"So, i told her na si Sofia nga ay pinsan mo at temporary lang s'yang nakatira dito sa bahay mo ngayon." Ikinuwento ni Robin kay Stephen ang mga nangyari sa kanilang dalawa ni Bea, nang ihatid niya ang dalaga sa bahay nito. "Ano naman ang sinabi n'ya?" tanong ni Stephen sa binatang nakahiga sa kaniyang sofa. "Naniwala naman s'ya kaagad. No'ng una pa nga ay muntikan ko nang masabi sa kaniya na ang asawa mo ang may-ari ng club, kung saan kayo madalas nagkikitang dalawa nuon." Pagkarinig niya sa sinabi nito ay halos kamuntikan na rin maibuga ni Stephen ang kapeng iniinom niya sa mukha ni Robin. "Hindi ba siya naghinala sa'yo?" "Syempre nabigla s'ya! pero nagpalusot na lang ako sa kaniya na may asawa ako at siya ang may-ari no'n." Aniya at sandali silang napalingong dalawa nang marinig ni

