THREE

2000 Words
“Tiya! Aalis na po ako!” Isinukbit niya sa balikat ang kaniyang sling bag at siniguradong nakasarado ang zipper niyon. Naroroon kasi ang budget pamalengke na ibinigay sa kaniya ng Tiya Baby niya pati na rin ang mga kulang na supply sa tindahan. Napasulyap siya sa relos na suot. Alas-sais pa lamang ng umaga ang sinasaad niyon. Sa tinagal niyang nakatira sa kaniyang tiyahan ay nasanay na din siya sa pamamalengke mag-isa. Kapag wala namang ginagawa ang kaniyang tiya ay sinasamahan siya nito, ngunit madalas ay siya na ang nagpiprisinta noon na mamalengke, hanggang sa nakasanayan na niya. Isa pa, itinuturing niya ang sarili na napakasuwerte dahil sobrang bait ng tiya niya. Kaya naman ginagawa rin niya ang lahat upang makatulong dito, at masiguradong hindi siya nagiging pabigat. “Sige, ‘nak! Mag-ingat ka ha?” Saglit na itinigil ng kaniyang tiyahin ang pagdutdot nito sa calculator at kumaway sa kaniya. Kasalukuyan kasi itong nagsusuma ng mga may utang sa tindahan, at mga bayarin na rin sa bahay. Napakasipag talaga ng kaniyang tiyahin sa ganoon. Anito, nagsisimula na daw kasi itong maging makakalimutin sa mga bagay-bagay kaya naman madalas itong magkwenta at magtala ng mga bills na kailangang bayaran. Mayroon itong mga magkakahiwalay na notebook para doon. Saludo siya sa kaniyang Tiya Baby, dahil napakasinop nito sa paghahawak ng pera. Dito siya natuto magpahalaga ng bawat sentimong nakukuha niya. Palagi nitong pinaaalala sa kaniya, at pinapangaral sa mga anak nito na hindi madaling kumita ng pera. Na hindi iyon basta-basta lamang napupulot sa kalsada o bumabagsak mula sa langit. Pinaghihinarapan iyon, pinagpapaguran, pinagpapawisan. At kahit ito ang may pinakamagandang buhay ngayon sa kanilang mga kamag-anak ay palagi pa ring nakatuntong sa lupa ang mga paa nito at hindi nalilimutang magpasalamat sa Maykapal para sa lahat ng biyaya na natatanggap. Nagsimula siyang malakad patungong sakayan dala ang kaniyang bayong na laging ginagamit sa pamimili. Kahit kasi halos nasa likod lamang ng Masigasig Public Market ang Pritil ay kailangan pa rin niyang sumakay patungo sa pinakamalapit na grocery warehouse. Mas mura kasi ang mga bilihin doon kumpara sa mga grocery stores sa Masigasig Public Market mismo. Isa pa, karamihan ng mga tinda sa pampublikong palengke na iyon ay mga gulay at karne lamang. “Ayos…” bulong niya nang makitang wala pang pila sa sakayan. Kaagad siyang sumakay sa tricycle at minuto lamang ang lumipas nang may tumabi sa kaniyang lalaki. Itinago niya ang pagkabigla nang mapagsino iyon. Pati ba naman ganito kaaga? Gusto sana niya sumiksik palayo kay Brayden ngunit masikip na ang tricycle. Bababa pa sana siya, ngunit may mga iba pang pasahero na sumakay at nahihiya naman siyang pababain uli ang mga ito para lamang makadaan siya. Isa pa, mukhang papasok sa trabaho ang mga pasahero na sumakay sa may harap niya. Mas lalong hindi niya ugaling maging sagabal sa mahalagang oras ng iba. Kaya naman napilitan na lamang siyang itago ang pagsimangot nang umandar na ang tricycle. Ramdam niya ang braso nito sa tagiliran niya. Nayakap na lamang niya ng mahigpit ang bayong niyang walang laman at huminga nang malalim. Napanggap na hindi niya napapansin ang binata kahit pa nanunuot sa kaniyang ilong ang pabangong gamit nito. Kahit apat na taon na ang nakalipas ay hindi pa rin ito nagbabago ng brand ng pabango na gamit. Sa tuwing nagkakatabi kasi silang dalawa noon kapag nakakasabay niya ito at si Jomar papasok sa eskwela ay madalas niya itong naaamoy. Kaya naman tila tumatak na ang amoy ng pabango nito sa kaniyang ilong. Pasimple niyang hinawakan ang tuhod upang itago at pahupain ang panginginig niyon. Pipi na lamang niyang dinadasal sa isip na sana ay makarating na kaagad siya sa kaniyang destinasyon. Hindi niya gusto ang pagkakalapit nilang iyon ng binata. Gusto niyang makababa na kaagad sa tricycle na iyon. Ilang minuto ang lumipas at katahimikan lamang ang namagitan sa kanila sa biyahe. Gusto niyang magtatatalon sa tuwa nang matanaw na sa hindi kalayuan ang grocery warehouse. Thank you, Lord! She was literally imagining herself crying in happiness. Ilang sandali na lamang ay makakaalis na rin siya sa masikip at nakaka-suffocate na lugar na iyon. “Mamamalengke ka?” Mahinang tanong sa kaniya ni Brayden ngunit patay-malisya lamang siya at nagkunwaring hindi ito naririnig. Obvious ba?! Pagtataray niya rito sa kaniyang isip. Ngunit hanggang isip lamang niya iyon. Wala naman kasi siyang lakas nang loob magsabi ng ganoong bagay. Inayos niya ang suot na salamin sa mata, at nagkunwaring abala sa pagkuha ng ipambabayad sa drayber. “You do not wear glasses before. What happened to your eyes?” Muling tanong nito. For Pete’s sake, ano bang pakialam mong mamaw ka? Puwede ba? Huwag mo nga akong kausapin ng kaswal na para bang magkaibigan tayo. Ngunit imbes na sabihin iyon ay pinanatili niyang tikom ang bibig. Matagumpay niyang nakuha ang pamasahe sa kaniyang sling bag kahit napakasikip sa loob ng tricycle. “Manong, diyan lang po ako sa tabi. Sa may grocery warehouse.” Agad namang itinabi ng drayber ang tricycle sa tapat ng kaniyang destinasyon. Inabot niya rito ang bayad, nagpasalamat at nakiraan sa ibang pasahero sa harapan niya. Tila nakahinga siya nang maluwag nang makababa sa tricycle na iyon. Dahil hindi lamang ang sikip sa loob niyon ang nagpapahirap sa kaniya na huminga. Pati na rin si… Pinilig niya ang ulo. Someone like him should not get into her head anymore. Not anymore. Never again. Kailangan niyang itatak sa kaniyang kukote huwag nang magpapadala sa kahit anong sasabihin ng Brayden Jackson na iyon. There are more things that she needs to give her attention. Lalo pa ngayong malapit na siyang makatapos ng pag-aaral. She can’t let that man to mess into her head again. I can’t let him make a mess into my life again. *** The whole day went by pretty smoothly. Wala nang aberya sa kaniya, at mabilis siyang nakauwi matapos mag-grocery. She even had this satisfactory smile plastered on her face after she organized all of the grocery items into their respective stalls. Nabura din ng mensahe na nanggaling kay Allie ang panget niyang mood. Ayon sa kaibigan ay naimprinta na raw nito ang lahat ng pahina ng kanilang thesis at kasalukuyan nang nilalagyan ng temporary binder. May-ari kasi ng isang maliit na printing shop malapit sa kanilang unibersidad ang pamilya ng kaibigan. As usual, dumating pa rin si Ron-ron noong bandang alas-tres ng hapon. Ngunit sa pagkakataong iyon ay kasama na ng bata ang ama nito upang bayaran ang mga naipong tang orange at biscuit na kinuha ng bata para sa sarili at para sa ina nitong bagong panganak. Doon lamang din muling pumasok sa kaniyang alaala ang pangakong binitiwan sa bata noong isang araw na dadalawin niya ang ina nito na si Ate Siony at ang bagong baby. Kaya naman noong kumagat na ang dilim at wala na masyadong parokyano ang kanilang tindahan ay nagpaalam siya sa kaniyang tiyahin na bibisitahin saglit ang mag-ina. Pinayagan naman kaagad siya nito dahil malapit dalawang kanto lang naman ang layo ng bahay ni Ate Siony sa kanilang tindahan. Ang tiya daw muna niya uli ang totoka sa tindahan habang hinihintay siya makauwi, at pag-uwi niya ay isasara na nila iyon. Hindi na siya nagdala ng kahit ano bukod sa kaniyang cellphone. May pagmamadali niyang nilakad ang daan patungo sa bahay ng kaniyang Ate Siony na nakilala niya noong minsang nagkasabay sila sa tricycle. Galing noon ang babae sa pagpapa-check up sa doctor, samantala siya ay galing naman sa grocery warehouse. Pasakay na siya noon sa tricycle pauwi at tagaktak ang pawis dahil mataas na ang sakit ng araw, nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay napigtal ang hawakan ng malaking plastic bag kung saan nakalagay ang lahat ng kaniyang pinamili. Kumalat ang mga grocery items sa gilid ng kalsada. At walang ibang tumulong sa kaniya ay si Ate Siony kahit pa nahirapan itong yumuko dahil may kalakihan na rin ang tiyan nito noon. Laking pasasalamat talaga niya noon sa babae, at mula rin ng araw na iyon ay nag-request na siya sa kaniyang tiyahin ng bayong, na agad naman nitong binili matapos niyang maikwento rito ang nangyari. Naging regular na customer na rin ng tindahan nila si Ate Siony matapos ang araw na iyon. Tuwang-tuwa siya nang makita ang mataba nitong baby. Na-missed tuloy niya bigla ang pamangkin niyang si Potpot, ang anak ng kaniyang Ate Madel na ngayon ay anim na taong-gulang na, at kaedaran ng bunsong anak ng kaniyang tiyahin na si Lovely. Nasa grade one na rin ito at sa elementarya sa Barrio Barrameda nag-aaral. Ganoon din kasi kataba ang kaniyang pamangkin noong maliit pa ito. Na-missed niya ito. Matagal na rin kasi siyang hindi nakauwi sa kanilang baryo. Lagpas tatlong buwan na yata dahil sa pagiging abala sa pag-aaral. Naiintindihan naman iyon ng kaniyang pamilya, kaya naman nakukuntento na lamang ang mga ito sa pagkikipagkamustahan sa kaniya sa pamamagitan ng text o tawag, at minsan ay video chat. Ngunit sisiguraduhin naman niyang makakauwi sa mga ito bago siya tuluyang maka-graduate. Babae naman daw iyon, ayon sa kaniyang Ate Siony, at nang sinabi nga nitong kukunin siyang ninang ay walang pag-aatubili siyang pumayag. Wala pa siyang naging inaanak sa buong buhay niya, at ang pangalawang anak lamang nito ang kauna-unahan. Nang matapos ang halos isang oras na pakikipagkuwentuhan kay Ate Siony ay nagpaalam na siya rito at sa asawa nito na uuwi na. “E kumain ka na ba?” Tanong ng kaniyang Ate Siony na pilit ibinabangon ang kalahati ng katawan. “Dito ka na kumain ng hapunan bago ka umuwi. Marami namang naisaing na bigas si Raul e." “Naku, Ate, gusto ko sana e. Kaso lang ay hinihintay pa ako ni Tiya. Wala kasi siyang katulong magsara ng tindahan,” magalang niyang pagtanggi. “Next time na lang, pag nakabalik uli ako rito. Kahit ubusin ko pa ang ulam ninyo,” biro niya na ikinatawa nilang dalawa. “O sige, mag-ingat ka, ha? Gusto mo bang ipatanaw kita kay Raul?” Tukoy nito sa asawa na abala sa pagsasandok ng kanin. “Madilim na yata sa may labas.” “Ay naku, Ate Siony, hindi na po. Kaya ko na ito. Dala ko naman ang cellphone ko pang flashlight saka hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi,” mag-aalas-otso ‘y media pa lamang nang tingnan niya ang relo sa kamay. Hindi naman pati kalayo ang bahay ng Tiya Baby niya sa bahay ng mga ito. Wala pang sampung minuto ay paniguradong nakauwi na siya. “Una na po ako, ate.” “Sige. Ron-ron, uuwi na ang Ate Aymee mo!" Pagtawag ni Ate Siony sa anak na naglalaro mag-isa sa kuwarto. Agad namang lumabas mula sa kuwarto ang bata nang marinig ang pagtawag ng ina nito. "Magpaalam ka na sa Ate Aymee mo, Ron." “Bye, Ate Aymee! Balik ka uli rito.” Nakangiting kumaway sa kaniya si Ron-ron. Malaki ang ngiti sa labi nito. “Bye, Ron-ron, babalik ako pag may libre uli akong oras,” kumaway din siya pabalik sa bata. “Sige, Ate Siony, uwi na ako." Paalam niyang muli. “Sige, ingat ka, Aymee.” Pagkasabi niyon ng kaniyang Ate Siony ay tuluyan na siyang tumalikod sa mga ito. Hindi na niya binuksan ang flashlight sa kaniyang cellphone sa takot na baka may biglang manghablot sa kaniya niyon. Nakuntento na lamang siya sa liwanag mula sa ilaw ng mga sasakyan at tricycle na padaan-daan sa may kalsada. Mabilis ang kaniyang paglalakad. Ngunit isang kanto na lamang ang layo niya mula sa kanilang tindahan nang matigilan siya. Dalawang nakatayong pigura ang namataan niya sa madilim na bahagi ng kanto. At nang saglit na matapatan ng liwanag na nanggagaling sa mga dumaraang sasakyan ang dalawa ay tila natulos siya sa kinatatayuan. Si Brayden iyon. Oo, ang Brayden na nakasabay niya kanina lamang umaga sa may sakayan. Iisa lamang naman ang Brayden sa Pritil. At ang mas lalong nagpatulos sa kaniya sa kinatatayuan ay ang pikit-mata nitong pakikipaghalikan sa isang magandang babae na hindi niya kilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD