"Aldrin punta lang ako ng restroom." Paalam ni Bea, sabay tumayo na siya at nagtungo sa restroom. Ngunit hindi siya tumuloy sa loob dahil may bigla na lang humigit sa kaniya. "Stephen?" gulat na aniya nang mapagtantong si Stephen pala ang humila sa kaniyang braso. "What are you doing here? at bakit magkasama kayong dalawa ni Aldrin? syaka ano yung sinasabi n'ya sa amin na fiancé ka daw niya?" sunud-sunod niyang tanong sa dalaga pero napangisi lang siya at tinaboy ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. "Wala kang karapatang tanungin ako tungkol sa bagay na 'yan. Don't you remember? pinaniwala mo 'ko sa mga kasinungalingan mo." Mariin niyang tugon. "May karapatan pa rin ako dahil boyfriend mo ako." "At ako? ano naman ako sa'yo? mistress mo? kabit mo lang?" "Hindi ko mahal si Sofia a

