Chapter 16 - Leen

1491 Words
"End it with him..." Iyon ang mga kataga na hindi ko akalain na maririnig ko mula kay Rave. Hindi ko alam na magiging ganito ang kahihinatnan ng pananatili ko sa poder niya bilang si Lena. Isang hamak na katulong na nangangailangan. Ang mapanuksong halik niya na dapat pinigilan ko ay mas lalong lumalim. Hindi ko namalayan na ang kamay ko ay unti-unti nang nangunyapit sa kanyang leeg. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Mahina ako. Unti-unti akong tumugon sa kanyang halik. Tinugunan ko ang bawat marubdob niyang paghinang sa aking labi. Damang-dama ko ang bawat galaw niya. Nangungulila at mapaghanap. Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa aking likuran. Hinapit niya ako at mas lalong nilaliman ang pinagsaluhan naming halik. Wala sa loob na napaungol ako. Isang mahina ngunit nanginginig na ungol. Tila nabuhay ang pagnanasa na inakala kong hindi na muling manunumbalik sa akin. Dumadaloy ito hanggang sa bumaba patungo sa aking pinaka sensitibong parte ng aking katawan. Wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari. Ang alam ko lang ay halos hindi na kami mapaghiwalay ni Rave. Hindi ko matandaan kung paano niya akong nabuhat at dinala sa kanyang kwarto. "I want you. I want you so bad. Hindi mo alam kung gaano mo ako binabaliw araw-araw, Lena..." bigla ay bulong niya sa akin. Maingat niya akong inilapag sa kama habang siya ay halos hindi na humiwalay sa akin. Muli niyang sinakop ang labi ko. Damang dama ko ang karnal niyang pag-aasam. Bumaba ang kanyang halik patungo sa aking leeg. Unti-unti niyang tinatanggal ang saplot sa aking katawan. Napasinghap ako nang maramdaman ang kanyang kamay na pumasok sa ilalim ng aking damit. "R-Rain..." "Lena?" "'W-wag kang titigil..." "Lena..." Napakunot ako ng noo. Tila nag-iba na ang tono ng boses niya. At parang nawawala ang kanyang paghalik. Nasaan na siya? Umalis ba siya? Balak ba niya akong bitinin? Teka... Bakit parang sobrang liwanag na sa paligid? "Lena!" "Ay tipaklong na adobo!" Napatalon ako sa gulat at napamulat ng mga mata. Agad na bumungad sa akin ang nakakunot na noo ni Rave. Palinga-linga naman ako sa paligid ko. Nasaan ako? Hindi ito ang kwarto ko. Napakislot ako sa sakit ng ulo ko. "Ahh..." "Siguro naman nakapagpahinga ka na nang maayos? Pwede ka na bang lumayas d'yan sa higaan ko? Punong-puno na ng laway 'yan," sarkastiko niyang tanong. Gumagalaw-galaw pa ang kanyang panga na animo'y nagpipigil ng galit. Ang mga mata ay lubog at namumula. Mukhang hindi nakatulog. Malakas akong napasinghap sabay takip ng aking bibig. "Hala ka, Sir! Sir, sorry! Hindi ko sinasady—" Napahinto ako at bumangon mula sa kama, "p-paano po ako nakarating—" "Obvious ba? Bigla ka na lang natulog dito sa higaan ko. Pagod na pagod ako galing sa biyahe tapos heto ang madadatnan ko? Ano palang gusto mong gawin ko? Matulog sa kwarto mo? Unbelievable!" Eh? Natulog ako buong magdamag? At sa kwarto pa ni Rave? Ibig sabihin ay panaginip lang iyong kagabi? Napasinghap ulit ako at umiling-iling. Hindi. Hindi ito pwede. Hindi pwede na guni-guni ko lang 'yun. "A-anong oras po kayo umuwi, Sir? Sana po ginising ninyo ako. Sorry po. Hindi na po mauulit!" Napatungo ako habang sinasabi iyon. Gusto ko na lang magpalamon sa ilalim ng lupa sa sobrang kahihiyan. Diyos ko, paano ko maipapaliwanag ang panaginip na iyon? Para kasing totoo. Akala ko talaga... Arggh! Nakakabwisit! "I returned right after my meeting. Hindi pa sana ako uuwi kaso nakalimutan ko na wala akong mga available na emergency materials dito," paliwanag naman ni Rave. "I just thought I need to get back home..." "I-ibig sabihin po, hindi n'yo ako nakita sa ibaba?" Umiling siya. "Hindi. Akala ko nga nasa kwarto ka lang. Nagulat na lang ako na sa kama ko na ikaw nakahiga!" Napakamot ako ng ulo at mas lalong yumuko sa pagkapahiya. "S-sorry po talaga, Sir. Hindi na po mauulit." Napabuntong-hininga siya at tumango. "Lumabas ka na..." Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na nilisan ang kwarto ni Rave. Dumiretso ako sa aking kwarto at doon huminga nang maluwag. Ibig sabihin ay panaginip lang ang nangyari kagabi. Hindi iyon totoo. Diyos ko, mabuti naman! Hindi ko alam kung ano pa ang mukhang maihaharap ko sa kanya kung nagkataon. Minabuti ko na lang na ayusin ang sarili ko bago pumanhik sa ibaba at simulan ang trabaho ko. Mabuti na lang at panaka-naka na lang ang ulan sa labas. Naglaho na ang malakas na hangin. Nakita ko ang dating malinis na poolside at lawn ay naging isang delubyo. Pero dahil umuulan pa ay ipagpapaliban ko muna ang pag-aayos niyon. Buong araw na hindi lumabas si Rave ng kanyang kwarto. Marahil ay nagbabawi ng pagod. Mabuti na rin at hindi ko siya nakikita dahil hindi ko rin alam kung anong mukhang ihaharap ko sa kanya matapos ang malaswang panaginip na 'yun! "Hayop ka talaga, Leodelene! Bakit sa lahat ng mapipili mong mapanaginipan ay 'yun pa talaga? Saan na 'yung sinasabi mong kakalimutan mo na ang lahat ng nangyari? Bakit ngayon ay parang ikaw pa ang bibigay?" naiinis na tanong ko sa aking sarili habang naga-arrange ng mga gamit sa itaas na cabinet. Nakapatong ako ngayon sa de-tiles na lababo habang inaayos ang gitnang bahagi ng kitchen cabinet. Kung kailan naman kasi na nasa treinta na ako ay saka pa ako nakakaisip ng mga makamundong bagay! At talagang sa amo ko pa. Sa amo ko na ex ko pa! "Anong ginagawa mo d'yan?" "Ay tipaklong na Rave!" Napatalon ako sa gulat. Dahil doon ay nawalan ako ng balanse at akmang mahuhulog patalikod. "Woah! Woah! Waaaah!!!" Agad akong napamulat nang maramdamang may sumalo sa akin na matipunong mga braso. "A-are you okay?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Napatulala ako sa kanyang mukha. Nang dumako ang mata ko sa kanyang labi ay wala sa loob na napalunok ako. Ang eksena sa panaginip ko ang biglang sumulpot sa isipan ko. Biglang sumikip ang aking paghinga. Ang init ng pisngi ko. Nanunuyo na rin ang aking lalamunan. "I want you so bad..." bulong niya. "H-ha?" "Ha?" Nangunot ang noo ni Rave. Nang mapagtanto ko kung ano ang hitsura naming dalawa ay ako ang unang tumulak sa kanya. Napatungo ako at umiwas ng tingin. "S-sorry po." "Bilisan mo na d'yan. May pupuntahan tayo..." bigla ay sabi niya. "Po? Saan po tayo pupunta?" "'Wag na puro tanong. Bilisan mo na d'yan. Kailangan nakabihis ka na pagkababa ko, naiintindihan mo?" maawtoridad niyang utos sa akin. "O-opo!" Mabilis akong iniwan ni Rave at nagkulong siya sa kwarto niya. Agad ko namang pinukpok ang ulo ko sa inis. "Bwisit naman! Bakit ngayon pa?" ***** Pagkatapos magbihis ay hinintay ko si Rave sa salas. Pagkapanhik niya ay sinenyasan niya ako at sinundan ko na siya palabas ng bahay. Sa buong biyahe ay naging tahimik lang kami. Mas makakabuti na rin na hindi ko siya nakakausap. Sa tuwing may sinasabi siya ay hindi ko maiwasang hindi mag-focus sa labi niya. Tila hinihila ako niyon. Inaakit ako nang hindi niya namamalayan. Ano na bang nangyayari sa akin? Nahihibang na yata ako. Bahagya kong ipinilig ang aking ulo. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at saka pumikit. "Siya nga pala..." bigla ay simula ni Rave. "Bakit hindi ka matawagan kagabi?" "Ah, kasi po na-lowbat po ang cellphone, Sir. Nakalimutan ko pong mag-charge. Pasensya na po..." "Next time, mag-charge ka. Lagi mong ihanda ang sarili mo lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Paano na lang kapag kailangan kitang ma-contact?" May kinalikot siya mula sa dashboard at inabot sa akin. "Gamitin mo 'to..." "Ito po?" "Powerbank 'yan. 'Yan ang lagi mong i-charge. Para kapag may brown out ay may power ang cellphone mo." "Salamat po, Sir," sabi ko naman sabay tanggap ng powerbank. "Ah, Sir, pwede po bang magtanong sa inyo?" "Ano?" "Ano kasi... curious lang po ako. Bakit hindi n'yo ako ginising man lang kagabi? E 'di sana nakabalik ako sa kwarto ko." Nakita ko ang bahagya niyang pagngiti. May kung ano na sumikdo sa aking dibdib nang makita 'yun. "Ayaw mong gumising. Tulog-mantika ka. At saka mukhang nag-enjoy ka naman sa panaginip mo. Ayaw naman kitang buhatin. Baka malagyan pa ako ng laway mo. Tulo-laway ka kaya matulog!" pang-aakusa pa niya. Namilog ang mga mata ko at napasinghap. "A-ako, Sir? Tulo-laway? Sir naman! Hindi ako gano'n matulog!" "Bakit? Ako ang nakakita. Kaya nga pinalitan ko ang kobre-kama ko dahil ang baho!" Napakagat-labi ako dahil sa pagkapahiya. "G-gano'n po ba? Sorry po." "Mukhang nanaginip ka yata tungkol sa asawa mo. Tinatawag mo pa nga ang pangalan niya, e." "P-po?!" "But it sounds funny. You keep on calling his name." "S-Sir, nagbibiro lang kayo, 'di ba? W-wala ba akong sinabing dapat kong pagsisihan?" Kinakabahan na ako, kingina. Nag-sleeptalking ako at naabutan pa niya! Ano kaya ang nasabi ko? Paano kung may nasabi ako na magpapalaglag sa akin? "Hmm... You're just calling his name. Funny but it also reminds me of someone." "B-bakit po? Ano pong naaalala ninyo?" "Just someone. Someone also called me by that name... Rain..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD