CHAPTER SEVEN NANG buksan ni Billie ang pinto ay nakita niya ang isang magandang babae. At may pakiramam siya na nakita na niya ito dati. “Good morning, Ko—” Natigilan ito nang makita siya. Ang matamis na ngiti nito ay agad na naglaho. “Nasa shower pa si Kobe,” alanganin ang ngiting sagot niya. “Gusto mong pumasok muna?” Ilang sandali rin itong hindi nakapagsalita. Nang mapadako ang tingin nito sa T-shirt ni Kobe na suot niya ay nalungkot ang mga mata nito. “Kaibigan ka niya?” “O-oo.” “Ipagluluto ko sana siya ng breakfast pero dahil nandito ka na, hindi na siguro kailangan. Aalis na lang ako.” “Hindi pa naman kami kumakain,” sansala niya. “Aalis na lang ako,” malungkot ang ngiting anito. “Ikaw na lang ang bahala sa kanya.” Tumalikod na ito. Gusto sanang habulin ni Billie ang bab

