GABRIELLA'S POV “Gray!” sambit ko at mahigpit kong hinawakan ito sa braso. “Huwag mo na siyang patulan dahil ang dami niya nang nainom. Baka kasi lumala lang ang situwasyon,” pagpipigil ko. “But he’s fuckíng rude, so let me punch his face nang malaman niya kung anong ginagawa niya at kung saan dapat siya lumugar! Hindi porke boss mo siya at empleyado ka niya’y magagawa niya na ang gusto niya sa ‘yo!” matigas na sambit ni Gray sa akin. “Sanay na ‘ko, Gray kaya hayaan na natin siya. Baka magkagulo lang mga tao rito dahil sa amin ni Sir Vandave. At nakahihiya sa kaibigan mo kung mangyari ‘yon. Kailangan ko pa naman ng trabaho, kaya iwasan mo na lang siya,” pakiusap ko dahilan upang mabigat siyang bumuntong–hininga. “Pakinggan mo ko ngayon, please,” dagdag ko pa. “I get your point, kay

