lang ako.
"Mahirap na Po eh.."
" oh Siya, sige na... Hawakan mo lang si Glenda at ako na Ang magbibihis sa kanya..."
Natahimik na ito. Naghintay lang ako ng ilang sandali. Nakiramdam lang.
"O, Ayan na.. Pwede mo Ng imulat Ang mga mata mo.."
"pwede na Po ba..?"
"Pwede na.."
Sa narinig ay unti-unti Kong iminulat Ang mga mata. Agad Kong napansin Ang mukha ni Tita. Napapangiti ito na nakatingin sa amin.
"Bakit Po..?"
"Wala, iho..."
Agad itong tumayo. Dinampot Ang mga damit ni Glenda sa gilid Ng kama at nilapitan Ang maliit na batya. Binitbit iyon.
"O, Siya, lalabas na ako.. Ikaw na bahala sa kanya.."
"Ahh.. sige Po, Tita..."
Lumabas na ito Ng kwarto. Muli Kong inihiga si Glenda. Tulog na tulog pa Rin ito at Hindi man lang naramdaman na binihisan siya. Kinumutan muli at binantayan sa pagtulog nito.