Hindi masyadong grande pero elegante pa rin tignan ang pagdaraos sa kaarawan ni Robin. Isa kasi siyang doktor kung kaya't imbitado din pati ang lahat ng mga katrabaho niya sa hospital na pinapasukan nito. Maging sina Stephen at Sofia ay dumalo rin sa espesyal na pagdiriwang iyon. Halos wala silang kamalay-malay na dadalo rin ang dalawang dalaga na sina Bea at Ara sa gabing iyon. Pagkarating nila sa tapat ng bahay nito ay bumungad din kaagad ang mahabang pila sa labas ng mga bisitang imbitado habang may nakabantay na bodyguards sa labas. "Let's go?" lingon ni Leo kay Ara na tila'y kinakabahan at pinagpapawisan ng matindi. "Wait lang." Aniya at bigla siyang hinawakan sa kamay ng binata. Natigilan siya sandali at napatingin kay Leo. "Relax, take a deep breath. Inhale, exhale." Sumunod na

