THIRTY SEVEN

2001 Words

"Aguilar, Aymee L." Hindi mapagsidlan ang kasiyahan ni Aymee nang tawagin na ang kaniyang pangalan sa entablado. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata habang paakyat sa hagdan. Ito na nga. Totoong-totoo na ito. Siya na nga ang kauna-unahang nakapagtapos sa kanilang pamilya. Rinig niya ang palakpakan ng mga tao. Isang malaking ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. Kinamayan siya ng mga propesor sa stage, kasunod niyon ang nagkikislapang ilaw mula sa mga kamera ng photographer na nai-hire ng unibersidad. At nang bumaba siya mula sa entablado dala ang kaniyang diploma ay agad siyang sinalubong ng yakap ng kaniyang pamilya. "Congratulations, Ate Aymee," niyakap siya ni Arnel. "Congrats sa ating dalawa, Arnel." Dahil sa susunod na linggo ay ito naman ang magtatapos sa senior high school.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD