Chapter 20

1402 Words
Tunog sa cellphone Ang nagpagising sa akin. Pagmulat Ng mata, agad Kong kinapa Ang cellphone sa bulsa Ng pantalon. Akma ko na sang sasagutin nang naputol Ang tawag. Tiningnan ko Ang Oras doon. Alas diyes na pala Ng Gabi. Di ko namalayan nakatulog pala ako. Siniyasat ko kung sino Ang tumawag. Si Mama. Nakailang tawag na pala ito, Hindi ko man lang naramdaman. Muli Kong pinagmasdan si Glenda. Sinipat Ang noo nito. Mainit pa rin. Kinuha ko Ang bimpo at inilublob sa maliit na batya. Piniga at muling inilagay sa noo Niya. Mabuti Naman at binalikan Siya kanina ni Tita matapos mabihisan si Glenda. Pinalitan lang pala nito Ang laman Ng maliit na batya sa kusina. Pagkatapos ay, nagpaalam itong magpapahinga na Muna Sila. At tatawagin o kakatukin lang kapag nagkaroon Ng problema. Kakabalik ko lang sa kinauupuan nang muling tumunog Ang cellphone ko. Pagtingin sa aparato, pangalan ni Mama Ang tumatawag. Kaya sinagot ko na. "Hello...?" "Clifford..!" Sigaw ni Mama. Sa sobrang lakas ay nailayo ko sa Tenga Ang aparato. Saka muli ding ibinalik. "Ma..?" "Umuwi ka na.. Anong Oras na o?? San ka ba nagsususuot..??!" Sa tono Ng pananalita ni Mama, galit na ito. "Ma, andito Po ako Kila Glenda.." "At Anong ginagawa mo diyan..? Umuwi ka na..!" "Ma, di po pwede..." "At bakit...? Ilang na beses na akong tumatawag sa iyo, ni Hindi mo man lang pinapansin.. Ano bang ginagawa Niyo diyan ha..?!" Tumayo ako. Lumapit sa bintana. Bahagyang lumayo sa kama at baka magising si Glenda sa ingay Ng bunganga Ng Mama ko. "Ma, Naman... " "At ano ha.. Anong ma Naman...?" "Hindi Po ako makakauwi.. ?" "At bakit..? Hoy, Clifford.. Porket Hindi na kita gaanong pinapakialaman diyan sa pakikipagrelasyon mo Kay Glenda, eh, magiging abuso ka na.." "Ma, Hindi Naman Po.." "O, eh, Anong dahilan mo kung bakit hindi ka uuwi..?!" Bumuntong-hininga Muna ako. Nagpipigil lang ako na huwag lumakas Ang boses para di na makapambulahaw Ng iba. "Maysakit si Glenda.. Kaya di ako uuwi..Hindi ko Siya pwedeng iwanan at pabayaan lang.." Ilang Segundo itong natahimik. "Ay naku, Clifford.. Huwag mo nga akong bigyan Ng ganyang rason..! Gumagawa ka lang Ng rason para Hindi ka makakauwi...!" "Ma..! Ano ba.. Hindi ako nagsisinungaling sa iyo. Kahit tanungin mo pa si Tiya Maria..." "Ay naku, Ikaw na Bata ka, huwag ka Ng mandamay pa Ng ibang tao dahil lang diyan sa kagustuhan mo.." "Ma..! Pwede ba.. huwag nga kayong ganyan.." Naikuyom ko Ang kamao. Nakakainis na talaga si Mama. Nakakagalit na. Lahat na lang, binibigyan nito Ng dahilan. At lalong nakakalungkot isipin na sarili Kong Ina ay Hindi suportado Ang mga kagustuhan ko. At Hindi nirerespeto ang desisyon ko. Wala akong magawa kundi magtagis Ang bagang at magpigil sa Galit. "Ma, Please lang Po...Maniwala ka Naman sa akin.. Hindi ako nagsisinungaling sa iyo. Talagang maysakit si Glenda. At Hindi ko Siya pwedeng iwanan...." "Wala akong paki..." "Hindi ko Yun ipipilit sa iyo, Ma.. Magalit ka na, pero Hindi ko iiwanan Ang mahal ko.." Tot..tot..tot..tot.. Hindi ako pinatapos sa pagsasalita, bigla nitong pinutol Ang tawag. Naihilamos ko na lang mga kamay sa mukha. "Aaarrgghhhh...!! Nakakainis talaga...!" Sunod-sunod na malalalim na buntong-hininga Ang pinakawalan ko. Pilit na kinakalma Ang sarili dahil sa Galit. Mariing ipinikit Ang mga mata. Taas-baba Ang dibdib dahil kinokontrol Ang paghinga. Nanatili akong nakatayo Ng ilang minuto. At nang maramdaman Kong medyo umokey na ako, unti-unti Kong iminulat Ang mga mata at binalingan ko si Glenda. Isa pang buga Ng hangin Ang ginawa ko Bago nilapitan si Glenda. Napansin ko Ang pawis sa kanyang noo. Kinuha ko Ang malinis at tuyong tuwalya sa ibabaw Ng lamesita at idinampi sa noo nito. Bigla niyang hinawakan Ang kamay ko kaya nabigla din ako. "Gle-glenda..." Nakapikit pa Rin ito. Pinagpapawisan. Hanggang dalawang kamay na nito Ang nakapulupot sa akin. "Hu-huwag.. huwag mo akong Iwan..." "Glenda..." Mahigpit Ang pagkapulupot Niya sa akin. Pilit ko tinatanggal pero di ko makalas. "Huwag... Huwag... mo akong Iwan..." "Mahal...Glenda.." Niyakap ko na lang siya. Doon ko na na realize na sobrang init Ng katawan nito at nanginginig. Bigla itong bumitaw sa pagkakayakap at hinawakan Ang kumot. Bumaluktot Ng higa, at patuloy na nanginginig. Nakapikit pa Rin Ang mata. "Hu-huwag... Huwag mo Kong iiwan.. Ang lamiiiggg..." Nangangatal na Sabi nito. "Sabi mo, Hindi mo ko iiwan.. Bakit.. bakit.. Ang daya-daya mo.. Bakit ka lumayo sa akin..." Nagsasalita ito, nakapikit Ang mata at nangangatal. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Hinawakan ko Siya sa magkabilang balikat. "Nagdedeliryo Siya..." Di ko alam kung ano Ang gagawin. Iniisip ko na gisingin Sila Tita pero di ko magawa. Medyo natataranta. Tatayo na sana ako nang muling ipulupot ni Glenda Ang mga kamay at braso sa akin. Sa bewang ko. Nanginginig pa Rin Ang katawan nito. Wala akong ibang maisip. Saka ko naalala, Yung tinuro sa amin. Kapag nagdedeliryo Ang Isang tao, nilalamig at nanginginig, kailangan Niya Ng init. Gayong Hindi ako makaalis, Naisip Kong gawin ang makakaya. Nakakasilaw na sikat ni Hanging Araw ang nakapagpagising sa akin. Unti-unti Kong iminulat Ang mga mata. Agad Kong Nakita si Mama na nakatunghay sa akin. Nakangiti pero makikitaan Ng pag-aalala Ang mukha. "Salamat at gising ka na.. Anak, kamusta Ang pakiramdam mo..?" Tanong Niya sa akin. "Po..?" Nagtataka ako. Kanina lang ay nagtatrabaho ako at nakatulog. Pero ngayon, nasa sariling kwarto ko na ako. "Anak, sobrang nag-aalala talaga ako sa'yo." Nanatili lang akong nakahiga. Sinipat Niya Ang noo ko. Hinawakan Ang Leeg at Ang kamay ko. "Bakit Po..?" "Anak Naman.. Inuwi ka ni Clifford Dito kahapon..." "Inuwi Po..,?" Nagkunot Ang noo ni Mama. "Anak,.. Glenda.. Wala ka bang maalala..?" Nag-isip ako. Saka