CHAPTER EIGHT “NASAAN ka na? Manonood ka sabi mo, `di ba?” tanong sa kanya ni Kobe nang sagutin niya ang tawag nito. Hindi naman naitago ni Billie ang ngiti niya habang naghihintay sila ni Tinie sa lobby para sa mga ka-meeting ng banda nila. “Nandito pa `ko sa station, hindi pa nagsisimula ang meeting namin.” Hindi nila pwedeng palampasin iyon ng mga kabanda niya dahil doon nakasalalay ang future ng career nila. May isang bigtime producer na interesadong i-produce ang musika nila abroad. Kung excited sila ng mga kabanda niya, e di lalong mas excited naman ang manager nilang si Tinie. “Malapit nang magsimula ang laro namin. Gusto ko sana na nandito ka kapag nagsimula na kami para makahingi ako ng good luck kiss.” “Tumigil ka nga,” namula ang pisnging pakli naman ni Billie. “Alam ko na

