Enchanted Forest
Deixy Blaine's POV
Sa gitna ng kagubatan makikita mo ang naglalakihang mga puno, ang mga bulaklak na patuloy na namumukadkad at ang mga nilalang na masayang naninirahan.
Lumanghap ako ng sariwang hangin saka bumaba mula sa tree house na tinitirahan ko. Mula sa ibaba, pinagmasdan ko ang mahiwagang rosas na kumikinang ng iba't ibang kulay. Sadyang napakaganda ng mga ito lalo na't pagsapit ng gabi, mas lalo mong maaaninag ang mga kulay na taglay nya. Kaya hindi na nakakapagtaka na isa ito sa aking paborito.
Nagulat ako ng may biglang sumulpot sa harapan ko.
"Ano ka ba naman Aki lagi ka nalang nanggugulat! Kung may sakit lang talaga ako sa puso baka matagal na 'kong tegi!"
Bigla namang kumunot yung noo nya, natawa nalang ako dahil ang cute nya talaga t'wing ginagawa nya yan. Aki is a girl rabbit, alaga sya ni mommy na ngayon ay alaga ko na. Lumapit naman sya sa'kin at ngayon ko lang napansin yung bagay na dala-dala nya.
Nang inabot nya ito sa akin 'di ko namalayan na may namumuo na palang luha sa mata ko.
"You miss her?" Ani ni aki, naiintindihan namin ang sinasabi ng mga katulad nya dahil hindi lang sya ordinaryong rabbit.
"Yes, I really do." Kasabay ng paghaplos ko ang luhang pumatak sa larawan, pinagmasdan ko ito ng mabuti. Nakuha ko talaga ang green eyes nya at kahit ang kanyang buhok ay katulad sa buhok ko na curly sa dulo. Tanging ugali lang talaga ang namana ko kay dad.
Hindi ko na mapigilan ang sunod sunod na luhang pumapatak. If only I could turn back the time, hindi ko na sana sila hinayaang umalis.
I really miss my parents
Naramdaman ko na may biglang yumakap sa akin, thankful nalang talaga ako na merong aki na nagcocomfort sa tabi ko.
"Tama na nga yan! Ikaw aki ha ang aga-aga pinapaiyak mo'ko" kumalas naman sya sa pagkakayap sa'kin.
"Come with me, I want to show you something"
Sumama naman ako sa kanya at habang naglalakad kami dun ko lang napagtanto na patungo pala kami sa sunflower. Ano namang gagawin namin dito?
Sa kalagitnaan ng paglalakad bigla nalang syang huminto kaya napatigil din ako.
"Ipagpapalit mo naba ang carrot sa sunflower? Kelan ka pa naging bubuyog?" Bigla naman syang napahawak sa ulo nya na parang ang sakit nito. Tinuro nya ang kahoy na upuan na natatakpan ng iilang sunflower.
"Aki kung gusto mo umupo feel free to do it, I'll be fine here." Nakatitig lang sya sa'kin at nakaturo parin dun. Kumunot naman ang noo ko "gusto mo bang buhatin kita?"
Bigla naman syang napabuntong hininga at lumapit sakin saka tinulak tulak ako sa pwesto nya kanina.
"Hoy ano bang ginagawa mo! t-teka nga, hoy aki!" Grabe naman 'to kung makatulak ok lang sana kung ordinaryong rabbit lang sya pero kung gaano sya kaliit ganun naman kalaki at kalakas yung taglay nya hmp.
Nang matapos nya akong itulak tulak na halos mapasubsob na ako sa semento pumunta ulit sya sa harapan ko at tumuro ulit what the..
Magsasalita sana ako ng may bigla akong narinig na....iyak? Lumapit ako sa upuan at hinawi ang iilang sunflower na nakaharang dito. Laking gulat ko ng makita ko ang dalawang blux na nanginginig sa takot, isa itong fox na kulay asul at kahit ang apoy sa buntot nito ay ganun din ang kulay.
Bahagya ko silang nilapitan ngunit lalo lang silang lumayo at natakot kaya lumuhod ako para mas lalo ko silang makita.
"It's ok I won't hurt you" binigyan ko sila ng ngiti para hindi sila masyadong matakot.
Sinubukan ko ulit ilapit ang kamay ko at sa pagkakataong ito nahawakan ko na sila. Natuwa naman ako kaya lalo kong tinatap ang ulo nya. Hindi ito ang unang beses na naka encounter kami ng tulad nila dahil may iilan nading lost creatures ang napadpad dito sa enchanted forest at halos lahat ay parang takot na takot.
Napapaisip nalang talaga ako kung ano ba ang dahilan ba't sila nag kakaganun, hindi ko naman sila agad maintindihan dahil hindi lahat ay katulad ni aki.
Hinatid namin sila sa wonder kung saan andun din ang mga katulad nila at nang makita naming ayos na ang kalagayan ng dalawang blux napagpasyahan na naming umalis.
"Dex sa tingin mo san sila nanggaling?" Napatingin ako kay aki at nagkibit balikat.
"Ang alam ko lang hindi sila masyadong inaalagaan" Nakakalungkot lang dahil sa nakikita ko para silang napapabayaan.
Nagkwekwentuhan kami ng biglang lumakas ang hangin kaya bahagya akong napatakip sa mukha ko. Nung humina na ito napatingin kami kung san nanggaling ang hangin na 'yun at laking gulat namin ng biglang bumungad ang malaking...tigree?? Hindi ko alam kung tigre ba'yun dahil iba-iba ang kulay ng balahibo nya at meron din syang dalawang malaking pangil na nakalabas sa bibig nya and he also have big wings na sa tingin ko dun nanggaling yung hangin kanina.
"Rainbow tiger?" Natawa ako bigla ng sabihin 'yun ni aki pareho pala kami ng naisip. Napatigil kami sa pagtawa ng marinig namin ang malakas na pagtakbo kaya napatingin kami sa tigre na'yun.
"I think we should run" bahagya akong napaatras ng makita kong papasugod na ito sa amin. "Aki?" Tumingin ako sa gilid para lingunin sana sya pero nagulat ako ng wala na sya sa tabi ko at nung tumingin ako sa likod, tumatakbo na ang amp*tek!
Tama ba namang iwan ako?!
Bigla akong napatakbo and swear mas mabilis pa ako sa cheetah! someone pleasee help meee--
Nasa kalagitnaan ako ng pagtakbo ng may biglang humablot sa'kin dahilan para mapatumba ako sa gilid. Napapikit nalang ako sa sakit dahil napalakas ang pagbagsak ko sa lupa at ng buksan ko na ang mata ko, nakita ko si aki.
Sisigawan ko sana sya pero mas nabaling ang atensyon ko sa tigreng humahabol sa'min na ngayon ay patungo na sa wild area kaya sinundan namin ito.
"Calm down queto! No one will hurt you"
Familiar sa'kin ang boses na narinig namin kaya tinignan ko kung sino yun. Nang makarating kami, nakita ko ang isang babae na naka red hat pati ang pang ibabaw nya ay red habang ang pang ibaba naman ay pants na black.
"Auntie zari?" Napatingin sya sa dereksyon namin habang hawak ang tigre na ngayon ay kalmado na "sayo ba 'yan?" Sabay turo sa tabi nya.
"Yes my dear, oh! I forgot to tell you that he will be my new partner." Sabay ngiti nya, napansin nyang kumunot ang noo ko kaya inayos nya ang napakalaking sumbrero na suot nya at nagsalita na parang nagpapaliwanag.
"My old partner kira she's injured so I give her some rest and her brother queto..." sabay tap sa tigre "he will be my temporary partner"
Kira is a phoenix 'di ko alam na kapatid nya pala yang queto.
"What's bring you here?" Lumapit sya sa'kin at ngumiti ulit, ibang iba talaga ang personality nya sa twin sister nyang si mommy.
"I need you" ito na naman kami, alam ko na kung san patungo 'tong usapan "Honey alam kong kailangan mo din ako" umiling naman ako.
"I told you, ayos lang ako dito and besides.. kapag sumama ako sayo pagtatabuyan lang nila ako ulit dun" napabuntong hininga naman sya.
Sinubukan kong manirahan dun not once but twice, but the Starry Kingdom isn't really for me. Andami kong nabigay na problema sa mga taong naninirahan dun and I can't blame them kung bakit ganun nila ako tratuhin.
"Nagpromise ako kay ate zia na aalagaan kita and I will keep that promise" seryosong sabi nito sa akin
"Pamilya mo rin kami at ayaw ka naming nakikitang nag-iisa dito kay--"
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya at agad na akong tumalikod at nag umpisang maglakad papalayo. Alam kong lumingon sya sa'kin dahil huminto sya sa pagsasalita. Nagulat nalang ako dahil bigla akong lumutang sa ere at ng lingunin ko si auntie, nakangiti sya habang nilalapit nya ako sa kanya.
"Not this time dex lagi mo nalang ako tinatakasan tsk tsk" sinabi nya 'yun habang umiiling.
"Auntie ibaba mo ako!" Nakakairita kapag ginagawa nya 'to sa'kin baka kasi magkamali sya ng galaw at mahulog ako.
Hindi pa nga nawawala yung iniinda kong sakit kanina nung bumagsak ako sa lupa tas babagsak na naman ako ngayon? Ang sakit kaya kapag walang sumasalo.
"You need to choose honey.. it's either sasama ka sa'kin or sasama ka sa'kin?" Adik ba 'tong twin ni mama, bahagya naman syang natawa.
"Then you have no choice" binigyan nya ako ng ngiti na parang wala akong magagawa.
'di ko alam kung anong sunod na nangyari basta ang alam ko lang andito na ako sa lupa habang iniinda ang panibagong sakit sa katawan matapos ako mahulog.
"You'll come with me"