Miguel's POV Umagang umaga pa lang ay nandito na ako sa labasan ng Barangay nila Ciara. Hihintay ko siya at balak na ihatid dahil pagnagjeep siya ay siksikan baka kung anong mangyareng sa kanya pag nagkasiksikan. Napaayos ako ng tayo nung nakita ko si Ciara na naglalakad. Hindi pa ako nito nakikita pero nung nakita ako nito ay hindi man lang ito sa akin lumapit. Mabilis akong sumakay ng sasakyan ko nung sumakay ito sa jeep. Dahil alam ko namang hindi makikinig sa akin si Ciara mas mabuting sundan ko nalang ito kesa naman pabayaan ko. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa room nila at umalis din saglit para kunin ang MacBook ko para makapagtrabaho ako dito habang naghihintay kay Ciara. Habang nahhihintay kay Ciara ay hindi ko na namalayang nakaalis na pala ito dahil sa sobrang pagkafo

