SIX

2000 Words
"So in two weeks, there will be a retreat. Tapos yung mga standing for graduation na students, magkakaroon ng picture taking. There is still no definite date for that. Kapag napagdesisyonan na ng Student Council, ipo-post na lang namin sa information board ang final date." Nagkatinginan silang tatlo nina Allie at Anjie. Halata sa dalawa ang excitement. Napangiti na lamang din siya at ibinalik na sa speaker ang kaniyang tingin. Sa katunayan ay wala doon ang isip niya. Pinipilit lamang niyang makinig dahil mahalaga ang usapang iyon. Ang isip kasi niya ay nasa isang tao na ni hindi naman dapat niya iniisip. Para lamang hindi sila magkasabay ngayong umaga ng taong iyon ay pumasok siya dalawang oras bago ang oras dapat ng kaniyang klase. Tumambay na lamang siya sa library at tinapos ang ilan niyang assignment kahit pa malalayo pa ang deadline ng mga iyon. Hindi rin niya napansin si Jomar ngayon araw. Hindi niya alam kung hindi ba ito o pumasok o sadyang lumilipad ang kaniyang isip at hindi niya ito napansin. Either way, ang isip talaga niya ang may problema dahil natutuliro siya ngayong araw. At hindi na iyon maganda. Hindi na puwedeng magpatuloy ang pagkawala ng kaniyang pokus. Nang matapos ang conference na iyon ay nagkayayaan silang tatlo na kumain muna sa labas bago umuwi. Wala na kasi silang klase pagkatapos ng conference, kaya naman maaari na silang umuwi. Isa ito sa mga araw na hindi mabigat ang kanilang klase, kaya naman madalas sa araw na rin na iyon sila nagkakayayaan na magpunta sa pinakamalapit na mall, kumain at maggala. "Saan ninyo gustong kumain?" Tanong ni Allie habang naglalakad sila papasok sa mall. "Kahit saan okay lang sa akin," sagot naman niya. "Kaya lang hindi ako pwedeng magtagal ngayon ha. Kailangan ko pang bantayan ang tindahan pag-uwi ko." "Oo, alam naman namin 'yon. Huwag ka mag-alala, isang oras lang tayo tapos uuwi na." "Uuwi daw?" Umangat ang isang kilay ni Anjie. "May date iyan at si Mark ngayong araw." Napatingin naman siya kay Allie dahil sa sinabi ng pinsan nito. "Ikaw ha, hindi mo sinasabi sa amin ang mga date mo. Boyfriend mo na ba iyon?" "Hoy, hindi pa ha." "Pa. Hindi pa. E 'di may balak ka nga na jowain iyon?" Tanong niya. Napatigil na sila sa paglalakad. "Bakit ba kayo kontra sa love life ko? Mabait naman si Mark ah? Guwapo at maalalahanin din." Pagtatanggol ni Allie sa lalaki. "Iyong sinabi ninyo sa akin noong nakaraang araw, tungkol sa pagpapagawa niya sa akin ng essay analysis niya? Ako naman ang nag-volunteer na gumawa niyon kasi due date na pero wala pa siyang gawa dahil sa part-time job niya. Masipag ang lalaking iyon." "Allie..." Alam naman nila na marupok ang kanilang kaibigan, ngunit ngayon lamang nila ito narinig na nagtanggol ng isang lalaki. "Baliw ka ba?" Nakita ni Aymee na hinawakan ni Anjie ang magkabilang balikat ng pinsan. "Hindi kami kontra sa love life mo. Sinusuportahan ka nga namin e. Kaya kapag sinaktan ka niyan, asahan na lang niya na makakatikim siya ng bugbog samin." "Tama, tama," segunda niya. Nakangiting niyakap siya nito at si Anjie. "Kaya natutuwa ako sa circle of friends natin e. May kaibigan na ako, may bodyguard pa." Si Anjie ang unang kumalas sa yakap. "O, tama na. Sumusobra ka na yakap baka mabuntis mo na ako." Ayaw na ayaw talaga nito ng mga cheesy na eksena. "Ewan ko sa iyo, Anjie. Panira ka talaga ng moment." Inismiran ito ni Allie. "Minsan lang maging sweet e." "O baka mag-away pa kayong dalawa, tara na at kumain na lang tayo." Nakangiti niyang inakbayan ang dalawa at hinatak papasok sa isang fastfood restaurant. GAYA NANG napag-usapan nila, isang oras nga lamang ang itinagal nila sa mall. Nagkayayaan na silang umuwi pagkatapos tumitingin-tingin ng libro sa isang bookstore. Aymee, pakibuksan mo na lang ang tindahan. Dinalhan ko ng pagkain sina Lovely at Timmy. May kailangan din ako puntahan. Baka hapon na ako makauwi. Pakisundo na lang sina Timmy ha? Sasabihan ko sila na ikaw ang susundo sa kanila. Iyon ang mahabang mensahe na natanggap niya mula sa kaniyang Tiya Baby. Sige po, Tiya. Ako na po ang bahala. Pinundot niya ng send button saka ibinalik ang de-keypad niyang cellphone sa loob ng kaniyang bag. "Bakit ayaw mo pang palitan yang pre-historic mong cellphone? Ga-graduate na lang tayo lahat-lahat, wala ka pa ring messenger." Halos manulis ang nguso ni Allie sa pagpapaliwanag sa kaniya. "E, hindi ko naman kailangan 'yon," sagot niya. "Ano ka ba, T-rex na iyang cellphone mo, Aymee. Cellphone pa iyan ng mga magulang ko noong hindi pa ko napagdedesisyunan ni Lord na ipadala dito sa Earth e. Tsaka, magandang pa rin 'yong may cellphone na medyo magara 'no. Essential na ang communication devices ngayon. Tsaka---" Kumunot ang noo niya nang makitang natigilan si Allie. Para itong nakakita ng multo. "Tsaka ano?" Tanong niya. Walang anu-ano'y hinatak silang dalawa ni Anjie ni Allie patungo sa medyo mataong lugar. "Anong bang ginagawa natin dito? Akala ko ba uuwi na tayo?" Tinakpan ni Allie ang bibig ni Anjie gamit ang hintuturo nito. "Tingnan niyo." Sabay naman silang napatingin ni Anjie sa itinuturo nito. "O? Si---" "---Brayden..." Anas niya sa pangalan ng binata naglalakad papasok sa isang boutique. Ngunit hindi ang pagkakita rito ang nagpagulat sa kanila, kundi ang babaeng kasama nito at kahawak pa ng kamay. Kilala niya ang babaeng iyon. Hindi siya magkamali. Kahit madalim ang eskinita noong gabing iyon, alam niyang ang babaeng iyon ang kahalikan ni Brayden. "Ano bang nagustuhan mo kay Brayden?" Umangat ang kilay niya sa tanong na iyon ni Allie. Kasalukuyan silang nasa salas ng bahay nito at gumagawa ng assignment. "Bakit? Kailangan ba may dahilan para magustuhan mo ang isang tao?" "E 'di ba, normal lang naman iyon? Yung magkaroon ng dahilan?" "Ibig sabihin hindi ako normal?" Sa totoo lamang, ngayon lang din pumasok sa kaniyang isip ang tanong na iyon. Hindi pa rin niya natanong ang sarili kung ano nga ang nagustuhan niya kay Brayden. Basta isang araw, napagtanto na lamang niya na gusto niya ito. Isa pa, may pagka-hopeless romantic din kasi ang paniniwala niya. Kung kagandahan o kagwapuhan ang dahilan kung bakit mo gusto ang isang tao, magugustuhan mo ba pa siya kung wala na ang ganda nito? Kumukupas ang panlabas. Paano kung ang dahilan ay ang pagiging mabait, mabango, o matalino? Paano kung maubos na ang lahat ng dahilan na iyon, may pag-asa pa bang magkagusto ka sa taong iyon? Love is more than just those reasons. Iyon ang paniniwala niya. "Pwede bang magsinungaling ka na lang sa akin, Aymee?" "Hmm..." akma siyang nag-isip. "Siguro dahil kahit madaming humahabol sa kaniya, magalang niyang hinaharap at tinatanggihan. Medyo konserbatibo din siya at talaga namang gentleman." Bakit? Bakit pumasok sa alaala niya ang pag-uusap nilang iyon ni Allie ilang taon na rin ang nakakaraan. Mula sa kung nasaan sila, kita pa rin nila mula sa labas ng mga salaming dingding ng boutique kung paano hinalikan muna sa labi ng binata ang babaeng kasama nito, bago excited na umalis ang babae upang pumili ng damit. Parang may kumurot sa kaniyang puso at ngayon ay namamanhid iyon. I'm just trying to be nice. That's what he said last night. Kung ito pala ang depinisyon ng binata sa pagiging 'nice', tama lang ang mga nasabi niya dito. "Aymee--" Napatingin siya kay Allie. May malungkot na ekspresyon sa mukha nito. "Bakit ganyan ang hitsura mo?" Mabuti na lamang at hindi siya pumiyok. Para kasing may bara ang kaniyang lalamunan na nagpapahirap sa kaniya na magsalita. Pinatatag niya ang ekspresyon sa harap ng mga kaibigan. Kunwari'y tiningnan niya ang oras sa suot na relo. "Naku, lagot ako kay Tiya. Magtatagal pa ba kayo rito? Kailangan ko na talagang umuwi e. Mauuna na ako sa inyo ha?" "Aymee!" Narinig pa niya ang pagtawag ng dalawa sa kaniyang pangalan ngunit dire-diretso siya palabas sa mall. Malalaki ang kaniyang hakbang at walang lingon-likod. Nang may tumigil na jeep sa harapan ay agad siyang sumakay roon. *** Napabangon si Aymee mula sa pagkakayukyok niya sa mesa nang marinig ang pagtawag ng isang pamilyar na boses. Panay ang sigaw niyon ng 'pabili.' Kahit wala siya sa mood ay tumayo siya upang pagbilhan iyon. "O? Jomar?" "Hey." Nakangiting bati nito. "Pabili." "Anong bibilhin mo?" "Uh, pabili ng tatlong bote ng gin, sampung tanduay, tsaka tatlo ring Tang pineapple." Bahagya siyang nagulat sa binibili nito. Bukod sa hindi naman ito madalas bumibili sa kanila, nagulat din siya dahil puro alak ang binibili nito. Ngunit hindi na siya nagtanong, bagkus tumayo na siya upang asikasuhin ang binibili ng binata. "Sige saglit lang." Kumuha siya ng malaking plastik at isa-isang inilagay roon ang binibili nito. "Ito lang?" "Aymee, pabili rin ng tatlong yelo," pahabol nito. "Mukhang may kasiyahan sa bahay niyo ah," hindi niya mapigilang komento habang kumukuha ng yelo. "Ah, birthday ko kasi." Saglit siyang natigilan nang marinig ang sinabi nito. "Hindi nga ako nakapasok kanina e. Tinamad ako. Birthday naman e. Sapat na sigurong excuse iyon." Natawa ito sa sariling sinabi. "Nagpapunta ako ng ilang kaibigan. Tsaka, ilan nating mga kaklase." "Ito lang ba? May bibilhin ka pa?" Tanong niya nang makalapit dito dala ang binibili nito. "Pakisama mo na rin ito, Aymee." Inilagay nito sa plastic ang ilang malalaking tsitsirya na hinatak nito mula sa mga nakasabit nilang paninda sa labas. Nang maisama iyon sa plastik ay kwinenta na niya ang lahat ng iyon, at agad naman nitong iniabot ang bayad sa kaniya. "Happy birthday ah," aniya nang maiabot dito ang binibili nito pati na rin ang sukli. "Mag-enjoy ka. Araw mo ito e." "Thank you." Nakangiti namang sabi nito. Akmang tatalikod na ito nang saglit na mapatigil ito at muling humarap sa kaniya. "Uh, Aymee..." Pagtawag nito. "Hmm? Bakit?" "Magkaibigan naman tayo, hindi ba?" Bahagyang kumunot ang noo niya sa tanong nito ngunit sa huli ay sunud-sunod na pagtango ang isinagot niya dito. "Oo naman." Magkaibigan naman sila hindi ba? Kahit hindi naman sila masyadong nag-uusap, sigurado siyang magkaibigan silang dalawa. Ang hindi lamang niya maintindihan ay kung bakit iyon naitanong sa kaniya ni Jomar ngayon. Sobra kasing unlikely niyon sa binata. Unlikely in general ang tanong na iyon. Lumaki ang ngiti sa labi nito "Then..." he paused for a moment. Parang pinag-iisipan ang susunod na sasabihin. "Then can I invite you over?" Tanong nito. "Huh?" Narinig naman niya ang sinabi nito ngunit napamaang pa rin siya. Tama naman ang dinig niya, hindi ba? Niyayaya siya nito? "Sa bahay. May salu-salo kasi e." Napatingin siya sa hawak nitong plastik ng alak pagkatapos ay sa binata. Tila nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin sa tingin niyang iyon. "Ah, huwag kang mag-alala. Ayos lang naman kung hindi ka iinom. Para sa ibang kaklase natin 'to. H-hindi rin kasi ako masyadong nag-iinom." There's the answer to her question. Kaya pala siya nito tinanong ay dahil sa gusto siyang imbitahan ng binata sa birthday party nito. "Uh..." hindi niya alam ang isasagot dito. Ngunit nang makitang tila naghihintay ito ng kaniyang sagot ay wala na siyang nagawa. Alanganin siyang ngumiti. "Sige, susubukan ko, kapag dumating na si Tiya maya-maya. Wala pa kasing ibang magbabantay dito sa tindahan." "Sure, sure. Kita-kits na lang tayo mamaya. Sana makapunta ka kaagad." Tuluyan na itong tumalikod at tumawid patungo sa kabilang side ng kalsada. Kumaway pa ito sa kaniya bago tuluyang isinara ang gate ng bahay nito. Nakangiti na lamang siyang kumaway pabalik. Unti-unting napalis ang kaniyang ngiti. Kahit wala na ang binata sa may gate ng bahay nito ay hindi pa rin niya inaalis ang tingin doon. Something is odd with Jomar today. Guni-guni lamang ba niya iyon? Pakiramdam kasi niya ay may kakaiba sa mga ngiti at tingin ng binata ngayong araw. It is really unusual to her. Ngunit hindi niya alam kung ano ba talaga ang unusual doon. Ipinilig niya ang ulo bago bumalik sa ginagawa kanina. Heto na naman siya, hinahayaan na naman niya ang sarili na ma-bother sa mga bagay na ni hindi naman dapat niya masyadong pinag-iiisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD