Kabanata 3

1579 Words
Sakay ng sasakyan, hindi pa rin nagkakasundo ang dalawa. Tila naramdaman nilang mas mabuting hindi na muna magpaalam sa isa't isa, ngunit kailangan nilang maghiwalay ng landas. "Ibaba mo na lang ako sa tabi." Turo niya sa sidewalk. “Ayaw mo bang ihatid kita?” “Kung ihahatid mo ako, ibig sabihin hindi ito ang huling pagkikita nating dalawa. Marami pang darating na susunod hanggang sa maulit-ulit na lang.” Pagkasabi nito ay hindi na siya umimik kaya naman tinabi na lang niya ito. "Kunin mo." Sabi niya sabay abot dito ng pera. "Para saan ito? hindi ako bayarang babae na nagpapabayad sa ibang lalaki pagkatapos gamitin. Pareho nating ginusto ang mga nangyari sa atin kagabi. Sabihin na nating pareho nating ginamit ang isa't isa, okay lang ba?" saka ito bumaba sa kaniyang sasakyan at walang lingon-likod na naglakad palayo sa ginoo. Sinundan siya ng tingin ni Stephen at hindi niya maiwasang mag-alala sa dalaga. "Sana magkita tayo ulit." Bulong niya sa sarili at umalis na rin siya. *** “Hoy, Bea! bakit ang aga aga ay malalim na kaagad 'yang iniisip mo diyan?" sabi ng kaibigan niyang si Ara habang hinihintay ang pagdating ng professor nila. "Ara, maniniwala ka ba kung sasabihin sa iyo ng isang lalaki na ikaw ang una niya?" sabay lingon sa kaibigan. "Una sa lahat?" tanong niya. “Hays, wag na lang.” Yun lang ang nasabi niya at sumilip ulit sa bintana. “Don’t tell me, sinabi ni Joshua na ikaw ang una niya?” bulong nito sa kaniya. "Wala na kami ni Joshua." Mabilis niyang saad habang nanlalaki ang mga mata nito sa gulat. "Ano? pero bakit? Kailan pa?” "No'ng anibersaryo namin." “Sino ang nakipag-break? Ikaw ba o siya?" "Siya?" “Sinasabi ko na nga ba! i'm guessing may namamagitan talaga sa kanilang dalawa ni Rica!” pagkasabi nito ay kaagad siyang nilingon ni Bea. "Ano ang ibig mong sabihin? anong mayro'n kay Joshua at Rica?” "May kumakalat kasing usap-usapan dito sa campus na may nakakita raw sa kanilang dalawa na pumasok sa isang motel.” "Ano?!" bigla siyang napatayo at kaagad namang napalingon sa kaniya ang ilang mga estudyante roon. “Kumalma ka lang, Bea. Pinagtitinginan na nila tayo rito." Kaagad siyang napaupo at bakas sa mukha niya ang matinding panlulumo mula sa dating nobyo. “Kaya sinabi niya sa akin na hindi na siya masaya sa relasyon naming dalawa, dahil may ibang babae na pala siyang kinikita?" galit na galit niyang sinambit habang nakatiklop ng madiin ang kanang kamay niya. "Ano? walang h*yang Joshua 'yon! sinabi niya ba talaga iyon sa iyo?" hindi makapaniwalang saad ng kaibigan. “Humanda talaga silang dalawa sa akin!” galit siyang tumayo at lumabas ng classroom nila, habang nakasunod naman sa likod niya ang dalagang si Ara. “Bea! saan ka pupunta? magsisimula na ang klase natin!" Sigaw ni Ara, pero hindi siya pinakinggan at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa classroom ni Rica. "Nasaan si Rica?" tanong niya sa estudyante na nasa tapat ng pintuan ng classroom. “Rica? ayan na siya!” sabay turo nito sa likod niya at pagkalingon niya rito, si Rica at ang ex-boyfriend niyang si Joshua ay nagkataong magkasama at magkahawak kamay pa sila. “Be- Bea?!” Laking gulat ni Joshua nang makita niya si Bea sa tapat ng classroom ni Rica. Apurahan siyang lumapit sa kanila at sa hindi inaasahang pagkakataon, hinablot niya ang mahabang buhok ng dalaga. “Ang kapal ng mukha mong landiin ang boyfriend ko!” galit na turan niya sabay hinila niya ito sa gitna ng campus. “Bea! anong ginagawa mo? bitawan mo nga siya!" utos ng binata sa kaniya pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasabunot sa buhok nito. "Anong ginagawa mo, b*tch?!" sigaw ni Rica at sinubukang abutin ang buhok ni Bea, pero mas mabilis ang kamay nito kaysa sa kamay niya. Nakuha ng dalawa ang atensyon ng lahat nang dahil sa ginawa ni Bea. Maraming estudyante ang nakikiusyoso sa kanila at marami rin ang nagbubulungan. “Bea, ano ba? sabing bitawan mo si Rica!" nang itulak siya ni Joshua ay kaagad niyang binitawan ang buhok ni Rica at napaupo sa lupa. Habang inaalalayan niya ang nobya na makatayo ay muli silang nilapitan ni Bea pero malakas na sampal ang sumalubong sa kaniya mula sa dating nobyo. “Ano bang problema mo? baliw ka ba? hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?!” nagsalubong ang kilay nito sa kaniya. Tila nabigla ang lahat at hindi nila inaasahan na pagbubuhatan niya ng kamay ang dati nitong nobya. “Bea!” sigaw ni Ara at apurahang lumapit sa kaniyang kaibigan. “Hoy, Ara! mas mabuting ilayo mo rito ang kaibigan mo at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya?" utos ni Joshua sa dalaga. "Bea, tara na." Saad nito habang inaalalayan siya sa braso. "Dahil ba sa s*x?" biglang sabi nito at napatigil sila sa paglalakad. “Dahil ba sa hindi ko ibinigay ang gusto mong mangyari kaya naghanap ka ng iba? tama ba ako, Joshua?" sabi niya, kasabay nun ang pagtulo ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. "Hindi, nagkakamali ka ng inaakala. Ako ang una niyang minahal, bago ka niya nakilala." Mahina at malumanay na isinambit ni Rica sa kaniya. “Ako ang una niyang naging girlfriend bago mo pa siya makilala. Parang ako yung original, tapos xerox copy ka lang. Ako ang niloko niya at hindi ikaw, pero naiintindihan ko pa rin kung bakit mo ito ginagawa. Biktima ka lang din. Pero wag mong isipin na ikaw lang ang nasasaktan." Hindi makapaniwala si Bea sa kaniyang narining. All this time, pinagkatiwalaan niya ito at minahal niya ito ng higit pa sa sarili niya pero ginawa lang pala siyang panakip butas nito. “Totoo ba ang sinabi niya, Joshua? ginawa mo lang akong past time mo?" Hindi pa rin nakaimik si Joshua at nakayuko lang. Nang bigla siyang lumapit at tipong sasampalin na sana siya sa mukha ang binata pero kaagad siyang pinigilan ni Stephen. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at pilit itong binababa ngunit matigas pa rin ang ulo nito. "Bitawan mo ako." Mariin na winika ng dalaga sa kaniya. "Tumigil ka na." Aniya naman sa dalaga. “Wag mo kong pakialaman! hindi mo alam kung bakit ko ito ginagawa." Naluluhang tugon niya sa ginoo. "Sabi ko, itigil mo na ito!" sigaw niya at tumahimik ang lahat. Dumating naman ang head ng school nila at kaagad siyang tinulak ni Bea habang tumatakbo. Susundan niya sana ito pero minabuti niyang iwanan na lang muna ito para pakalmahin ang kaniyang sarili. “Naku, pasensya na Mr. Ulysses, nakakahiya naman na ito ang una mong pagpunta mo rito pagkatapos ganito pa ang naabutan mong sitwasyon. Huwag kang mag-alala, tuturuan ko ng leksyon ang mga batang ito.” saad ng principal kay Stephen. Sinamaan niya ng tingin si Joshua at binangga pa ito sa balikat. Nakatingin lang sa kaniya ang binata pero binalewala din siya kaagad dahil muli nitong tinuunan ng atensyon ang kaniyang nobya, ngunit sa araw ding iyon ay nakipaghiwalay din si Rica kay Joshua. Ilang beses na siyang niloko nito pero hindi niya ito pinapansin. Pero dahil sa nangyari, parang nagising siya sa katotohanan at kailangan na talaga niyang magsimula ng bagong buhay. Samantala, nag-aalala naman si Stephen sa kalagayan ng dalaga. Parang may gumugulo sa isipan niya, pero kailangan din niyang mag-ingat at iwasan ang dalaga. “Mabuti naman at nakabisita kayo rito?” sabi ng principal sa kaniya habang inaabot ang isang tasa ng tsaa. “Nagpunta lang ako dito para alamin ang estado ng school. Balita ko, malapit na rin ang foundation ng school na ito.” sabi niya. "Oo sir, 3 araw na lang." "Gusto kong sumali." "Ano? ibig kong sabihin, siyempre naman. Bakit hindi? pagmamay-ari mo ang paaralang ito at masaya kaming makasama ka sa araw na iyon.” Sabay inom niya ng tsaa at kinakabahan siya sa harapan nito. Ang mga lolo't lola ni Stephen ang may-ari ng paaralang iyon. Dahil apo siya at nag-iisang tagapagmana ay parang pagmamay-ari na rin niya ang mga ari-arian nito. Isa ang paaralang iyon sa pinakamahalaga sa kaniya. Doon din siya nag-aral at nagtapos. Doon din niya nakilala si Sofia, at nagsilbing tahanan niya ito noong mga araw na kailangan niya ng masisilungan sa tuwing nagtatalo ang kaniyang mga magulang. Nang makatapos siya ng pag-aaral at pinakasalan si Sofia, halos nakalimutan na niya ito. Kaya naman, naisipan niyang balikan ito para balikan ang mga alaala ng kaniyang nakaraan. Ngunit sa kabila ng kaniyang pagbisita, hindi niya inaasahan na makikita at mahahanap niya muli ang dalaga rito. “By the way, anong pangalan niya?” tanong niya habang binababa ang tasa sa mesa. “Excuse me?” napailing siya sa sinabi ni Stephen "Yung estudyante kanina." Dugtong niya. “Ahh. Si Joshua ba ang tinutukoy mo?" “Hindi siya. Yung babaeng yun." Itinuro niya ang picture frame na naka-display sa kaniyang opisina, kung saan sumali si Bea sa track and field contest. "Ibig mong sabihin Beatrice?" sabi niya habang lumingon din sa tinuturo niya sa picture. “Beatrice…” mahina niyang sambit. “By the way, puwede ko bang malaman kung bakit mo siya itinatanong? dahil ba sa kaguluhang nangyari kanina?” tanong niya. "Hindi. Ngunit maaari mo bang sabihin sa akin ang tungkol sa kanya? i mean, gusto kong malaman kung kumusta siya sa school na ito.” Ang sinabi niya na may maikling guhit ng ngiti sa kaniyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD