Chapter 12 - Leen

1750 Words
Bumulanghit ng tawa si Ellen nang ikuwento ko sa kanya ang nangyari kaninang hapon. Nasa loob ako ngayon ng aking kwarto pagkatapos kong magawa ang lahat ng trabaho pagkatapos ng hapunan. Napasimangot ako sa kanya habang magkausap kami sa video call. "Beng, naman! Bakit ka tumatawa? Nakakairita kaya!" reklamo ko sa kanya. "Ano ka ba naman, Beng? Wala ka bang napapansin kay ex mo?" Napakunot ako ng noo sa kanya. "Ano 'yun?" "Ang slow mo naman! Sa ginawa ng ex mo, sigurado akong type ka niya. Type ka niya bilang si Lena!" Humagikhik pa ang bruha kong kaibigan. "Akalain mo 'yun? Kahit pangit ka na ay type ka pa rin niya. Iba ka talaga, Beng!" "Loka-loka! Hindi 'yun gano'n. Sigurado ako na mayro'ng something sa kanila ni Craig. Kasi bakit galit na galit siya doon sa tao? 'Di ba dapat ay matuwa siya kasi tinulungan ako ng kaibigan niya?" "E, sure ka ba na magkaibigan pa rin sila?" Napaisip ako sa balik-tanong sa akin ni Ellen. Ang totoo ay hindi ko alam kung paano iyon sasagutin. Sa haba ng panahon na nawala ako ay hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pagitan nina Craig at Rave. Ang alam ko talaga ay matalik silang magkaibigan noon. Si Rave ay likas talagang isnabero at cold sa halos lahat ng tao sa paligid niya. Pero si Craig ay kabaliktaran ng lahat ng kung ano siya. Self-made man si Craig. Masipag at matulungin. Kaya noong humiwalay ako sa ForTech ay nakilala ko siya. Mas matagal ko siyang naging kaibigan bago ko nakilala si Rave. Sa tuwing naaalala ko ang nakaraan ay hindi ko mapigilang mapangiti, lalo na ang alaala na kasama si Craig. Sa lahat ng pagdurusa ko sa loob ng Victoria, si Craig lang ang masasabi kong pinaka magandang alaala ko sa siyudad na ito. "Oh, anong nginingiti-ngiti mo riyan?" bigla ay pang-aasar ni Ellen. "Iniisip mo, 'no? Yieee..." "Tumigil ka nga d'yan, Beng! Hindi naman siya ang iniisip ko, 'no!" Napaiwas ako ng tingin sa aking kaibigan at napabuntong-hininga. "Mabait na tao si Craig. Isa ako sa saksi ng ugali niya. Ang alam ko kasi ay magkaibigan talaga silang dalawa ni Rave. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit niya doon sa tao." "Beng, 6 years na ang nakalipas. Malamang ay talagang iba na ang nangyari. Hindi mo naman iyon alam. Kaya 'wag mo na iyon masyadong isipin. Mag-focus ka na lang sa pagtrabaho mo riyan. At kung sapat na ang ipon mo, pwede ka nang bumalik dito," suhestiyon niya sa akin. Napangiti ako sa kanya. "Kumusta na si Yen-yen? Nakatulog na ba siya?" pag-iiba ko ng usapan. "Oo, nakatulog na siya, Beng." "Mabuti naman. Pasensya ka na, Beng, ha? Sobrang laking abala na ang naibibigay ko sa'yo. Kung may choice lang talaga ako..." Napaluha ako habang sinasabi iyon. "Alam mo namang ikaw lang ang malalapitan ko..." "Eto naman! Beng, kaibigan kita. Nandito ako parati para sa'yo at kay Yen-yen. Hangga't kaya ko, aalalayan ko kayo. Kaya 'wag kang mag-alala sa amin. Gawin mo lang ang nararapat para sa anak mo at ako ang bahala sa iba," sabi naman niya. Lalo tuloy akong napaluha. "Salamat, Beng. Salamat talaga sa lahat..." "Ako rin ay umaasa na maisip ng ex mo na hanapin ka. Alam mo na... kahit hindi ka man nagkulang kay Yen-yen bilang magulang niya ay iba pa rin ang kalinga ng isang ama. Iba pa rin ang may kumpletong pamilya, Beng..." "Hindi ko pa rin kaya, Beng. Sa tuwing naiisip ko ang lahat ng paghihirap na dinanas ko, wala akong ibang maalala kundi ang pagkamuhi lang sa kanya. Kaya mas okay na rin siguro na ganito ang set-up namin. Mas mabuti nang hindi niya alam ang tungkol sa akin at kay Yen. Dahil mas masakit na marinig na hindi niya kami tanggap kaysa ang malaman na hindi man lang niya ako hinanap..." ***** Lumipas ang ilang araw ay nasanay na ako sa mga gawain sa loob ng bahay ni Rave. May madalas na ako lang talaga mag-isa sa loob ng bahay. Madalas na hindi siya umuuwi. Simula nang pagalitan niya ako tungkol kay Craig ay hindi na niya ako kinikibo. Kadalasan sa mga iniuutos niya ay dinadaan niya sa text o tawag. Madalas pa na kausap ko ay ang sekretarya niyang lalaki. Naging ganoon ang set-up namin sa loob ng isang buwan. Malaki naman ang ipinagpapasalamat ko dahil hindi ko siya nakikita na madalas. Mas marami akong oras para matanggal ko ang disguise ko kapag nasa loob lang ako ng kwarto ko. Hindi ako makapagladlad sa labas dahil may mga nakakabit na CCTV cameras sa paligid. Sa gitna ng pagbibihis ko galing sa CR ay biglang tumunog ang cellphone ko. Habang nagpapatuyo ng buhok ay binuksan ko ang mensahe na iyon. 'Prepare my dinner. Uuwi ako.' - Sir Earl. Napairap naman ako. "Oo na, Sir Sungit!" Ni-reply-an ko na lang siya ng 'Okay, Sir' bago ako nagpatuloy sa pagbibihis. Pagkatapos ng lahat ng seremonyas ko ay dumiretso na ako sa ibaba para magluto. Naisip kong magluto ng beef steak. Inihanda ko na ang lahat ng mga rekado. Naisipan kong patugtugin ang mga kanta na na-download ko sa cellphone. Sumasabay-sabay pa ako sa pag-indak habang nagluluto. Sa kasarapan ng pagsasayaw at pagluluto ay hindi ko na ininda ang realidad na may CCTV dito sa may kusina at maaaring may nanonood sa akin. Wala na akong pakialam doon. Bakit naman ako panonoorin ni Rave? Wala namang pakialam iyon kay Lena. Nagpatuloy lang ako sa pagsayaw ko. Bigay todo pa ako na animo'y sumasayaw sa isang TV Show. Saglit kong nakalimutan ang mga problema ko. Ang pagsasayaw kasi ang isa sa past time ko talaga. At kahit na may anak na ako ay hindi ko naman napapabayaan ang katawan ko. Kung tutuusin ay sexy pa rin akong maituturing. Ang hubog ng katawan ko noong ako ay virgin pa at dalaga ay ganito pa rin mapaghanggang ngayon. Isa ito sa asset ko na maipagmamalaki ko. May perpektong laki ng pang-upo, balingkinitan na tila hugis ng bote ng Coca-cola na katawan, at may bilugang hinaharap na matatayog at may sinasabi. Kahit naka-disguise ako ay talagang kahit sino ay makukuha ko ang atensyon. Noong nasa loob nga ako ng Victoria Malls ay talagang napapahinto pa rin ang mga lalaki kahit na simpleng damit lang naman ang sinuot ko. Maituturing na nga akong isang hipon kung tutuusin. Tapon-ulo, dahil sa disguise ko. Pumailanlang ang paborito kong kanta. Dancing Queen ng Abba. Sinasabayan ko pa ito ng kanta habang sumasayaw at umiikot. Iniisip ko na may isang lalaki na kasayaw ko at inaalalayan ako sa bawat pag-ikot ko. Hawak ang sandok ay patuloy lang ako sa pagsasayaw. Umikot ako nang umikot hanggang sa nagkamali ako ng pihit. Napatili ako at akmang madudulas patalikod. Napapikit ako at handa nang makaramdam ng sakit sa katawan. Ngunit ganoon na lamang ang aking pagtataka nang hindi ako nakaramdam ng isang malakas na impact. Bagkus ay may pares ng matipunong braso ang sumalo sa aking katawan. "Do you really have to be this reckless, Lena?" Huh? Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ang tao na sumalo sa katawan ko. "S-Sir Earl?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Salubong ang makakapal na kilay niya. Halata sa mukha ang pagod at kagwapuhan na hindi matatawaran. Wala sa loob na napakagat-labi ako. Sobrang lapit lang ng mukha niya sa akin! Kaunting maling galaw lang ay tiyak na maglalapat na ang mga labi namin sa isa't isa! "Ano? Tutunganga ka na lang ba d'yan?" untag pa niya. Nang mapagtanto ko ang ayos naming dalawa ay agad akong napapiksi at mabilis siyang itinulak. Ngunit hindi ko inaasahan na agad-agad niya akong bibitiwan. Nabuwal tuloy ako sa sahig. Una ang aking pang-upo. "Aray naman!" Napaiwas ng tingin sa akin si Rave. Hindi pa rin nawawala ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay. "Tapusin mo na 'yang ginagawa mo. Ang please, ayoko ng maingay sa loob ng bahay ko kapag nandito ako!" aniya habang patungo siya sa kanyang kwarto. Napairap na lang ako habang kinibot-kibot ang labi na tila nang-aasar sa kanya. Syempre, ako lang nakakaalam niyon! "Sungit, sungit!" Bumalik na lang ako sa aking ginagawa. Pinatay ko na ang nakasalang na beef steak at ang music sa cellphone ko. Hinanda ko na ang mesa para sa hapunan ni Rave. Hindi nagtagal ay pumanhik na siya at dumulog sa kusina. Naamoy ko ang shampoo niya. Basa pa ang kanyang buhok at nakabihis na ng pambahay. Mukhang kaliligo lang niya. Sa ganitong ayos niya ay hindi ko maiwasang mapahanga sa kanya. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit kahit ang mga katulong ay magkakagusto sa kanya. Kung bakit naman kasi nag-overtime siya noon at sinalo ang lahat ng kagwapuhan na sinaboy sa buong mundo? Pagkaupo niya ay umupo na rin ako sa kanyang tapat. Akma na akong kukuha ng kanin nang bigla niya akong pinangunutan ng noo. "What are you doing?" "Kakain po," kaswal kong sagot sa kanya. "Who told you to join me here? May sinabi ba ako na pwede kang sumalo sa akin kapag kakain ako? Kailan pa nangyari 'yun, Lena?" sunod-sunod niyang tanong. Napakagat ako sa dalawa kong labi at ibinaba ang sandok. "S-sorry." Akma na akong aalis sa hapag nang bigla namang tumunog ang tiyan ko. Ilang beses ko bang ipapahiya ang sarili ko sa harap ng animal na 'to?! Makahulugan akong tiningnan ni Rave. Napatawa ako nang alanganin sa kanya. "Sensya na po, Sir. Nakalimutan kong magtanghalian kanina. Nawala po sa isip ko, e. Nakatulog kasi ako." Marahas siyang napabuntong-hininga at napapikit. "Sa dami ng pinamili mo noong nakaraan ay hindi ka man lang nagluto ng pagkain mo?" "E, sorry na po, Sir. Napagod po kasi talaga ako sa pagtanggal ng mga damo sa labas e. Hindi ko namalayan ang oras at napahaba ang tulog ko," pagrarason ko pa. Totoo naman ang sinabi ko. Napahaba ang tulog ko kanina kaya nakalimutan kong mananghalian. Ayaw ko rin kasi talaga ang kumakain nang mag-isa. Hindi ako sanay. Sa tuwing kakain kasi ako ay bigla-bigla na lang ako mapapaluha. Nami-miss ko na kasi ang anak ko. Ngayon lang ako nalayo sa kanya nang ganito. "Why do you even bother preparing kung hindi ka rin pala kakain?" Napabuntong-hininga ulit si Rave at tinapunan ako ng tingin. "Kumain ka na. Next time... don't skip meals." "O-opo..." sagot ko naman at lihim na napangiti. Akala ko ay straight kang magiging jackass, Rave. Bumalik na ako sa pagkakaupo at sinaluhan siya sa hapunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD