bc

My Maid Is A Billionaire?!

book_age18+
629
FOLLOW
2.9K
READ
possessive
kickass heroine
boss
maid
billionairess
sweet
humorous
disappearance
secrets
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

WARNING: Contains mature scenes, curses, and vulgar words (R18+)

Mataas ang standard ni Hudo Yamashita sa mga babae, kaso nalugmok nang makita niya ang magandang maid sa kan’yang half brother. 

Gusto niya ring maging maid ito at pagsilbihan siya ni April. Kaso si Hari Yamashita, na ang kan’yang half brother ay ayaw nitong ibigay ang kan’yang maid kahit ilang milyong kapalit. 

Si Hudo na ata ang pinakamasayang tao na nangingidnap ng maid. Wala siyang pakialam sa estado ni April kahit malayo sa kan’ya, at wala rin siyang pakialam kung anong sasabihin sa iba na nagkakagusto siya sa isang maid.

Paano kung malaman niya ang totoong katauhan ni April? Na ang kan’yang maid ay isa pa lang mesteryosong bilyonaryo na nawalan ng alaala? May mabobou pa kayang pagmamahalan gayon si Hudo ang dahilan kung bakit ito nawalan ng alaala dahil sa kasakiman sa posisyon?

chap-preview
Free preview
TEASER
“ITO na po ang pineapple juice niyo kamahalan…” sarkastiko kong wika at maingat na inilapag ang bitbit kong round tray sa glass table. Pinahid ko naman ang kaunting pawis sa noo. Para naman akong lantang gulay ngayon sa pagod. Hindi na talaga ako natutuwa sa buhay ko ngayon. “Hahaha!” Palihim na sinamaan ko ng tingin ang boss kong tila haring nakasandal sa sofa habang tumatawang nanonood ng horror film. Hinanap ko naman kung saan nakakatawa sa pinanoud niya bukod sa pangit na multo na mukhang clown. “Malamig ba ‘yan?” napasulyap si Hari Yamashita sa inilapag kong juice. “Hindi po kamahalan.” Kamahalan ang tawag ko sa kan’ya kasi bagay naman sa pangalan niya, pala-utos na Hari! “Gusto ko ng malamig.” Napapikit na lang ako sa inis lalo na‘t ngumisi ito. “Kamahalan…sabi mo kanina ayaw mo sa malamig at nagdala naman ako ng hindi malamig tas ngayon gusto mo malamig?!” Nilokoko ba ako nito?! Nang-aasar na napasinghap ito. “Nagrereklamo kaba, April?” “Grrr…” Hindi na ako nag-abalang sumagot pabalik. Pipi naman akong napasigaw sa labas ng kwarto niya upang ilabas ang galit ko. Tang *nang gunggong ‘yon! Mapapamura ka talaga ng isang milyon. Panglimang balik ko na ‘to dahil ayaw niya sa mga flavor ng juice na dinadala ko at minsan paiba-iba ang gusto ng lintik! Isang buwan na akong maid dito kaya alam ko na talaga ang trip sa sira-ulo kong boss. “I-ITO N-NA PO k-kamahalan.” Halos mapa-upo naman ako sa pagod pagkalagay ko muli sa glass table. “What a good maid!” “Good maid ba kamo, upakan kita diyan,” mahinang bulalas ko. Napahawak naman ako sa binti dahil kumikirot na ito sa sakit. Paano ba naman? Dala ko ang juice niya hanggang first floor at inakyat dito sa fourth floor! “Ang layo naman…” nakangiting itinuro niya ang baso. “Amp!” kinagat ko naman ang ibabang labi ko upang magpigil magmura sa harapan niya. Isang unat na lang sa kamay niya, abot niya na, hindi pa magawa! Alam ko naman na trabaho ko ‘to bilang maid. Pero sana walang kamay pinagsilbihan ko, keri ko lang! Matatanggap ko pa! Pero itong gunggong na ‘to ay daig pa naparalyzed ang kamay. Nakangiting inusad ko naman palapit sa kan’ya ang baso kahit sa kalooban ko ay gusto kong isaboy sa pagmumukha niya. “Ayan kamahalan!” Umalis naman siya sa pagka sandal at kinuha ‘yon. Inamoy-amoy pa. Pineapple juice ‘yan tanga! Napatingin siya sa ‘kin habang ang kan’yang makapal na kilay ay nakasalubong. “May nilagay ka ba dito?” “Wala ah!” mabilis kong sagot. Akala niya siguro pinagtritripan ko naman siya kagaya no’ng ginawa kong paglagay ng maraming asin sa kan’yang inumin, hindi niya alam na iba na ngayon. “Malinis po ‘yan kamahalan katulad sa budhi mo. Tikman ko pa?” Akmang kukunin ko sa kamay niya ngunit mabilis n’yang itinaas ang palad upang pigilan ako. “No need…alam kong ikaw ang main suspect kung sakaling malalason ako. Malalason akong guwapo, mamatay akong guwapo.” Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. “Masarap ba kamahalan?” mausisa kong tanong. “Mukhang uhaw na uhaw kayo ha. Galing banyo pa naman ang—” Hindi ko natapos dahil naibuga niya papunta sa mukha ko ang nanggaling sa bunganga niya. Sana pala lumayo ako ng kaunti! “What did you say?!” napatingin siya sa malapit na maubos na juice at galit na inilapag. Napapikit naman akong napahilamos sa mukha. “Sabi ko…galing banyo ‘yong tubig na ipinagtimpla ko.” Ngumisi muna ako bago ang sakuna. At lease vitamin G nainom niya…vitamin germs. “What the fvck…gross…” napahawak naman siya sa bibig na tila nasusuka. Nabundol niya pa ang braso ko sa pagmamadaling pumunta sa banyo. “Suka well kamahalan…” napa-upo naman ako sa sofa habang pinunasan ang mukha ko. Pinahirapan mo pa ako ah. Ngayon tikman mo ang himagsik ng iyong inalipin. Pero biro ko lang talaga ang sinabi kong kinuha ko ‘yong tubig sa banyo, sadyang madali lang talaga siyang maloko. “Booo…” Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi naman ako sumigaw pero paunti-unti akong napalingon sa likuran. “Where’s Hari?” Mabilis pa sa pagong akong napatayo nang hindi ko namalayan pumasok pala si Lord Hudo! Ang half brother ni Sir Hari. “Nasa banyo po,” magalang kong sabi at hindi siya tiningnan. Napahawak naman ako sa ilong dahil nanonout ang mabango n’yang manly perfume na parang ibinuhos lahat sa katawan.. “Look at me, April. Bakit ayaw mo akong tingnan? Pangit ba ako ngayon?” Abnormal talaga ‘to pagdating sa ‘kin. Nakikita ko naman kung gaano kasama ang ugali niya padating sa mga tao tapos sa ‘kin parang tuta na nanghihingi ng dog food. “Mukha po naman kayong tao, Lord Hudo.” Hindi niya ba nakikita ang sarili niya sa salamin? Kulang na lang ay tatayuan na siya ng rebulto sa kagwapuhan pero masama nga lang ang ugali. “You’re so wet.” Nagkasalubong ang makapal at perpekto n’yang kilay. “Bakit basa ka?” Dahil adik ako sa pagbabasa ng mga romance ay na stroke naman ako sandali sa sinabi niya. “Natapunan lang…” napakapa naman ako sa leeg dahil basa pala pati ‘yong sout kong T shirt. Naparami ata ang naibuga ni Hari, nangangamoy pineapple juice tuloy ako. “Let me help you.” Habol hininga naman ako ngayon nang maramdaman ang malaki n’yang palad sa pisngi ko na hinahaplos! “APRIL!” Napatingin kami pareho sa taong kakalabas lang sa banyo, sobrang putla nito, isinuka ata pati bituka. Napalayo agad ako kay Lord Hudo. “What happened?” tanong ni Lord Hudo na tila walang pag-alala man lang akong narinig sa boses. “Ipinagtimpla ko siya ng juice galing sa banyo ‘yong tubig. May vitamin G na siya sa katawan.” Ako na sumagot at parang feeling close kay Lord Hudo. “You did that?” Tumango ako. “Oo, ‘di ba gusto mo rin akong maging maid? Baka mapapalayas ako nito pagkatapos, sige na kunin mo na ako.” Ewan ko kung anong nakita sa ‘kin ni Lord Hudo, hindi naman ako at masipag na maid, nangtritrip pa sa amo. Ilang segundo muna siya napatitig sa ‘kin na tila ini-imagine kapag naging maid niya ako. “Damn, pag-iisipan ko muna.” “Anong kailangan mo kuya Hudo?” tanong ni Sir Hari ng lumapit ito, masama ang tingin sa ‘kin. “We need to talk something, Hari.” Nasa likuran naman ako ngayon ni Lord Hudo na parang pinoprotektahan niya ako. Dahil mag-uusap silang dalawa. Pa sekreto naman akong dahan-dahan lumapit sa pinto upang isalba ang kaluluwa ko. Mahina ko namang pinihit ang doorknob at napaigtad sa sigaw. “April! Hindi pa tayo tapos!” Mabilis akong napaharap at sumaludo kay Sir Hari, nakita ko pang napatingin sa ‘kin si Lord Hudo pero dali-dali na akong lumabas. “Ay anak ng kalabaw!” nagulat naman ako kung sinong taong nasa tabi ng pinto. “Ohh…Kristine, anong ginagawa mo rito?” “Hinintay ko si Lord Hudo.” Nawala naman ang mata niya tuwing pekeng ngumingiti. Maganda sana siya kaso may imaginary na sungay sa noo. Hindi naman bulag si Lord Hudo pero tuwing pumupunta dito ay kulang na lang ay kakargahin niya ito kung saan ito magpunta. “Gano’n ba? Ahh oo nga pala, pinapasabi sa ‘kin na pumasok ka raw sa loob dahil may sasabihin siya sa ‘yo.” Kahit wala namang sinabi sa ‘kin. “Talaga?!” kumikinang naman ang mata niya ng sabihin ko ‘yon. Nabundol niya pa ang braso ko mula sa pagmamadaling pumasok. Ipinosisyon ko naman ang tenga sa pinto upang marinig kung ano ang maging reaksyon. “What are you doing here Kristine?” tinig ‘yon ni Lord Hudo na naiirita. “Ano kasi…hinahanap mo raw ako?” “What?!” Natatawang umalis naman ako sa pinto baka maabutan pa ako ni Kristine paglabas niya, iyakin pa naman no’n. Hindi naman ako ‘yong tipong tao na bigla-bigla na lang mangtri-trip, unless kapag may kasalanan sa ‘kin. Nagkasalubong ko naman sa hagdan ang alagad ng Mayordoma. “Huy! Anong kailangan niyo?!” hinawakan naman nila ang magkabilang braso ko at kinaladkad. Ipinasok naman nila ako sa lungga nitong Mayordoma at nakita ko itong hinihilot sa mga kapwa kong katulong. Itinulak naman ako sa dalawa upang mapunta ako sa harap nito. “Aray ah!” Napa-angat ang tingin ko sa matabang Mayordoma na nakangisi sa ‘kin. “Mabait ka namang bata ‘di ba, April?” “Twenty five na ako at hindi na ako bata so hindi na rin ako mabait.” Matabang pabalik ko. “Bastos talaga!” gigil nitong sabi at seninyasan ang dalawang alagad na naghihilot sa likuran niya na umalis. Napa-irap na lang ako. Minsan ayaw ko ng patulan ‘to baka ma stroke. “Sabihin mo na ang sasabihin mo Myerna, upang maka-alis na ako, ang asim ng lungga mo.” Gumusut naman ang mukha nito, truth hurts talaga. “Makinig ka sa ‘kin! Huwag kang papayag kapag ikaw ang pinili ni Lord Hudo maging maid. Dapat ang anak kong si Kristine ang mapipili!” “Paano kung gusto ko?” kapag sinabi ko sa kan’ya na ako ang gustong maging maid ni Lord Hudo, siguradong comatose ‘to sa galit. “Aba! Makakatikim ka sa ‘kin!” Itinaas niya pa ang parang bola niyang kamao. “Myerna, wala akong plano maging amo si Lord Hudo. Loyal maid ako ni Sir Hari.” May utang na sama ng loob kasi ako kay Hari, kaya hindi ako maka-alis. Tumalikod na ako upang lumabas dahil sobrang asim talaga ng lungga niya. Nakasalubong ko naman ang parang ka boardmate ko rito. “Amihan, my friend!” “Nandito ka lang pala,” ngumiwi siya sa ‘kin. “Mukhang may ginawa ka naman kay Hari, makautos sa ‘kin hanapin ka ay parang end of the world na.” “Bakit ba?” “Ewan! Nasa sala ‘yong dalawa baka gawin kang referee no’n dahil may pinag-aawayan ang mga ten years old kung maka-asta.” Umalis agad si Amihan kaya naglakad na ako palapit sa sala at dinig ko ang boses ng dalawa na parang may pinag-aawayan nga. Tago at lakad naman ang ginawa ko hanggang nakita ako. “APRIL.” Wew. Sabay-sabay pa nilang binanggit ang pangalan ko. Nakayukong lumapit naman ako sa harap nila. “You don’t like it here, right? Be my maid, April. I’ll triple your salary.” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Lord Hudo habang napauwang ang bibig. “She’s already my maid kuya Hudo! Pumili ka na lang sa ibang maid ko. Not her! Ako nauna sa kan’ya kaya dito lang siya sa ‘kin!” Pabalik-balik naman ang tingin ko sa ‘kanila. Teka, pinag-aagawan nila ako? Haba ng hari na ba? “F*ck! Kinakalaban mo talaga ako Hari?” “Teka…teka.” Pagpigil ko muna sa ‘kanila na parang isang referee. “Huwag naman kayong mag-away dahil sa ‘kin. Gusto niyo ipagtimpla ko na lang kayo ng juice? Upang mawala ang init ng ulo niyo?” Napatahimik naman silang dalawa. “Kunin mo na pala ang maid ko, Kuya Hudo.” Napatingin naman si Lord Hudo sa kan’yang relo. “Uhmm…I think it’s not the right time. May meeting pa pala ako.” Napatingin naman ako sa ‘kanila na nagmamadaling umalis. Akala ko ba gusto nila akong maging maid?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook