SA JAPAN ( Robin and Ara's Pov ) Pagkatapos makausap ni Ara ang kaniyang fiancé at pagkalabas sa payphone ay bigla naman siyang naupo sa lupa nang masagasaan siya ng nagbibisikleta. "Gumennasai, daijoubu desu ka? (i'm sorry, are you okay?) " ang sabi nito sa lengwaheng japanese at inaalalayan niyang makatayo si Ara. Natigilan naman bigla ang dalaga nang mapatingala siya sa lalaking nagsalita at nagulat na lang siya nang mapagtantong si Robin pala iyon. "Robin?" mahinang tawag nito sa binata, kaya napatingin ito sa kaniya at nagtama ang kanilang mga tinginan sa isa't-isa. "Ara?" gulat nitong saad sa dalaga at pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. "What are you doing here?" tanong ni Robin sa kaniya. "Actually-" natigilan na lamang siya sa pagsasalita nang bigla itong umupo sa

