CHAPTER TWELVE HINDI makapaniwala si Billie nang makita si Aiden sa labas ng bahay nila. Bumaba siya ng taxi matapos bayaran ang driver. Agad na napatayo si Aiden mula sa pagkakasandal nito sa hood ng sasakyan nito nang makita siya. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya. “Kailangan nating mag-usap, Billie. Billie, magkaayos na tayo, please. I love you.” Tinangka siya nitong hawakan pero mabilis siyang lumayo rito. “Aiden, hindi pa `ko handang kausapin ka. Pwede bang umalis ka na?” “Hindi ko kayang hindi ka makita. Ipinagpalit mo na ba `ko?” “Bakit? Ayaw mo?” “Ano ba namang klaseng tanong `yan? Ako ang boyfriend mo, `di ba? Kaya hindi mo `ko pwedeng ipagpalit sa iba!” “Hindi kaya fair lang na ipagpalit din kita sa iba? Kahit naman noong okay pa tayo, ilang beses ka na ring sumama

