CHAPTER FOURTEEN “ANG DAMI ng mga `to, a,” hindi makapaniwalang sabi ni Tinie habang iniisa-isa ang mga bondpaper na pinagsulatan niya ng mga kanta. “Inspired masyado?” “Tinie, kailangan ko ng distraction kaya `yan ang ginawa ko,” pakli naman ni Billie habang nakatunganga sa harap ng computer niya. “Ang gaganda ng mga lyrics. Nakaka-touch. Hindi ko alam na meron ka palang romantic side.” Napahagikhik pa ang kaibigan niya. Isang buntong-hininga naman ang sagot niya. Tatlong araw na siyang nagkukulong sa kwarto niya at nagsusulat ng mga kanta. Wala siyang ganang lumabas. Hindi rin siya sumisipot sa band rehearsals dahil ang excuse niya ay meron siyang sakit. Si Tinie lang ang tanging hindi kumbinsido sa mga rason niya kaya hindi siya nito tinantanang kausapin. “I never knew what I was
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


