SIXTEEN

2100 Words

"Nay, nasaan sina Ate Madel?" Tanong ni Aymee habang kumakain ng turon na ang kaniyang ina mismo ang nagluto. Kasalukuyan na silang nasa kusina at kumakain ng meryenda. Hapon na nga ang meryenda nila. Alas kuwatro 'y media na kasi ang isinasaad na oras sa kaniyang relo sa kamay. "Nasa eskwelahan, sinusundo si Potpot, pauwi na rin iyon. Naku, siguradong matutuwa ang pamangkin mo kapag nakita ka." "Syempre, panigurado pasalubong kaagad ang hahanapin sa akin nun, Nay." Natawa naman ang kaniyang mga magulang dahil sa kaniyang sinabi. "E si Arnel ho?" Kapagkuwan ay tanong niya. "Kauuwi lang non galing sa eskwelahan kanina. Nagpaalam sa akin na magbabasketbol daw kasama ang mga kaibigan niya." Sumim.sim ng kape ang kaniyang Tatay Rodel. "Kamusta ang Maynila, 'nak." Tanong ng kaniyang ina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD