THIRTY FIVE

2200 Words

"Brayden, who is she?" Nagpalit-palitan ang tingin ni Aymee kay Brayden at sa kadadating lamang na babae. Syempre kilala niya ang babaeng iyon. Paano ba naman niya malilimutan ang mukhang iyon, kung iyon lamang naman ang babaeng nakita niyang nakahalikan ng binata sa eskinita noong unang gabi na bumalik ito mula sa Amerika. Napatitig siya kay Brayden. Hindi nito alam ang gagawin, nakikita niya iyon sa ekspresyon nito. Nanginginig ang mga kamay nito habang hawak ang mga kubyertos. Alam na alam niya ang ekspresyong iyon. Iyon din kasi ang ekspresyon nito noong iligtas niya mula sa isang babae at dalawang binabae ilang taon na rin ang nakararaan. Isa lamang ang ibig sabihin niyon: hindi ito kumportable sa babaeng bagong dating. Kung gayon ay bakit ito nakipaghalikan dito noon? Iyon kaagad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD