"Aymee?" "Uh, Brayden." Napaatras siya nang si Brayden ang magbukas sa kaniya ng gate. Nakasuot ito ng puting t-shirt at pajama, halatang kaliligo lamang nito at mukhang nagpapaantok na. Nakayapak pa ito. Dahil siguro sa pagmamadali na mapagbuksan siya. Ugh. Nakakainis. Bakit kahit ganito lang ang suot ng taong ito ay pagkalakas-lakas ng karisma? Teka nga lang... She mentally pulled her hair. Bakit ba niya pinupuri ang lalaking ito sa utak niya? She should he cursing him. Right! That's what she should freaking do! Ipinilig niya ang ulo upang alisin ang kung anu-anong ideya na pumapasok doon. Masyado nang madaldal ang utak niya. "Anong sadya mo rito? I am sorry, ngayon lang kita napagbuksan. Naka-earphone kasi ako, hindi ko kaagad narinig," sabi nito. Iyon pala ang dahilan ng matagal n

