ELEVEN

2000 Words

"One million followers?!" Hindi maialis ni Aymee ang tingin sa nakangiting mukha ng binata. Namimilog ang mga mata niya habang nakatitig sa writer's account ni Jomar. Hindi halata sa binata na isa pala itong sikat na manunulat sa online world. O baka sikat talaga ito at siya lamang ang hindi nakakaalam dahil ngayon lamang niya napalitan ang ayon nga kay Anjie, 'pre-historic' na niyang cellphone. 23 works. Pinindot niya iyon at lumabas sa screen ang listahan ng mga naisulat na ng binata. Matagal na pala itong nagsusulat bago pa tumuntong ng kolehiyo. May mga nobela pa rin ito na isinusulat, at ang huli nitong update ay noon pang isang linggo. Malamang ay dahil sa naging busy ito sa mga gawain sa eskwelahan. Marami ring nagpo-post sa timeline nito na nagtatanong kung kailan uli ito magsusu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD