( SA HOSPITAL -after the accident ) Mahigit tatlong araw ang lumipas nang magkamalay at magising na si Bea. Sina Ara at Aldrin kaagad ang una niyang nakita sa pagkamulat ng kaniyang mga mata. "Si Stephen?" ang unang salitang bumigkas sa kaniyang bibig pero napayuko lang si Ara at tumalikod naman si Aldrin. "Bakit? nasaan si Stephen? masama ba ang kondisyon niya?" nag-aalalang aniya at nanginginig ang boses. "Bakit hindi kayo makasagot dalawa? Ara? Aldrin?" palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa at tila hindi nila alam kung paano nila sasabihin sa dalaga ang tungkol kay Stephen. "Gusto ko siyang makita." Pagkasabi nito ay bigla na lang siyang bumangon sa kama pero kaagad rin siyang natumba sa sahig. Agaran naman siyang tinutulungan ng dalawa at inalalayang makatayo. "Dalhin niyo ako

