CHAPTER THIRTEEN “GUSTO KO lang naman na alam ko ang mga nangyayari sa`yo.” Hinapit siya ni Kobe palapit sa katawan nito. Hindi napigilan ni Billie ang mapahigit ng hininga nang maramdaman niya ang kahandaan nito sa kanyang puson. “Gusto mo ba talagang malaman ni Ryon ang tungkol sa `ting dalawa?” “Sinabi ko na sa`yo, hindi ba? Walang masama kung malalaman niya na may namamagitan sa `tin. Ikaw lang naman ang hindi sigurado sa nararamdaman mo.” Nakonsensiya naman siya. Kung pwede lang sanang ayusin niya ang problema niya nang ganoon lang kadali para hindi na siya maging unfair dito. “Ayokong umasa ka, Kobe. Ang saktan ka ang pinakahuling bagay na gusto kong gawin.” “Choice ko ang umasa. At ayos lang sa `kin na saktan mo `ko. Mahal kita, e.” “Kaya lalo akong nahihirapan, e.” Pinatay

