FIFTEEN

2000 Words

"Anak, magluluto lang ako ng meryenda. Magpalit muna kayo ng damit ng mga kaibigan mo," sabi ng kaniyang Nanay Rosa na nagtungo sa kusina. Kasunod naman nito ang kaniyang Tatay Rodel. "Sige po, 'Nay," magalang niyang sagot. Nailibot niya ang tingin sa kabuuan ng kanilang bahay. Nagbago iyon sa loob ilang buwan na hindi siya nakauwi. De-tiles na ang kanilang sahig na dati ay makinis na nakasemento lamang, bago na rin ang kanilang telebisyon, at maging ang mga kurtina ay halatang bago ring bili. Ang hindi lamang nagbago ay ang dati na nilang mga muwebles na ginawa mismo ng kaniyang ama. Kahit isang palapag lamang ang kanilang bahay ay talagang nakapaaliwalas niyon. Mas umaliwalas pa nga ito ngayon. Tatlo lamang ang kuwarto sa kanilang bahay: ang kuwarto ng kaniyang mga magulang, ang kuwar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD