THIRTEEN

2600 Words

"Anak, mag-iingat ka sa byahe ha? Iyong mga gamit mo, huwag mong hahayaang mawala sa paningin mo. Alam mo pa naman kung paano umuwi mag-isa sa Barrio Barameda diba?" Tanong sa kaniya ni Tiya Baby habang inaayos ang scarf sa kaniyang leeg. Kahit pilit nitong itago nito sa kaniya, alam niyang nalulungkot din ito sa ilang araw niyang pag-alis. Kasalukuyan silang nasa sakayan ng bus. Madilim pa ang langit dahil maaga siyang bumangon kanina at ngayon ay alas kuwatro 'y media pa lamang ng umaga. Nagulat pa nga siya nang maabutan niya ang Tiya Baby niya na gising na rin at naghahanda ng umagahan. Ngunit hindi lamang iyon, pinagluto rin pala siya nito ng tanghalian na inilagay sa isang tupperware. Anito, matagal daw kasi ang byahe at paniguradong aabutin siya ng hapon kaya mas mabuting may baon s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD