CHAPTER ELEVEN “WHAT ARE you doing?” Saglit na nilingon ni Billie si Kobe nang pumasok ito ng kusina. Abala siya sa paghahanda ng mga sangkap para sa ulam na lulutuin niya. “Ipagluluto ka.” “Tama ba ang naririnig ko? Ipagluluto mo `ko?” “Para sabihin ko sa`yo, ang swerte mo dahil bihira na lang akong magluto ngayon.” Niyakap siya nito mula sa likuran. “Si Aiden ba, ipinagluto mo?” “Hindi pa.” “Sa three years na naging kayo?” “Lagi naman kasi kaming sa labas kumakain. Ayoko rin naman na nasa isang lugar kami nang kami lang dahil madalas ay nagiging agresibo siya. Gusto niyang merong mangyari sa `min. At—” “Kalimutan mo na lang na nagtanong ako,” putol ni Kobe at hinalikan siya sa pisngi. “Gusto ko na hindi muna natin pag-usapan ang ibang tao. Okay lang ba `yon?” “Nauna ka kaya.”