naguguluhan. Pilit Kong inaalala Ang nangyari. Pero walang pumapasok sa utak ko. Ipinilig ko Ang ulo. "Wala Po, Ma..." "Sigurado ka ba, anak...?" Naupo ito sa gilid Ng kama. Tumango lang ako. "Anak, Iniuwi ka ni Clifford kahapon. Sobrang nag-alala kami Ng Papa mo. Napakataas Ng lagnat mo. Pinagdedesisyunan naming dalhin ka na sa ospital. Pero, Ang sabi Ng Papa mo, pagpapahingahin ka na lang Muna. Baka daw pagod ka lang sa trabaho. Mabuti na lang, andito si Clifford. Inalagaan at binantayan ka niya buong gabi..." "Talaga Po...? Ahh.. San na Po Siya..?" "Oo Naman.. Umaga na Siya nakauwi. Sinigurado lang na medyo okay ka na..." Nakaramdam ako Ng hinayang. Di ko man lang nakita Ang nobyo ko Ng magising ako. "Hmmm.. anak, kamusta ba pakiramdam mo ngayon? " Pinakiramdaman ko Ang sarili. Medyo masakit Ang katawan ko. Ang ulo ko, Ang dibdib ko, Lalo na ang lower part. Hindi ko maintindihan kung bakit. Wala akong maalala sa nangyari. Naguguluhan ako. Gusto Kong magtanong pero itinikom ko na lang Ang bibig. Si Mama, nakatingin sa akin. Naghihintay Ng isasagot ko. "Medyo okay na Po ako..." Yun lang Ang isinagot ko. Nakita Kong napangiti si Mama. "Hay salamat Naman, anak. Medyo lumuwag na Ang dibdib ko. Sobra talaga akong nag-alala sa'yo.." Ngumiti ako. "Salamat Po, Ma. Wag na Po kayo mag-alala. Okay na Po ako..." "Nagugutom ka ba? Ano bang gusto mong kainin? Ipagluluto kita.. " Napangiti ulit ako. Napaka thoughtful talaga Ng Mama ko. "Yung may sabaw Po sana..." "Ah.. sige.. ipagluluto kita...Pahinga ka na lang Muna Dito ha.." "Opo..." Nakangiti itong tumayo at lumabas Ng kwarto. Nanatili pa akong nakahiga Ng ilang sandali Bago inot-inot na bumangon. Hindi ko maintindihan Ang nararamdaman ko. Unang beses ko iyon naramdaman. Naupo ako sa gilid Ng kama. Napapaisip. Naguguluhan. Saka muling pinakiramdaman Ang sarili. "Ano ba ito? Bakit ganito Ang nararamdaman ko? Sakit Naman Ng katawan ko.. At saka.." Kinapa Ang bahaging iyon. Lalo lang ako naguluhan. "Bakit mahapdi..?" Bumuntong-hininga ako. Saka ipinikit Ang mga mata at pinakiramdaman muli Ang sarili. At unti-unting iminulat Ang mga mata nang maramdaman Kong kaya ko na gumalaw. Tumayo ako at dinampot Ang kumot. Aayusin ko na sana nang may mapansin ako. "Dugo..? Bakit may dugo Dito..?" Dali-dali Kong inayos Ang kumot, tinupi at inilagay sa basket Ng mga labahan. Saka muling naupo sa gilid Ng kama. "Baka regla ko lang iyon. Baka dumating Ng di ko man lang namalayan. At saka, baka ito Ang dahilan Ng nararamdaman ko.." Baka nga sa regla ko lang. Dahil doon ay naisipan Kong maligo. Saka pakiramdam ko Kasi, anglagkit Ng katawan ko. Tumayo ako at kumuha Ng damit na maisusuot. Sa Isa pang drawer, kumuha ako Ng Isang pirasong napkin at ipinatong iyon sa ibabaw Ng mga nakuha Kong damit. Kinuha Ang tuwalya na nakasabit sa dingding at lumabas na Ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD